Fifth - The Meeting

1.5K 71 4
                                    

Queen's POV



Napansin kong may dalawang lalaking nakatingin sakin. Kanina ko pa sila pinagmamasdan pero hindi lang halata.



Bigla naman silang tumakbo kaya nagtaka ako. Bakit sila tumakbo?! At yung mga reaksyon nila, para silang nakakita ng multo.



Hindi pa sila nakakalayo nang biglang nasubsob yung isang lalaki kaya napagpasiyahan kong lumapit sakanila pero bigla nanaman silang tumakbo.



Natanggal naman ang sapatos nung lalaking nasubsob kanina kaya napatawa naman ako. Yung isang lalaki naman ay kanina ko pa napapansing tingin ng tingin sakin.




Napagpasiyahan kong sundan na talaga sila pero ang pinagtataka ko, bakit sila parang takot na takot saakin?! Takbo lang sila ng takbo ng may mabangga silang babae. Pero nang makita nila yon, bigla rin silang tumakbo. Ano bang nangyayari sakanila?!



Lumapit ako sa babae at kinagulat ko kung sino yun.



"Oh! My dear sister!" Sabi ko at tinulungan siyang makatayo.



"Kamusta? Bakit ka pala umuwi ng Philippines?" Ngumiti ako ng pilit. Tsk. Bakit pa? Hanggang dito ba naman?!



"I'm fine and uhmm.. Wala lang. I just want to have a vacation here. Lalo na nandito ka." Sabi niya. Tsk. Close tayo teh?



"Kelan ka nga pala umuwi?" Masayang tanong ko. Tara't magplastican tayo. Game ako dyan. Huh!



"Actually, yesterday. I didn't tell you cause I want to surprise you." Masayang sabi niya. Yey! Nasurprise ako. Just wow -.-



"Aw. Ganun ba? Saan ka ngayon natutulog?"



"Condo." Sabi niya at ngumiti. "Uhh.. Ate, do you want to have a coffee.. with me? My treat!"



"Sure! Makakatanggi pa ba ko?" Sabi ko. May pera kp. Di ko kailangan ng treat mo. Psh.



"Let's go." Nauuna siyang maglakad kesa sakin. Umirap muna ako bago ko siya sundan. I dont know pero naiinis ako.



King's POV



Nandito kaming tatlo kung saan nakita nila ang dalawang Reyna.



"Baka naman umalis na yun dito." Patuloy lang kami sa paghahanap at paglalakad.



"Hindi yan. Pag multo, kahit saan nandiyan." Sabi ni Nike.



"Hindi nga siya multo. Yung isa lang. Aish. Ewan. Naguguluhan na rin ako sainyo!" Sabi ko.



"Hindi yun multo?"



"Hindi nga!" Inis kong sagot.



"Teka, diba nagkita at nagkakila na kayo?" Tanong ni Maxx.



"Oo nga. Ayaw niyo lang maniwala eh. Kumain pa nga kami sa restaurant eh." Sagot ko.



"May number ka niya?" Tanong pa ni Maxx.



"Oo. Hehe! Hiningi ko."



Binatukan naman ako ni Maxx. "G*go! Bakit hindi mo tawagan?! T*ng ina naman neto! Bobo lang?!"







"Minumura mo ko g*go eh wala nga kong load eh!"



"Nanaman?! Eh diba nagpaload ka kahapon?!" Sabat ni Nike.



Who's My Queen? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon