Chapter 9

7.5K 229 9
                                    

HAPPY BIRTHDAY!! To me xD

Chapter 9 – Leaving

 

 

Kathryn's Point of View

 

Phone Conversation

 

"Anak, hindi ko na kayang pasunudin ang papa mo. Masyado na siyang nagmamatigas kaya naisugod na namin siya sa hospital. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa kanya, baka ikamatay pa niya 'to. Anak umuwi ka na." hagulhol ni mama sakin.

"Opo Ma. Uuwi na po ako ngayon din. Sabihin niyo kay *hik* papa uuwi na ako kaya dapat *hik* magaling na siya pag-uwi at kung hindi magagalit ako sa kanya." Tumakbo ako sa kwarto at nag-madaling mag-impake. Kailangan ko nang umuwi sa amin. Hindi ko kayang manatili dito na ganun ang sitwasyon ni mama.

"Salamat anak. Pero 'yung trabaho mo...." Napa-tigil ako sa pag-iimpake at napa-upo sa kama. Pero kailangan ako ng pamilya ko. Kailngan ko 'tong gawin kahit mahirap para sa'kin.

"Magre-resign na ako Ma."

 

 

 

Daniel's Point of View
 

"Kath, wag ka munang mag-resign oh. Hindi pa namin kaya ni Jordan nang wala ka. 'Wag naman biglaan. Kath.." Hinawakan ko 'yung braso niya. Binababa na niya ang mga gamit niya.

Tumawag kasi ang mama niya at pinapauwi na siya. Pero resign?! Ayoko pero pano 'yung pamilya. Nilapag niya 'yung hawak niyang bag sa may gate at hinarap ako. Hinawakan niya ng mahigpit ang magkabilang kamay ko.

"DJ, naiintindihan mo naman ako diba? Kailangan nila ako ngayon. Kailangan kong umuwi. Kailangan kong umalis. At kailangan kong iwan 'yung trabaho ko dito." Namamalat pa 'yung boses niya dahil sa pag-iyak. Hinila ko 'ko siya at niyakap ng mahigpit..

"Naiintindihan ko Kath.. Pero resign. Wag namang ganun." I hissed. Bumitaw siya sa yakap.

"Kasi hindi ko alam kung makakabalik pa ako dito. Hindi ko alam 'yung sakit ni Papa. Pero bibisita pa din naman ako dito. OK? And salamat sa lahat ng tulong, sa lahat ng kabutihang ginanawa. Sa lahat-lahat. *deep sigh* Ano? Alis na ako. Ingat kayo ni Jordan palagi. Wag mong pababayaan 'yun ng mag-isa. At wag na wag mong bibigyan ng iced cream. At ikaw 'wag kang magpapa-pawis, hikain ka na naman. Basta. Ingat kayo. Mahal ko kayo. OK?"

"Nagko-confess ka ba sa'kin? Crush mo talaga ako." I'm making the atmosphere light. Masyadong madrama eh.

Sinamaan niya ako ng tingin. Lumapit ako sa kanya. Nilagay ko ang pointing finger ko sa noo niya at pinadaanan.

"Wag ka ngang kumunot. Tsk. Lalo kang napangit eh. Basta ingat ka ah. Alam ko namang di mo ako makakalimutan. Gwapo ko kaya." Tumawa siya at sinuntok ang braso ko. "Pero a-attend ka naman sa birthday ni Jordan diba?" nawala 'yung ngiti sa labi niya.

"Hin.. Hindi ko alam." Malungkot na saad niya. Paniguradong malulungkot at hahanapin sakin ni Jordan ang mommy niya. Paano? Ang komplikado naman..

Dumating na 'yung taxi na inarkila niya hanggang terminal. Ayaw niya kasing mag-pahatid eh kahit anong pilit ko. Hay, Mami-miss ko ang magandang nilalang na 'to. Nakakainis, bigla-bigla na lang siyang magre-resign. Tinulungan ko siya sa paglalagay ng bag niya sa compartment.

Pinag-buksan ko siya, nang makapaasok siya. Hindi ko muna agad sinara.

"Huy ano ka ba?" saway niya sakin.

"Ingat ha? Pagabi na oh. Sa umaga na lang kasi." Kinurot niya ang ilong ko.

"Ngayon pang nakasakay na ako sa taxi. Kayo din ingat ah? Be good, Daddy."

"I will, Mommy." hindi ko alam kung nag-blush siya oh dahil sa lamig kasi pagabi na.

"Sige na, 'wag kayong pasaway ha? Take care of Jordan. Hmm? Bye na." tumango ako. Hinalikan ko 'yung noo niya.

"Bye. " tumingin ako sa driver ng taxi, kilala ko naman 'to. Kadalasan sa kanya ako sumasakay papasok ng trabaho dati. "Manong Ed, ingat po kayo sa pagda-drive." Tumingin ulit ako kay Kath. Ginulo ko 'yung buhok niya. "Babalik ka diba?"  Ngumiti lang siya. Sinarado ko na 'yung pinto at umusad na 'yung sasakyan.

Tinanaw ko 'yung taxi hanggang sa mawala na paningin ko..


Kath, babalik ka diba?

~'~

I know it's late and lame sorry for that.

But IT'S MY BIRTHDAY TODAY!! I doubled my UPDATE and Gift niyo na sakin 'yung votes and comments niyo please??

Votes and Comments is highly appreciated.

♥Alyssaxx

©2015

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora