Chapter 4: Missing in Action

123 6 0
                                        


Eucha

It's been a week since the last time na naka-chat ko si Caleb. And until now, wala pa rin siyang message sa akin. Kaya nakakapanibago.

Ang huling conversation namin ay noong nasa cafe kami ni Enzo. He even commented on the photo of me and Enzo. He says, "Nice picture." After that, wala na ulit siyang message sa akin.

"Bakit kaya 'yon biglang hindi nagparamdam sa akin?" Napapaisip na tanong ko kahit wala naman akong kausap.

Nagtataka talaga ako. Kasi, all of a sudden bigla na lang siyang out of reach. Hindi man lang siya nagsabi o nagpaalam.

Nag-message ako sa kaniya para kamustahin siya. Pero wala akong response na nakuha. Dedma ang beauty ko.

Hay... Bakit ko ba siya masyadong iniisip?

Siguro dahil nasanay na ako na lagi ko siyang ka-chat.

Oo. Tama 'yun lang 'yon. Hindi ko siya nami-miss.

Nami-miss?

Bigla akong napabangon mula sa pagkakadapa sa kama ko habang nagla-laptop.

Teka! Bakit parang nami-miss ko nga siya?

Hindi! Hindi ko siya nami-miss. Bakit ko naman siya mami-miss?

Eh, para siyang si Enzo, eh. Inaasar niya rin ako palagi.

Kapag nag-post ako ng picture o kahit ano lang. Lagi siyang may reaksyon.

Kaya minsan nauuwi talaga kami sa asaran.

But still, hindi ako naaasar sa kaniya.

Minsan nga napapangiti pa ako instead na magalit.

Wait! What does it mean?

Am I falling for him? That fast?

No way!

Bigla kong naisara ang laptop ko sa ideyang naisip ko.

Is that even possible? To fall in love with someone that quickly?

Kahit na kakakilala niyo pa lang? Kahit na hindi pa kayo nagkikita sa personal? Kahit na hindi mo pa nakakasama ang tao na iyon?

Napahawak ako sa dibdib ko sa parte kung nasaan ang puso ko. Dinama ko ang malakas na pintig nito.

"Is it because I've been thinking about Caleb? Is he the cause of this? Is he the source of my rapid heartbeat?" Naguguluhan na sambit ko.

Caleb pov


I'm waiting for Eucha's reply to my message nang maagaw ng isang notification ang atensyon ko.

It was a picture na na-tag sa akin.

I don't know why pero parang biglang nag-init ang ulo ko nang makita ko 'yung picture.

It was Eucha with a guy. They are both smiling in that selfie photo. They seem so happy.

At mas lalong nag-init ang ulo ko sa mga comment na nabasa ko.

"You two looked great together."

"Bagay talaga kayong dalawa."

"Cute couple!"

"Enzo, ligawan mo na kasi si Eucha!"

"I'm rooting for the two of you."

"Sana kayo ang magkatuluyan."

Ilan lang 'yan sa mga nabasa kong comment sa picture nila. Feeling ko magkadikit na ang mga kilay ko sa sobrang kunot ng noo ko.

And I don't understand myself. Why I am feeling this way?

I found myself writing in the comment section.

"Nice picture." Then I send it.

Para siguro sa kanila. Wala lang iyon. Simpleng comment lang. Pero para sa akin, I typed it in a sarcastic way.

Wait! Am I jealous?

*****

Ilang linggo ko ng tinitiis na 'wag i-chat si Eucha. Kahit gustong-gusto ko na siyang makausap.

Hindi ko rin nire-reply-an ang mga message niya.

I don't understand myself. Why am I acting like this?

Childish right? Pero naiinis talaga ako doon sa picture na nakita ko, eh.

Ewan ko ba! Nagseselos ba ako?

"Why should I?" Napapaisip na tanong ko sa sarili ko.

I mean, bakit ako magseselos? Bakit ako maiinis?

Ano ang karapatan ko?

We're just friends who chat on the internet.

Hindi niya ako boyfriend.

Wait! Boyfriend?

Saan galing 'yon? Bakit ko naman naiisip ang mga ganitong bagay?

"Haist! Caleb, nababaliw ka na." Kastigo ko sa sarili ko.

"Epekto lang 'to ng boredom. Tama! Bored lang ako." Kumbinsi ko pa sa sarili ko.

So, I reach for my laptop and open it.

'Nung nabuksan ko na. Ini-open ko 'yung facebook account ko.

I scroll it down.

Tsk! Wala naman akong magawa.

Wala din akong maisip na i-chat.

Siya lang naman kasi ang gusto kong ka-chat, eh.

Kahit minsan medyo malakas din siyang mang-inis.

Pero kapag napipikon ko siya. Natutuwa ako kapag alam ko na naiinis na siya.

"What's happening to you, Caleb?" Naisabunot ko ang mga kamay ko sa sarili kong buhok.

I ended up looking at her picture. Do I have to admit to myself that I'm already in love with her?

That quickly?

Nang mga sumunod na araw ay pinilit ko na ituon sa ibang bagay ang pansin ko. Nagpaka-busy ako sa opisina kahit hindi naman kailangan.

I have to make myself busy, para mapigilan ko ang sarili ko na i-message siya.

Habang maaga pa, kailangan ko ng pigilan ang sarili ko. Hindi pwede na may maramdaman ako sa kaniya. Magkabilang mundo ang pagitan namin ni Eucha. Kaya imposible na maging kami, sakali mang pareho kami ng nararamdaman.

A long-distance relationship will never work. Baka masaktan lang namin ang isat-isa kapag nagkataon. Nasa Pilipinas ang buhay niya at dito naman sa California ang sa akin. Bilang panganay sa aming magkapatid, ako ang mamamahala ng kompanya namin someday. Habang si Eucha naman siguradong hindi niya makakayanang iwanan ang mga mahal niya sa buhay sa Pilipinas.

We can't be together. Kaya mas mabuti pa na ngayon pa lang ay pigilan ko na ito. Tutal ni hindi man lang kami magkikita sa personal. Imposible na mangyari 'yon.

Naisip ko ng i-unfriend siya sa social media. Pero hindi ko magawa. Kaya hinayaan ko na lang. Iniwasan ko na lang na buksan ang social media accounts ko. Para hindi ako ma-tempt na i-message siya. At sana nga mapangatawanan ko ang desisyon kong ito.

Mabuti na lang din at medyo busy ngayon sa opisina. Kaya may rason ako para magpaka-busy. Kaya hindi ko siya masyadong naiisip.

Sana tama itong ginagawa ko.

Sana hindi ko ito pagsisihan. Dahil sa totoo lang ay miss na miss ko na siya.

Pero kailangan kong panindigan ang naging desisyon ko.

I have to forget about her.

Started with a ChatWhere stories live. Discover now