Chapter 10: First date part 2

107 5 0
                                        

Eucha

Okay! This is so awkward.

Nakakainis! Paano kami mag-e-enjoy sa date namin kung kasama namin ang dalawang 'to?

Kanina 'nung makita ni Caleb na kasama ko sina Enzo at Gabby obvious na dissapointed siya.

Paano ba naman, first date namin tapos may asungot.

Si Enzo ang sama ng tingin kay Caleb. Si Gabby naman lahat pinupuna. Napaka-daldal. Nakakainis talaga.

"You know what Caleb, bago mo ligawan si Eucha you have to win her friends approval muna. Right, Babe?" Bumaling si Gab sa boyfriend.

"That's right," sang-ayon ni Enzo sabay tingin kay Caleb.

"Tumahimik nga kayong dalawa. Hindi naman siya nanliligaw, eh. We're just hanging out as friends," saway ko sa dalawa.

"Friends ka diyan! Eh, nagde-date nga kayo, eh." Gab said, sabay subo ng pagkain at maarteng ngumuya.

"Wala ba kayong gustong puntahang dalawa?" Caleb asked them.

"Para ano? Masolo mo si Eucha?" Enzo snarl at Caleb.

"Enzo! Stop it, okay?" Saway ko sa kaniya.

"Ngayon lang kayo nag-meet kaya hindi namin saiyo ipagkakatiwala si Eucha," wika ni Enzo.

"My babe is right," Gab agreed.

I rolled my eyes sa inis sa dalawa. "Correction ilang months na kaming magkakilala." I said to them.

"Sa social media. Pero sa personal ngayon pa lang," giit ni Enzo.

"Fine. I let you two join our date pero kami ang masusunod kung saan tayo pupunta," Caleb said.

"Call!" Pagpayag ni Gab.

"Okay. Ako na ang magbabayad ng kinain natin." Dinukot ni Caleb mula sa bulsa nito ang wallet niya.

"No! Ako na." Palag naman ni Enzo.

"Babe, hayaan mo siyang magbayad," Gab said.

"Sabagay siya naman nag-aya, eh," sang-ayon naman ni  Enzo sa girlfriend.

Gusto ko sanang idugtong na, Oo, sumabit nga lang kayo.

Lumabas na kami ng restaurant.

"So,saan na tayo pupunta?" tanong ni Gab.

"Sa park," tugon naman ni Caleb.

"Park?" Kunot ang noo na react ni Enzo.

"Sa park mo lang siya ipapasyal?" Gab asked, brow furrows.

"Why not?" sabi ko naman.

"Let's go?" Nakangiting aya sa akin ni Caleb.

"Yeah. Let's go." Nakangiting din na sagot ko.

"Whatever! Halika na nga, babe." Gab rolled her eyes at sumunod na rin sa amin.

Hmmm... Mukhang may plinaplano si Caleb, ah. Ano kaya 'yon?

Pagdating namin sa park...

"Wow! Ang ganda naman dito," namamangha na sambit ko.

"Buti nagustuhan mo. Maganda talaga dito," Caleb said to me, smiling.

"Tsk! Ordinaryong park lang naman ito, ah." Kontra ni Enzo.

"Oo nga. What's the difference here kesa sa ibang park?" maarteng tanong naman ni Gab.

"Hindi niyo alam?" Balik tanong ni Caleb sa dalawa.

Pare-pareho kaming napatingin sa kaniya.

At ngumiti siya ng bongga.

Started with a ChatDonde viven las historias. Descúbrelo ahora