Chapter 21: An Encounter

44 1 1
                                    

OLLIE'S POV

"Ollie...."

Hmmm..

"Yoohoo! Ollie..."

Ano ba yang pesteng bumubulong-bulong..

"Five minutes..." antok pa ko eh...ano bah..

"RISE AND SHINE BITCH!!!! Yooooo huuuuuuu!!!" sigaw ng isang nakakairitang tinig. +_______+

Di pa rin tumigil sa kakasigaw ang tanginang nilalang na parang nakamegaphone sa ingay when I felt something incredibly heavy na dumagan over me. Binigyan ko ng nakamamatay na titig ang salarin.

"JEEZZ! Get off me! You almost had me killed there bitch!" i shouted at the culprit's face. Gosh! Umagang-umaga napapasabak na ko sa inglesan. The eff? Eh, I only spokening dollar everytime na SIYA yung kausap ko. Diba, pansin nyo? Aba, dapat pasiklaban talaga ng nakakadugong tenga na ingles ang kolokoy na yun. Asa syang papatalo ako noh?

Anyway....

Ba't SIYA na naman ang naiisip ko? Kaasar!!!

"Hihi. Tulog mantika ka po kasi. Ang hirap mo kayang gisingin." painosenteng sagot ni Rosie.

Ugh! The nerve of this nerd! Kung di ko lang to kaibigan-- nevermind. =)

"Duh? Pa'no ba dapat matulog? Dilat ang mata ganun? Tsaka di ba uso ang salitang privacy sa inyo? Hiyang-hiya naman ako sayo! " naiirita kong sita dito. Halos wala akong itinulog kagabi kakaisip kay Aug-- BATMAN! LA LA LA...yun... batman. (=_______=)7

"Eeeeehhh! Sige na kasi! Get up ka na dyan bhest! It is so mainit na here! Look oh! The sun is super duper tirik na.." tinuro pa nito ang glass wall sabay pout at padyak. ^3^

"Yuck! Tumigil ka nga, mainit ka dyan? Hello? Di nyo PO ba sighting ang aircon? Nakatodo kaya yan. Ano ka teh, balat- kalabaw lang? Hilahin ko yang nguso mo eh. Pati ba't ka ba nandito ha? Ang aga-aga nambubulabog ka ng DYOSANG tulog." panghihimutok ko sabay tayo at nag-unat.

"Hehe~ Ala eh.... Makikisagap lang sana ng chismis." nagpuppy-dog eyes pa. God!

Chismis?

Tinaasan ko lang to ng kilay bago pumunta sa aking floor-to-ceiling-vanity-mirror. Oh! Wag kayong atribida. Eh, feel ko talagang sambahin ang sarili ko sa salamin araw-araw...at magpose.... at magsmile... at magpacute at---

"Ollie!" sigaw ni nerdy.

"Oh?! Ba't ka ba nasigaw?" kunot-noo ko itong nilingon. Napansin ko namang bahagya pa itong nakanganga.

"May I remind you? Wala PONG photoshoot dito. O baka naman meron? Sige nga inday, pakituro mo nga sakin kung saan banda nakapwesto ang mga camera at nang mabasag ko na." sarcastic na sabi nito at nagpalinga-linga pa. At saka ko lang din napansin nang balingan ko ang sarili sa salamin na nakapose nga ako ng bonggang-bongga. BASAG! =)

Ampupu! Hayup...! Di ko namalayan na naisakatuparan ko na pala ang nakagawian kong RITUAL araw-araw. Nabisto pa ko ni nerd. Teh-hee..!

"Haaay naku. Anyway, ano bang chismis ang pinagsasabi mo?" tanong ko.

"Weeeh? Pa-clueless ka pa dyan. Do I still have to mention that golden egg's name?" banat nito.

Ting! Yung muntanga pala... =_________=

"Wala akong chika noh kaya gumora ka na." pagtataboy ko dito.

"Ehhhh??? Ayoko nga! Magkwento ka na.. dali!" nagpagulong-gulong ito sa kama at bumanat pa ng cute na 'puh leasse??' at with matching pikit-pikit pa ng mga mata.

What it means to be in the A-LISTWhere stories live. Discover now