Chapter 10: Getting to know each other.

Start from the beginning
                                    

"Sige tignan ko po"

"Sige salamat"

Mokong talaga ang lalaking yun, makikipagmeeting lang pala isasama nya pa ako ang tagal tagal pa, dapat nasa bahay nalang ako nagffb at nagtutwitter lang haaay

"Jane"

"Ah Erick bakit"

"Tara ihahatid kana daw nung driver"

"Ah ganun ba? Sige, di pa ba tapos ang meeting ni Mark?"

"Huh? Haha anung meeting? Kanina pang wala si Mark dito 30 minutes na ata"

"Ano? Bakit di naman ako sinabihan?"

"Ewan ko, sabi nya lang pag hinanap mo sya ipahatid kana lang sa driver"

Aba loko yun ah! So hanggat hindi ko sya hahanapin di ako makakaalis, may saltik ata yun sa pagiisip ah, ano pinagtitripan lang ata ako nun, pari talaga yun sakin pag nakita ko

"Sige Erick una na ako, pag bumalik si Mark sito sabihin mo nalang wag na syang magpapakita." At naglakad na ako pounta dun sa kotse

Tumigil ang kotse sa isang malaki ngunit medyo luma na bahay, mapapansin mo kasi na kahoy parin ang pader,

"Manong hindi po ako dito nakatira"

"Alam ko po maam"

"Bakit dito mo ako dinala?"

"Utos lang po maam"

"Utos? Sino nagutos manong? Ano to kidnap manong alam mo mali tong ginagawa mo" anu ba naman to makikidnap pa ata ako na wala sa oras, kaya dali dali akong bumaba at tumakbo palayo

"Maam maam teka si sir Mark po nagutos sakin na dalhin kayo dito andyan po sya sa loob kanina pa"

Ano? Mark ano ba naman to dito mo din naman pala ako papapuntahin bakit di mo ako sinabay

"Huh! Sige manong buti naman ng makatikim sakin tong mokong to, makikita nya talaga ang hinahanap nya"

Pagpasok ko ng gate daretso ako sa napakalaking bahay, kanila ba to? Ang laki naman pero bakit parang luma na? Ganito ba yung klase ng bahay nila? Di bale na basta andito si Mark patay ka sakin

Binuksan ko yung pinto at pumasok "HOOY MARK LUMABAS KA NGA DYAN KALA MO MAIISAHAN MO AKO ALAM MO WALA KA TALAGANG PUSO ALAM MO NG MAY KASAMA KANG BABAE TAPOS IIWAN MO DUN ANUNG KLASE KANG LALAKE?" Yan sinisigaw ko na para lumabas sya makita nya hinahanap nya, pero wala parin lumalabas kaya naglakad ako papunta sa kusina at magulat ako ng makita ako ng isang madre,

"Magandang araw iha sinong hinahanap mo? Parang galit ka ah?"

"Ah sorry po sister akala ko po andito si.."

"Jane andito kana pala" Pag tingin ko sa likod

"Mark?"

"Sister Anna sya nga po pala si Jane girlfriend ko, sya po yung tinutukoy ko sa inyo kanina"

"Ah sya ba si Jane mabuti at nakilala din kita, mukhang galit ka iha ah sa lakas ng sigaw mo muntik na ako mabingi" biro sakin ni sister

"Pasensya na po sister akala ko po kasi bahay ni Mark to kaya napalakas po boses ko pasensya na po" grabe nahihiya talaga ako, di tuloy ako makatingin ng ayos kay sister, kasalanan lahat to ni Mark eh,

"Babe tama ka naman bahay ko na to diba sister?"

"Oo naman ikaw paba mark hindi kana bago samin"

"Kuya mark kuya mark tara pa pong maglaro?"

Pumasok yung maliit na bata

"Aaron diba sabi ni sister Lisa kakain muna tayo"

Be my Girlfriend for 100 DaysWhere stories live. Discover now