(TSA) CHAPTER 8: THE MISCHIEVOUS BOY PART 4

6 0 0
                                    

TSA PREVIOUS:

"5 minutes Doc,. So we Considered po Doc na 5 Minutes Po ang tanda ng nauna sa sumunod na kanyang kambal" paliwanag ng Nurse habang nag-susulat ito sa isang Plate paper...

Tumango na lang dito si Ismael, at saka sumulyap ito sa kinahihigaan ni Sarah. Nakita niya itong nakatulala parin sa kawalan.,

pagdakay lumapit siya dito...

"kailangan mo munang magpahinga Sarah"

««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««

"Ma? Kamusta ang anak namin? Si Mariztella kamusta? Nasan siya?" sunod sunod na tanong ni Ismael sa kanyang inang si Rebecca ng magkrus ang landas nito sa pasilyo ng Kanilang hospital. 

"Hijo! Calm Down! Hindi ako Machine para sumagot ng sunod sunod mong tanong" nakangiting sagot ni Dr. Rebecca na halata dito ang kasiyahan...

Napabuntong hininga si Ismael...

"ok Ma,"

"im happy for you My Dear. May magmamana na ng kagalingan mo sa basketball. Lalaki ang anak niyo Ni Mariztella." masaya nitong bungad kay Ismael na halos mangiyak ngiyak na ito. Napanganga naman sa gulat si Ismael dahil sa nalaman. Hindi ito makapaniwalang lalaki ang anak nila ni Mariztella dahil gusto nga nitong may magmamana ng kanyang kagalingan sa basketball..

"ma... Salamat" niyakap niya ang kanyang ina at agad naman siyang ginantihan nito. Masayang masaya si Ismael dahil sa matutupad nito ang pangarap niyang hinahangad.

Bumitaw ang mag-ina mula sa pagkakayakap...

"dont worry hijo, ok na ang kalagayan ni Mariztella, for now, she need rest.. Pwede mong bisitahan na ang anak niyo"

"Sige ma" muli silang nagyakap saglit, at agad na umalis si Ismael... May galak na ngiti ito sa kanyang mukha habang nilalakad niya ang Pasilyo papuntang sa silid ng mga bagong silang. Malaki ang pasasalamat nito sa Diyos dahil sa anghel na ipinagkaloob sa kanilang mag-asawa. Ang anghel na magbubuo sa grupo ng mga Liga.. Ang liga na matagal ng nawala na matagal ng panahon... 

««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««CHAPTER 8: THE MISCHIEVOUS BOY PART 4««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««««

DALAWANG araw na ang lumipas, 

Masayang Nakamasid lamang si Sarah sa malaking binatana ng Infantry Room kung saan ang mga silid ng mga Sanggol na kakalabas pa lamang ng sinapupunan. Nakamasid lamang ito sa kanyang dalawang anak na kambal habang dala dala nito ang kanyang swero. Hindi mawala sa kanyang mukha ang kasiyahang lubos sa tuwing nakikita nito ang dalawang anghel ng kanyang buhay. Tanaw nito ang kasiglahan ng dalawa niyang anak dahil sa maliliksi itong kumikilos. Naagaw lamang ang kanyang atensyon ng may tumawag sa kanya mula sa kanyang likuran...

"Sarah!" lumingon si Sarah sa likod kung saan nanggaling ang tawag.. 

"Reah?" galak na bigkas ni Sarah ng makilala nito kung sino ang nasa harapan niya. Ang kaibigan pala niyang Si Reah na kapwa rin Nya guro sa eskwelahang kanyang pinagtuturuan. Mabilis na nagyakapan ang dalawa datapwat tuwang tuwa ang mga ito. Labis na ikinagalak ni Sarah dahil sa oras na ito ay meron ng dadamay sa kanya... Kahit papaano ay meron na siyang mapagsasabihan ng problema upang gumaan ang kanyang dinaramdam...

Closed (Editing)Where stories live. Discover now