Tatlong beses itong nagpatalbog-talbog sa ibabaw ng dagat.

Napangiti ako sa sarili ko saka ako nag iwan ng isang pangako sa harapan ng dagat.

"Mamahalin ko si Anne ng higit pa sa buhay ko!!!!!"

Pagkatapos ng katagang iyon ay tumalikod na ako at naglakad palayo sa dalampasigan. Sinundan ko ang mga yapak ni Jo hanggang sa makalapit ako sa kanya.

"Let's go?"

Tumango lang ako saka ngumiti sa kanya.

Magkasunod ang sasakyan naming dalawa pabalik ng Maynila at bago pa tumaas ang araw ay nakabalik na kami ng lungsod.

Simula na ito ng bagong umaga para sa amin ni Anne. At ang pangako kong mamahalin siya ng higit pa sa buhay ko ang dahilan ko para pagtibayin ang aming relasyon.

....

"ALL is fair in love."

Wika ni Jo habang nakatitig kami kay Anne.

Andito na kami sa campus ngayon. Pagdating namin kanina mula sa batangas hinintay lang namin si Anne na makapagbihis saka kami pumasok ng sabay-sabay papunta rito sa school.

"Kanina ka pa nakatitig kay Anne. Baka naman hinuhubaran mo na siya?"

Napangiti tuloy ako.

Totoo yong sinabi ni Jo kanina ko pa tinititigan si Anne mula rito sa malayo. Abala ito sa pagbabasa ng libro habang nakaupo sa isang bench malapit sa classroom namin. Kami naman ni Jo ay andito sa ilalim ng puno kasama ang team.

"Alam mo Jo, kung ano yong unang nafeel ko nong una ko siyang makita, yon pa rin ang nararamdaman ko everytime na makikita ko siya. Crush na crush ko talaga si Anne."

"Lust at first sight?"

"Love at first sight, Jo."

"Kaya dapat tigilan mo na ang pagdadrama mo dahil ayan na si Anne. Mahal na mahal ka niyan. Maniwala ka sakin dahil saksi ako sa bawat pag iyak niya nong wala ka."

"Hinding hindi ko na siya iiwan pa. Ayokong iiyak pa siya."

"Ano kaya kung puntahan mo na siya? Mamaya may tumabi pa sa kanyang iba."

"Sige, maiwan ko muna kayo diyan."

Nagsimula akong humakbang patungo kay Anne at pagkalapit ko sa kanya isinara ko yong librong hawak niya saka ako umupo rito sa tabi niya.

"Jillian bakit?"

"Kanina ka pa nagbabasa. Baka pwedeng sa akin na muna yang atensyon mo."

Sumunod naman siya dahil pinasok na niya ang hawak niyang libro sa bag niya.

"Tapos na ba ang meeting niyo?"

Tumango ako.

"Alam mo babe nasa malapit o malayo ka man ang ganda-ganda mong tingnan."

"Sus nambola ka na naman. Wag mo akong binobola kasi madali akong maniwala."

Napangiti ako saka ko hinawi yong buhok na tumatakip sa kabilang pisngi niya.

"Ikaw ang first love ko."sabi ko sabay halik sa dulo ng ilong niya.

"Akala ko ba si first GF mo ang first love mo?"

Umiling ako.

"Siya ang first GF ko pero ikaw ang first love ko, ikaw ang nag-iisang minahal ko ng sobra." Isang dampi ng halik sa kamay niya ang iginawad ko."Alam mo naniniwala na ako sa sinasabi ng iba na 'ang tunay na pag-ibig ay hindi mo matatakasan'. Kaya pala kahit lumayo ako hinahabul-habol mo ako."

Natatawa itong kumurot sa tagiliran ko.

"Sana hindi mo na ulit ako iiwan, Jillian."

"Hindi na, dahil ayoko ng maranasan ulit yong matutulog akong dilat ang mata."halatang natatawa ito sa sinabi ko."Para akong mababaliw kapag wala ka sa tabi ko. Ayoko na ulit maranasan iyon. At ayoko na ulit iparanas sayo ang mag isa. Kung nasan ako sisiguraduhin kong andon ka rin."

Sumandal ako rito sa kinauupuan ko saka ko hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Anne. Kung pwede lang na hindi na siya bitawan para masigurado kong kami na habang buhay.

.....

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon