Chapter 41: Why can't it be

63 5 0
                                        

Macky

        I was here in a bar. At mukhang nanadya 'yung kinakanta ng banda sa stage.
  
        "Why can't it be" by Nina.

         Kanina dinalaw ko sa kanila si Eucha. I was worried. Kasi sabi ni Enzo nagmumukmok siya sa kanila. Ilang araw na siyang ganoon mula nang mapanood niya 'yung video ng ex-boyfriend niya.

        She was affected by that video. And I can see that she still loves him.

         I tell her that I'll be by her side no matter what. That, I can be her crying shoulder. 

         She cried in front of me. At kahit ayaw niyang masaktan ako. nasaktan ako sa sinabi niya.

        "Macky, I'm sorry, but I guess I still love him. And I don't want to be unfair to you. Ayokong umasa ka sa'kin. Ayokong masira 'yung friendship natin. Kaya, please, let's be friends. I need you as a friend. Sorry...  But please, let's just be friends?" That what Eucha said to me.

       Wala na talaga akong pag-asa sa kanya. Hanggang kaibigan lang ako sa kanya.

        Hindi niya ako kayang mahalin. Kasi until now, 'yung ex niya pa rin ang mahal niya. Kaya hindi pwedeng maging kaming dalawa.

         Kahit sinaktan siya no'n. Kahit hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya because of him.

        Ang swerte naman niya. Siya ang minahal ni Eucha. At mahal na mahal pa rin siya nito hanggang sa ngayon. Sa kabila ng lahat.

       Ang unfair naman, oh. Bakit hindi na lang ako. Bakit siya pa rin?

       But still, I can't be mad at her. Kailangan niya ako bilang kaibigan. Kaya, I will stay by her side. As friend.

        Kahit masakit para sa'kin.

        I never thought na mahuhulog ako ng tuluyan kay Eucha. Sabagay hindi naman siya mahirap mahalin, eh.

          Ang mahirap lang ay 'yung katotohanan na may nauna na sa akin. May mahal na siya at masakit man. Hindi ko siya kayang palitan sa puso ni Eucha.

          That's why we can't be more than friends.


Eucha

        I know na nasaktan ko si Macky. Pero, that's the best thing to do. He is a very nice person. Marami siyang magagandang katangian na hindi ko nakita 'nung una. Napaka-swerte ng babaeng mamahalin niya. At sana nga mahanap niya 'yung babaeng para talaga sa kanya. Kasi hindi ako 'yon, eh.

         Kahit ano namang gawin ko masasaktan ko pa rin siya. Kapag binigyan ko siya ng chance tapos hindi ko naman siyang magawang mahalin masasaktan din siya. Masisira pa 'yung closeness naming dalawa. Atleast ngayon, makakapag-move on na siya sa akin. At sana nga 'wag siyang magbago sa'kin after this.

        Sana friends pa rin kami. Pwede pa rin niya akong turuan ng ibang chords sa ukelele. Pwede pa rin akong maki-jamming sa kanila sa bar. Pwede ko pa rin siyang makasama.

        I don't want to lose him as a friend.

        And about Caleb? Ang unfair niya. Kung kailan okay na ako saka pa siya magpaparamdam.

       Bakit niya ba ginawa 'yung video na 'yon?

       What for? Eh, ikakasal na siya sa Wendy na 'yon.

         Napasimangot tuloy ako.

        Akala ko okay na ako because of Macky. Pero hindi pa rin pala. 'Yung mga ginawa ko para makalimutan siya nabalewala lahat.

         Kahit konti pala hindi pa rin ako nakakapag-move on sa kanya. Mahal ko pa rin siya. Pero ikakasal na nga siya sa iba 'di ba? Kaya ano'ng inaarte niya? Mahal pa rin kita sabi 'nung kanta? Kung mahal niya pa rin ako dapat hindi siya magpapakasal sa iba.

         Nakakainis siya! Dahil sa video na 'yon nagulo na naman 'yung utak ko. Imbes na nagmo-move on na ako.

       Ang daya niya! Buti nga siya ikakasal na, eh. Tapos ako ito nahihirapan pa rin na mag-move on. Tapos guguluhin niya pa dahil sa kadramahan niya sa video na iyon.

       Pero wala naman siyang sinabi na para sa akin 'yung kanta 'di ba? Tama. Nag-assume lang ako. Hindi niya naman binanggit ang pangalan ko. Pero kay Gab iti-nag 'yung video, eh.

       Haist! Nakakainis! Nai-stress ako, eh. Papangit ako nito. Hindi pwede. Malapit na 'yung launching ng mga design namin ni Gab. Kailangan pretty kami that day. Matagal naming pinaghandaan iyon at pinaghirapan.

       Kaya kailangan kong i-set aside itong nararamdaman ko. Kaya ko 'to.

       Aja, Eucha! You can do it.

       Cheer ko sa sarili ko.

       Napabuntong-hininga ako habang nag-aayos ng mga damit sa boutique namin. Sana nga kayanin ko.

Caleb

         "Dad, ano'ng ibig sabihin nito?" kunot ang noo na tanong ko kay dad. Pinapalayas na ba nila ako?

         "It's about time na isipin mo naman ang sarili mo, anak. Ako na munang bahala sa kompanya," Dad responded.

         "Pero dad kagagaling mo lang. Kaya dapat magpahinga ka muna," giit ko sa kanya.

        "Wendy's dad will accompany me naman sa company. Kaya don't worry about me, anak," Dad insist. He smiled at me.

        "At imo-monitor ko rin siya palagi, anak. I will take care of your dad don't worry," Mom said, then smiled at me too.

        "Thanks, hon." Dad smiled to mom at pinisil niya ang kamay nito.

        "Ahhh... How sweet, mom and dad. Kuya, sundin mo na lang sila. Gusto namin maging masaya ka just like them. 'Wag ka ngang duwag," may halong pang-aasar na pagpapalakas ni Catherine ng loob ko.

       "Hindi ako duwag, Catherine," kontra ko naman.

        "Yeah right, kuya. Pero it seems na naduduwag ka." Kibit-balikat na tugon nito. Tsk. She's provoking me.

        "Be man enough, anak. No matter what outcome you get, Accept it. At least you tried," Dad told me.

        "Tama. Basta nandito lang kami para sa'yo kahit ano'ng mangyari," dagdag pa ni mom.

         "Okay. I'll go." I accepted my defeat. Tatlo sila isa lang ako, eh.

        "Goodluck, kuya!" Catherine cheered.

       "Balitaan mo kami." Tinapik naman ni Dad ang balikat ko.

        "Takecare, anak," Mom hugged me.
           "Thanks, mom, dad, and Catherine," I said to them sincerely.

          Thank you, Lord. For giving me a very loving and supportive family.

          Tama sila. Walang mawawala kung susubukan ko. Bahala na. Pero, I'm hoping na sana hindi pa huli ang lahat.

          Sana may oras pa ako para bumawi sa kanya.

          Sana hindi pa huli ang lahat para sa aming dalawa ni Eucha.

Started with a ChatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon