Chapter 27: Letting go

10 0 0
                                        

Eucha

       "Eucha, nasa labas sila Gab. Ayayain ka raw nilang lumabas, anak." Hindi ko namalayan na pumasok si Mommy sa kuwarto.

     "Mom, pakisabi po ayoko." Nagtalukbong ako ng kumot.

     "Anak, mas okay kung lalabas ka with them." Naramdaman ko na umupo sa kama si Mommy.

     "Ayoko pong lumabas ng ganito ang itsura ko." Paano ba naman maga kaya ang mata ko sa kakaiyak.

    "Papapasukin ko na lang sila dito." Narinig kong na lang na sumara 'yung pinto ng kwarto ko.

    Hay.... Ang kulit talaga nila. Alam ko naman na concern lang sila sa akin, eh.

    "Hay naku, Eucha! Hanggang kailan ka ba ganiyan, ha?" dada agad ni Gab pagkapasok nila ni Enzo sa kuwarto ko.

     "Hanggang masakit pa rin 'to, oh." Sabay turo ko sa puso ko.

     "Tsk! I told you that guy means only trouble to you," Enzo.

     "Tse! Sabi mo boto ka na sa kaniya 'di ba?" Naupo ako at nakiupo na rin sila sa kama ko.

     "You have to talk to him, Eucha," Si Gab na himalang seryoso.

     "Ayoko. Hindi ko kaya." Sabi ko na umiiling.

     "Aalis na siya bukas." Napalingon ako sa sinabi ni Enzo.

     "Aalis na siya? B-Bukas na?" Ako.

     "Yeah. Tomorrow morning ang flight niya," Enzo answered.

    Napayuko ako sabay yakap sa binti ko. Naiiyak na naman ako.

    "Eucha, hahayaan mo na lang ba na maghiwalay kayo ng ganito? Walang closure? Oo. Ma-e-engage na siya sa iba. But still you have to talk. Baka magsisi ka kapag hindi mo siya hinarap sa huling sandali. Baka hindi mo na siya makita kahit kailan," Gab.

     "Hindi na naman talaga, kasi ma-e-engage na siya sa iba 'di ba? Kaya bakit pa sila mag-uusap?" kontra ni Enzo kay Gab.

    Tinignan siya ng masama ni Gab bago ito magsalita.

     "Oo. Pero pareho silang hindi matatahimik kapag naghiwalay sila ng ganito. You have to let him go for now, Eucha. Malay mo someday magkaroon kayo ng chance 'di ba?" Convince pa rin sa akin ni Gab.

     "'Wag mo na siyang bigyan ng false hope, babe," Enzo said to Gab.

     "Isa pang kontra mo. Iiwan na kita. Babalik na rin ako ng California," pananakot ni Gab kay Enzo.

     "He...he... Sabi ko nga tatahimik na ko babe, eh. Sige na Eucha. Sumama ka na sa amin. Puntahan natin si Caleb." Napapakamot sa ulo na sabi ni Enzo.

   "Kahit kailan talaga napaka-ander mo," nakasimangot kong sabi.

    "Sige na magbihis ka na. Hihintayin ka namin sa baba. Isipin mo na lang na gagawin mo 'to for the both of you. Para sa ikatatahimik niyo." Nakangiti akong niyakap ni Gab.

    "Uy! Sali ako." Enzo na nakiyakap na rin sa amin.

    "Thanks, guys." Tipid akong ngumiti sa kanilang dalawa. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanila.

    Lumabas na sila ng kuwarto ko. At nag-ayos na ako para makaalis na kami.

    Tama sila kailangan namin ng closure. Para hindi kami parehong maging miserable kapag naghiwalay na kami.

    Kaya kahit mahirap 'to para sa akin. Kasi alam ko'ng masakit. Pero, I have to let him go.

    After kong magbihis umalis na kami.  Wala akong imik sa sasakyan hanggang makarating kami sa hotel na tinutuluyan ni Caleb.

Started with a ChatWhere stories live. Discover now