Nineteen

35.9K 923 147
                                    

NANG dumating ako sa opisina kinabukasan, nand'un na si Ash sa office ko. Kahit pa nakatalikod siya sa 'kin, kinailangan ko ng moment of silence para i-appreciate siya. He was tall, with a hard, lean body, at mukhang model kasi kahit ano ang ipasuot mo sa kanya, magaling siyang magdala ng damit.

Hindi siya 'yung tipo ng guwapo na super masculine ng mukha. Tama si Daddy, pang-tisoy talaga siya. Puwede nga siyang pang-boyband kung tutuusin pero hindi siya mukhang bakla. Saka alam ko namang kaya naman niya akong ipagtanggol kung kailangan niyang makipagsuntukan para sa 'kin.

Matangos ang ilong niya, has beautiful, expressive brown eyes, and lips na mas full 'yung pang-ibaba at magaling manghalik... I really can't express enough kung gaano ako kaswerte sa kanya. Physical appearance pa lang niya ang pinag-uusapan natin ha. Hindi ko pa nababanggit 'yung kung paano niya ako alagaan kahit di ko pa siya sinasagot. O kung paano niya ako tingnan. Tulad ngayon.

"Ash?"

"Ha?" gulat niyang tanong.

Tumawa ako. "Ikaw talaga! Lagi kang natutulala."

He grinned sheepishly. "Kasalanan ko ba eh kung nakakatulala ka."

"Ay sus!" Nag-blush ako, kinikilig bago ako lumapit sa mesa ko para maupo. Tiningnan ko ang Starbucks cup bago ko siya tiningala na nakangiti. "Ano na naman 'yan?"

"Starbucks Caffè Latte with non-fat milk."

"Oh," I said, disappointed.

"Ahm, di ba 'yan ang gusto mo?" tanong niya na nag-aalala ang tono.

"Yeah. Pero nasanay yata akong surprise coffee ang iniinom ko araw-araw," I told him honestly.

He laughed. "Sige, bukas, ibang kape na naman ang dadalhin ko para sa 'yo. Anyway, your first meeting is at 10:30 A.M. And I need the Arellano contract before 2. I'm going to send you the final draft. Paki-check na lang so I can send the files to Legal before we have them signed."

I nodded, still looking up at him. "Okay. Thanks, Ash."

"You're welcome," sabi niya bago naglakad palayo.

Wait, what? 'Yun lang? Wala pa akong kiss ah. Isinara ko ang nakabukas ko palang bibig at hindi napigilan ang mapalabi habang pinapanood siyang magpunta sa pinto. Nang marating na iyon, nilingon niya ako at pinilit kong ngumiti. Alangan naman kung tawagin ko siya pabalik di ba?

But then, bumuka na naman ang bibig ko nang hilahin niya pasara ang pinto at ini-lock iyon. My heart started to beat faster. Hindi ko naiiwas ang paningin ko sa mga mata niya habang pinapanood siyang lumapit.

Nagpunta siya sa tabi ng swivel chair ko, inilapat ang mga palad sa armrests niyon at mabagal na hinarap sa kanya ang upuan ko.

"Did you think I wasn't going to kiss you good morning?" he asked softly, making me shiver.

Namilog ang mga mata ko. Medyo mas uminit ba rito? I had to swallow and lick my lips. His eyes followed the movement and he groaned, a low, sexy sound, bent down to me and covered my mouth with his.

Siguro mali na ganito niya ako halikan sa office pero wala akong paki. Kung pumasok pa ngayon sa opisina ko lahat ng mga VPs, executives at mga kliyente, maghintay sila hanggang sa matapos akong halikan ng lalaking ito.

I couldn't control the moan, especially when he nibbled and licked my lower lip.

"Ash," I gasped his name, not caring that I sounded needy, before my hand slid up to the nape of his neck to hold him in place. It made me feel powerful when his body shook, and he wrapped his arms around me and kissed me harder.

Falling for Ash MontesinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon