Tenth - Small Talk with Her

1.1K 56 0
                                    

King's POV


"Speaking of no secrets, kaya nga pala ako naparito kasi.. kasi.. ex ko yung nakipag-away sayo kanina." Nakatitig ako sakaniya habang sinasabi yun para malaman ang magiging reaksyon niya.


Nagulat naman siya sa sinabi ko. "E-ex mo yun?!" Nagtatakang tanong niya. Mabagal akong tumango. "Sorry. Sorry sa lahat ng ginawa niya."


Ngumiti siya ng tipid. "Ayos lang. Tapos na yun eh. Pano mo pala nalaman?" Tanong niya.


"Sa ate mo. Anong ginawa niya sayo? Sinaktan ka ba niya? Nasaktan ka ba? Nasugatan ka ba? Ano?" Nagpapanic kong tanong.



"Uhm.. not really. Not really physically but her words was out of the line. Below the belt na ang mga sinabi niya sakin to the point na hindi ko maintindihan kung bakit siya galit na galit sakin at kung bakit ganun nalang siya makapagsalita sakin." Tinry nyang kumalma pero ramdam na ramdam at kitang kita kong nasaktan siya ng sobra at hanggang ngayon ay sariwa pa ang sugat na yun.




"Ano ba talaga ang totoong nangyari?" Tanong ko pa. Ay, tanga mo talaga. Napakachismoso mo King! Ipapakwento mo pa?! "I mean--"




"Nasa parking lot ako nun. Hinihintay ko si ate kasi may binili lang siya sandali. Tapos may narinig akong sumigaw. Na-curious ako kaya nilapitan ko. Then nung tinawag ko siya, syempre nakita niya ko. Tapos lalo siyang nagalit at tinulak tulak ako. Doon niya na ko sinabihan ng slut, malandi, b*tch. Tapos hindi ko daw siya kilala at siya kilalang kilala niya ko. Tapos tinulak niya ulit ako nang malakas dahilan para mapaupo ako sa sahig. Pinalo palo niya ko pero buti nalang dumating si ate." Pinilit niyang ngumiti. "Minura niya pa nga kami bago siya umalis eh. Seriously, nakadrugs ba yung ex mo?"



"Sorry. Sorry talaga. Ito ba? Siya ba may gawa nito?" Turo ko sa pasa at konting galos niya sa braso. Nagpahaba sigyro ng kuko yun si Cess. Gaya gaya kay Kenji. Kung si Kenji, buhok ang pinahaba, siya naman kuko. "Yeah." Mahina niyang sagot.



Tumayo ako at dumeretso sa cr. "Anong gagawin mo dyan? Natatae ka ba? Walang tubig! Pinutulan ang Metro Manila! Inaayos kasi yung tubo ng Maynilad. Di ka nanood ng news?" Rinig kong tanong niya. Napailing nalang ako at natawa. Kinuha ko yung first aid kit niya.



"Alam ko yun. Tsaka hindi ako natatae. Sa tingin mo, tatae ako dito? Hindi naman ako walang hiya noh. Gagamutin lang natin yang sugat mo." At kinuha ko ang braso niyang may sugat.



Binawi niya naman agad. "Ayos lang. Nagamot ko na 'to kahapon."



Kinuha ko naman ulit. "No. Let me handle this." Hinayaan niya na ring gamutin ko iyon.



"Masyado kasing na-depressed yung ex ko kaya siguro ganun ang inasal niya. Pasensya na. Napagkamalan ka sigurong ikaw yung ate mo." Paliwanag ko habang nakatingin sa sugat niyang nilalagyan ko ng betadine.




"Ano bang nangyari?" Tanong niya pa.



"It was our 2nd anniversary. That day also I saw your twin. I was with your twin when were stucked on the elevator. She was.. was.." teka, bakit ba ko nag-eenglish?! "Na-out of balance siya ng biglang huminto yung elevator." Natawa naman si Reyna nang nagtagalog ako pero nginitian ko lang siya. "Kaya napaupo siya. Syempre, gentleman ako, nilapitan ko siya nang bigla namang umandar na yung elevator. Tapos biglang bumukas at dun, nakita kami ni Princess na yun nga.."




"And then?"




"Syempre, nagwalk-out siya tapos sinundan ko. Pero too late na. Nakipagbreak na siya sakin."




"Hindi ka nakapag-explain?" Nagtatakang tanong niya.




Umiling ako. "Ganun talaga siya eh. Nung nakita ko palang siya sa tapat ng elevator, expected ko nang makikipagbreak siya. Tamang hinala kasi yun eh."





"Hala. Edi sayang naman yung 2 years niyo?!" Mas sayang pa rin yung 3 years natin. Binatukan niya ko. "Loko loko ka pala eh. Bakit di mo hinabol?! Tignan mo tuloy, galit na galit! Mamaya maglaslas yun eh." Napatingin naman agad ako sakaniya. "Joke lang! Baka magpanic ka."




"Magpapanic talaga ako kung ako nanaman ang maging dahilan ng pagkamatay niya."




"Nanaman?"





Nanlaki naman ako sa tanong niya. Hala. Paktay ka. Ano sasabihin mo? "Ah.. Ang ibig kong sabihi--"





"Bakit namatay na ba siya? Hindi pa naman ah." At tumawa siya. Nakitawa na rin ako kahit hindi naman talaga nakakatawa basta makatakas lang ako sa sinabi ko. Hehe. "Mahal mo pa noh?" Diretsong tanong niya.





"Uhh--" sasagot na sana ako nang may kumatok sa pintuan. "Ako na." Sabi ko at tumayo.




Binuksan ko ang pinto. "King! You're still here!" Sabi niya.






"Pasok ka ate! Napadalaw ka?" Sabi ni Reyna at tumabi sakin. Pumasok naman si Queen. "Napadalaw ka?"





"Uh.. I just want to see your unit." Tumingin siya sa paligid. "It's not really big, huh." Tumango naman si Reyna. "Teka ate, ikukuha kita ng makakain."




"No, thanks. I just went here to see your condo unit. King, wanna come with me to go home?" Tanong ni ate.




"Uhh.." tumingin muna siya sakin. "Hindi. Mamaya pa ko. Nag-uusap pa kaming dalawa eh." Sagot ko. Napansin kong nag-iba ang mukha niya.





"Oh, you two were already friends right?" Tanong niya at tinuro kaming dalawa.




"Oo." Tipid kong sagot.




"Oh, I see. Okay, bye." Sabi niya at naglakad na palabas. "Damn." Rinig kong bulong niya pa pero hindi ko na pinansin.




"Ingat ka ate!" Pahabol pa ni Reyna.




Sinarado ko na ang pinto. "Magkasundo ba kayo ng ate mo?"




"Oo, magkasundo naman kami. Ay, ewan. Oo. Siguro naman. Bakit?"




"It's just.. parang ayaw ka niyang kasama tingin mo?" Tanong ko pero hindi na siya nakasagot nang biglang may kunatok nanaman.




Nagkatinginan kami. "Ako naman." Sabi niya at ngumiti. Lumapit na siya dun at binuksan ang pinto. Nakatalikod ako kaya hindi ko nakita kung sino man yun.




"Freya!" Napatingin ako sa pinto at nakita kong yakap yakap ni Reyna si Freya. Whatda?! Andito si Freya!





Kumalas na sila at nakita ako ni Freya. "King?!" Tanong niya at tinuro ako. Teka! Bakit mo ko tinawag?!




"Magkakilala kayo?" Tanong ni Reyna. Paktay!
++++++++++++++++
Short update. Hihihi :">
BTW, Congrats again to our Family! We reached 1M for the third time, specifically 1.7M yesterday! We broke our own record! Congrats KathNiels :))) Were planning to do that again later :) 2M is our goal KNs!

GOAL: 750 Reads :)

Who's My Queen? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon