Kahit alam kong naka move-on na siya. Eto pa rin ako stranded sa kaniya..

Trixie's POV

Urgh. Buwisit talagang Sarossa yun. Napaka-sensitive pa rin pag dating kay Selena. Gosh. Hindi ko lubos maisip na tatlong taon kaming nagkasama ni Keiden pero wala hindi ko na talaga siya na-akit. In fact, ayoko na rin naman. Mas okay na sa ganito kami. CLOSE FRIENDS.

Halos ilang buwan ding hindi makausap ng matino si Keiden. Pasalamat siya at napagtiisan ko siya. Yung mga barkada niyang ewan wala ding magawa. Si Parker.. si Parker lang ang alam kong nakausap niya.. Halos ilang buwan kong pinasak sa utak niyang Keiden na yan na wala na talaga si Selena. Na masaya na yun sa buhay niya ngayon. Kaliwa't kanang babae ang nakikita kong kasama lagi ni Keiden. Hindi lang kaliwa't kanan! May harap at likod pa. Gosh! Halos mabaliw na kami ni Sabrina pero walang silbi dahil bumalik nanaman siya sa pagiging "playboy" niya.

Pati si Kriella na napaka-maldita. Halos hampasin na siya ng poste ng meralco matauhan lang. Pero wala, si Selena pa rin talaga.. It will always be her.. it will always be about her.. Kahit masakit sa mata yung sight ni Keiden na nagkakaganun, pare-parehas lang kaming walang magagawa. We can't dectate him.. his feelings.. Kaya hinayaan na lang namin siya hanggang sa dumating sa point na sinabi niya kay Tito which is her dad na gusto niyang siya na ang mag take over ng Sarossa's Inc na naka-base dito sa pinas. Atleast little by little he's going back to the old him.. old him when he's with Selena. Bwisit talagang babae yun. Masyadong malakas ang kapit dito kay Keiden. Ughhhhh!

Napatitig na lang ako sa mga picture frame dito sa opisina ni Keiden. Ang dami na talagang nagbago. Well, 3 years is a long time for everything to change. Pero isa lang ang hindi talaga nagbago.. Yung feelings ni Sarossa kay Samaniego. Sinong tanga ba naman ang makakapag move-on kung halos puro picture ni Selena ang nandito sa opisina niya?! Ugh! Pagpasok mo pa lang, isang malaking portrait picture na ni Selena ang bubungad. Pati sa table niya, ganun din. Kaya siya naka-move on eh. *sarcasm overload here* Nataranta naman ako nung biglang nag ring ang pang mayaman kong cellphone. Bwisit na tumatawag.

“Oh?” Tanong ko. Di ko na tinignan kung sino caller. Yaan siyang magpakilala. Tss.

[Babe..]

“Problema mo?”

[Sorry na kasi. Let me make it up to you--]

“Pakyu!” Sabi ko at inend na ang call. Bwisit na Drey yan. Dagdag sa stress ko. Ni hindi ko alam kung baket ko ba yan sinagot eh. Ni hindi ko nga alam kung baket.. Err! Isang taon din niya kong niligawan. Gad. Napilit lang talaga ako. As in naipit lang din ako. Sinong tanga ang mag kakalat ng kakornihan sa mall?! Syempre ayoko naman siyang mapahiya kaya um-oo na ko. Err. Fine! Mahal ko rin naman siya pero bwisit lang talaga! Puro siya let me make it up to you, let me make it up to you tapos.. URGHHHHH! Kailangan kong magpunta sa salon dahil nararadar kong nababawasan ang ganda ko.

Agad naman akong lumabas sa opisina ni Keiden. Oh well, at least nabalita ko na sa kanya na magbabalik na ang pinaka-mamahal niyang babae. In all fairness model at sikat na fashion designer na siya. Nagkalat ang billboards niya dito sa manila. Heck. Buti na lang ako tambay. Gosh. Ang ganda kong tambay talaga. Hinihintay ko kasi yung mga papers na kailangan ko dahil pupunta ako ng Montecarlo. Dun ako magtratrabaho para sosyal. Kaya for now, magandang tambay muna ko. Lumabas na ko ng Sarossa Inc. at dumiretso sa Mall..

My Pervert Roommate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon