Twelveth - Weird

931 46 3
                                    

King's POV




To: Kendi, Sapatos

Hoy mga mokong! Handa na ba kayo? Andyan si Korina, magpapamigay ng tsinelas. De loko lang. Pupunta ako dyan mamaya ha. Mag-ayos at maghanda na kayo. Baka mapaaga ako at kela Bentong na ko kumain.




Nilagay ko na sa bulsa ko ang cellphone ko at pumasok na sa kotse.





Nakarating din agad ako sa Starbucks dahil hindi naman ito kalayuan sa bahay.





Medyo karamihan din ang tao dahil kahit alas otso na ay maraming nagkakape at nag-uumagahan dito. Hindi na ko sumubok na pumasok sa loob dahil maliban sa marami ngang tao ay alam kong wala pa ang babaeng yun doon.





Umupo ako sa labas at naghintay ng halos limang minuto pero wala pa rin siya. Hindi na ko umorder dahil kumain naman ako ng breakfast sa bahay. Late na nga ko, late pa rin siya. Hay. Usual Cess.






Tinawagan ko na siya dahil 8:20 na ay wala pa rin siya.





Calling Cess...





"Hello?" Rinig kong sagot niya sa kabilang linya at humikab. Napailing nalang ako.





"Cess, asan ka na?" Tanong ko.





"King?! Teka, pasensya na hindi ako nakapag-alarm! Pasensya na!" Napasapo nalang ako nang tama nga akong kagigising niya lang. "F*ck." Rinig ko pang bulong niya habang rinig ang bawat pagtakbo niya. Natataranta na siya kaya napatawa nalang ako ng mahina.





"Give me 10 minutes. Maliligo lang ako at diretso na ko dyan. Pasensya na ulit. Byeeeee!" Sabi niya at pinatay na niya ang phone.






Naglaro nalang ako ng Flappy Bird sa cellphone ko kahit nakakag*go 'to laruin. Ewan ko ba kung bakit may ganto ako dito sa phone ko. Si Kayne yata ang nag-install neto eh, bunso kong kapatid. Napailing nalang ako.






Nang magsawa na ko sa pesteng ibon na yun, ay tinignan ko ang oras. 8:30 na. Ayos, 10 minuto ako nagflappy bird. Para namang nag-enjoy ako.






Halos 20 minutes na kong naghihintay pero wala pa rin siya. Lintek na babae yan, walang balak magbago.






Maya maya, biglang dumilim ang paningin ko. "Teka, brown-out ba?"





Bigla ring lumiwanag at narealized kong may nagtakip pala sa mata ko.





"Sorry na, babe." Sabi niya at umupo na sa tapat ko.






"Cess." Malamig kong sabi.






"Kumain ka na ba babe? Ako kasi hindi pa. Ano gusto mo? Isasabay ko na." Sabi niya at tatayo na sana pero pinigilan ko siya.






"No, I'm not hungry." Walang emosyon kong sagot. Napaupo naman siya ulit.







"But I'm hungry babe." Sabi niya at nagpout. Pakshet bakit ang cute mo?!






"Please, stop... Stop calling me 'babe'. Cess, were over. And ikaw ang may gusto non."








"Pero binabawi ko na. I just realized na hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. I don't want to lose you." Hinawakan niya ang kamay ko at kita sa mga mata niya ang pagmamakaawa.







Who's My Queen? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon