"I doubt it," he said with a soft smile. "Saka hindi naman kita iiwan d'un. Hindi ka ma-o-OP."

"Kinakabahan ako," amin ko. "Paano kung di ako magustuhan ng friends mo?"

He bent down over me, rubbing our noses together.

"They're going to love you" sabi niya sa 'kin na para bang may confidence sa abilidad kong i-charm ang mga kaibigan niya. "In fact, I'm pretty sure na may mababasag akong mukha mamaya sa sobrang pagka-like nila sa 'yo. Kaya sagutin mo na ako para maipakilala kitang girlfriend ko at wala nang magtangkang pumorma sa 'yo."

"'Yun pa rin?" biro ko, napapangiti.

"Hangga't hindi mo ko sinasagot."

I laughed and pushed him away, facing my computer again.

Gusto ko na, Ash, promise. Pero I think alam ko na kung ano ang hinihintay ko. I wanted to hear him tell me how he felt about me bago ko siya sagutin. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko, gan'un dapat. Hindi naman sa nagpapakipot pa rin ako. Alam mo naman kung ano ang idea ko ng "pagpapakipot" dito kay Montesines. Pero basta, feeling ko 'yun ang tama. Kaya mauna siya. Kapag sabihin niya sa 'kin na mahal niya ako, sasagutin ko na siya agad-agad. Siya na lang ang hinihintay ko.

FOR THE rest of the day, praning lang ang peg ko. Tumawag ako kay Alessa (kasi siya ang mahilig mag-bar), nanghihingi ng saklolo kasi nga kinakabahan ako. Nabanggit ko rin 'yung suot ko at sinabi niya ang sinabi ni Ash: more cleavage and more leg. I wasn't entirely comfortable with that.

Matapos mag-alala sa suot ko, sa friends naman ni Ash ako kinabahan. Paano talaga kung di nila ako gusto?

I checked my watch and saw na malapit nang mag-six. Huminga ako nang malalim kasi sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Then napalundag talaga ako nang mag-ring ang phone ko.

It was probably Ash kaya hindi ko na tiningnan ang display sa phone bago ko 'yun sinagot. "Hey! Aalis na ba tayo?"

"Meredith."

Muntik na akong bumuntong-hininga. "Hi, Craig."

"Glad I caught you. Nasa office pa ako and I was wondering kung gusto mong lumabas? I can pick you up, we can have dinner. Matagal na tayong hindi lumalabas eh."

"Don't you have a girlfriend to take out on a Friday night?" tanong ko na matabang ang tono.

Tumawa siya. "Yeah. So?"

What... the... fudge brownies? Anong "so"?

"Sige na, it'll be fun," pilit niya.

This time, bumuntong-hininga na talaga ako pero nagbukas ang pintuan ko at pumasok si Ash. Ayan na naman ang puso ko. Tuwing nakikita ko talaga siya...

"No, Craig," sabi ko sa phone. "I have plans."

I think I may have seen Ash's jaw start to tick. Sa kabilang linya, I think Craig may already have an idea that those plans involved Ash.

"Can't you cancel?" panlalambing niya na aaminin ko ay gumana noon. Ngayon, hindi na.

"No," I sighed.

"For me?"

"No," sabi ko na mas mariin na ang tono. "Look, I'm going to be late. I have to go. Bye, Craig."

"Wait—"

"Bye!" Ibinaba ko ang phone at naiinis na umiling. This time, I saw Ash's mouth twitch. Inirapan ko siya kunyari. "Hmp. Kinilig ka naman."

I laughed when he grinned.

Kinuha ko ang kikay kit ko mula sa middle drawer ng pedestal ko. "Sandali lang ha. Mag-aayos lang ako ng mukha."

Falling for Ash MontesinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon