Chapter 41

7K 163 12
                                    

Chapter 41

Kathryn's Point of View

Mabilis na lumipas ang mga araw. Halos patapos na din ang buwan ng Pebrero. Hindi ko din alam kung anong pinapahiwatig ng mga rose na binigay niya. Kung anong araw, ganoon din ang dami ng bulaklak. Sa katunayan ngayon ay ika-25 ngayon at wala akong natanggap.

Sunday ngayon at kakatapos lang ng misa. Pang-hapon nga eh. Ewan ko kung anong trip nito. Tapos na 'yung misa at nandito pa din kami sa inuupuan namin. Wala ng tao, iilan na lang din ang ilaw na bukas. 'Yung nasa altar at 'yung chandelier sa aisle.

Naramdam ko ang pagbagsak ng ulo ni Jordan sa dibdib ko. Nakatulog na ang Baby ko.

"Ang dami kong pangarap para kay Jordan." biglang sabi ni DJ habang pinaglalaruan ang buhok ni Jordan.

"Gusto ko siyang makatapos. Lahat ng gusto niya ibibigay ko. Gagawin ko lahat mapalaki lang siya ng maayos. Dapat may takot siya sa Diyos. Gusto ko mataas ang respeto niya sa babae." tumigil siya saglit dahil hinalikan niya sa pisngi si Jordan. "Pero ang pangarap ko talaga para sa kanya. Ang mabigyan at lumaki siya sa isang buong pamilya. And I think, nahanap ko na ang Best Mom para sa kanya." sabi niya habang nakatingin sa mata ko. "Siya nga na din ata ang Best Wife na kailangan ko." kinuha niya ang isa kong kamay at hinalikan.

"Kath. Mahal na mahal kita. Sana. Sana akin ka na lang." biglang may tumulong luha sa mata.

Hindi ko alam kung papano ako magre-react sa mga nangyayari. Nakakabigla.

Napa-buka ang bibig ko nang lumuhod siya sa harapan ko.

"Mahal, pwede bang akin ka na lang? Pwede bang ikaw at ako lang?" napaiyak na lang din ako.

Masaya na kinakabahan. Sobra-sobra na ang effort niya sa panliligaw. Kahit napaka busy niyang tao hindi lumilipas ang isang araw na hindi niya ako napapangiti. Hindi man engrande pero alam mo naman na totoo. Hindi din naman kasi nasusukat sa kung papano ka niya niligawan. Ang mahalaga ramdam mo na mahal ka, nirerespeto at inaalagaan ka. Hindi ko na din naman kailangang magdalawang isip sa kanya.

Alam ko din na siya ang kulang sa buhay ko. Siya lang din ang kulang.

Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa pisngi niya at hinalikan ang noo niya. Siya naman lumapit kaya hindi ako nahirapan, baka din kasi mahulog si Jordan.

"I love you too."

Bigla naman siyang umiyak at niyakap ako. Nakasubsob siya sa bakikat ko at ramdam ko ang panginginig niya.

"Thank you. I love you. I love you." sabi niya.

May kinuha siya sa ilalim ng upuan at ibinigay sa akin.

"'Yung rose na hindi ko nabigay kanina." napa-akap ako sa kanya.

"Thank you! Ang dami mong alam." umiiyak na natatawa kong sabi sa kanya.

Pinunasan ko ang muka niya dahil basang basa na sa kakaiyak.

Mayamaya ay kumalma din siya. Umupo siya sa tabi ko habang mahigpit magkahawak ang kamay namin.

"Sorry kung hindi ganoon ka-ganda ang proposal ko sa'yo." nahihiyang sabi niya.

"Ano ka ba? Ok lang 'yun. At least, iwas aksidente." biro ko. Nakita ko naman ang pag-nguso niya. Hahaha. Naaalala niyo pa ba 'nung muntikan nang mapahamak si Jordan dahil sa surprise niya.

"Naman oh, pinaalala pa." maktol niya.

"Hahaha. Oo na po, hindi na." kinurot ko ang pisngi niya. Nakakagigil. "Uwi na tayo." yaya ko.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant