Twenty Fourth - She found out

777 26 6
                                    

King's POV


"Whuuut?! Putang-- Teka, paano? kelan? jusko anong nangyari? Bakit?!" sunod sunod na tanong ni Nike habang si Maxx ay tulala lang.


Sinuot ko ang shades ko at sumandal. "Dahil gusto ko."


Sumandal din si Nike na katabi ko lang.


"Bro.." hinawakan ni Maxx ang balikat ko. "Paano si Reyna?"


Syet! Baka mabuking ako neto.


Hindi ko siya pinansin at bigla kaming nasubsob sa harap na upuan namin.



"Sorry sir! May bigla kasing tumawid! Teka, nasagasaan ata!" agad kaming napatayo sa pagkakasubsob namin at lumabas sa van kahit nasa gitna kami ng daan.



"Sir, ok ka lang ba? Nasaktan ka ba?" nakayuko lang yung lalaki habang nakaupo.


"Bro.." sabi nila Maxx at hinawakan ang likod niya.



"Doon ka muna sa van sir, sakto pupunta kami ng hospital, makisabay ka na." sabi ni manong.


Tinulungan nila Nike yung lalaki tumayo pero nakayuko pa rin siya.


Binuksan ko na ang pinto at pumasok na sila. Umupo siya sa upuan ko kanina kaya katabi niya sila Nike. Sa harapan nila ko umupo.


"Bro, ok ka lang?" rinig kong tanong ni Maxx mula sa likod.



"Y-yes. I-i just have a p-phobia t-to those vehicles whose c-coming over me." rinig kong sagot niya.


"Bakit ka ba tumawid?" tanong naman ni Nike.


"My car just broken. I saw a vulcanizing shop in the other side."


"Bakit hindi ka dumaan sa tawiran ng mga tao?"


"I'm in rush. I need to go in the hospital immediately."


"Shet. English spokening pala 'to. Jusko."


"Uhm.. uh. Y-your name is what?"


"T*ngina! Ano yang english mo?"


"Eh ano ba dapat?"


"What name is you?" pfft. Bakit ba may mga kaibigan akong ganto?


"Ooh Gagu!"


"King ikaw nga! Pachill chill ka lang dyan samantalang kami, dinudugo na dito!" angal pa ni Nike.


Napailing ako at tinanggal ang shades ko. Tumalikod ako para harapin sila. "What's your name?"


"King?" tanong nito, teka parang pamilyar ang mukha niya.


Tinaasan ko siya ng isang kilay para maintindihan niyang hindi ko siya kilala, pamilyar lang.


"King it's me! Prince!" Prince? Teka.. loading 26%..... 49%...... 71%...... 99%..... Ah si Prince!


"Uy Prince bro!" nag manly hug kami. "Musta na? Kelan ka umuwi dito?"


"Just an hour ago. Ok lang ako. Namiss kita ah. Long time no see!" masayang sabi ni Prince. Hindi naman halatang puro pang royalty ang name namin noh? HAHAHA! May kwento kung bakit ganun pero next time nalang.


Who's My Queen? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon