Mabuti pa'y tumugtog na lang ako, imbes na piliting gumawa ng imposible. At least magiging madali lang 'yun para sa'kin. Pero baka hindi ako makakuha ng mataas na grado kung simpleng performance lang ang ibibigay ko. Importante pa naman ang magiging grade ko sa term na 'to.

Bumuntong hininga ako at tuluyan na lang nawalan ng pag –asa. Sana naman bukas ay makaisip na ko ng gagawin ko.

Handa na kong umalis ng makita ko si Chrome sa likod ko. Halos mapatalon pa ko sa pagkagulat nang makita ko siya. Hindi ko man lang naramdaman ang naging pagpasok niya. Nakaupo siya sa ibabaw ng lamesa at nakapatong sa tuhod niya ang isang braso.

"Kanina ka pa d'yan?" hindi ko makapaniwalang tanong sa'kanya.

He has this impassive look on his face. Kung hindi ko siya kilala ay iisipin kong may malaking galit siya sa'kin.

Tumango siya."I saw Mandy. She told me you're staying here. Bakit naiwan ka pa?"

Pinanood ko ang pagtayo ni Chrome. Nagpagpag pa siya ng pantaloon bago tumayo sa harapan ko. Kumunot ang noo niya at napatingin siya sa sahig. Sinundan ko s'ya ng tingin nang damputin niya 'yung ilang piraso ng papel na nilamukos at tinapon ko.

"Leave it be. Basura na 'yan." Sinubukan kong agawin sa'kanya pero mabilis siyang nakalayo at binasa ang sinulat kong kanta.

"Give it to me, Chrome." Nilahad ko ang kamay ko sa harap niya pero nagpatuloy lang siya sa pagbabasa.

Huminga ako ng malalim at hinayaan na lang siya sa gusto niyang gawin. Tutal ay balak ko naman talagang iparinig sa'kanya ang gagawin kong kanta. Pero hindi sa ganitong pagkakataon.

"Well, why this is lying on the floor? Ikaw ba gumawa nito?"

Tumango ako. "What do you think? Hindi ako satisfied d'yan kaya tinapon ko at balak ko sanang magsimula ulit bukas. Pero kung sasabihin mong may pag-asa 'yan baka sakaling ituloy ko."

Kung may taong nakakaalam ng music ay si Chrome na 'yun. He's been playing and loving music ever since. Sabi nga ng Lola niya ay kayang mabuhay ni Chrome basta may musika. Nakakalungkot lang na hindi siya pinayagan ng parents niya na magMusic major.

He ended up taking Engineering and is destined to take over his father's firm.

"Can I borrow a pen?" he inquired and I gave him my pen.

Naupo siya at sinimulang burahin at baguhin ang ilang linya sa ginagawa kong kanta. Tutal maaga pa naman ay kayak o pang maghintay, naupo rin ako sa katapat na upuan at pinanuod na lang siya sa kaniyang ginagawa.

He looks so serious while scribbling some words on that piece of crumpled paper. Pinanoood ko ang pagkunot at pagtapik niya ng ballpen sa ibabaw ng lamesa.

Biglang natuon ang atensyon ko sa mukha niya.

Hindi maikakailang gwapo si Chrome, kaya hindi nakakapagtakang naging lapitin siya ng babae kahit sobrang suplado nito sa'kanila. Pero bukod sa kagwapuhan niya, mas kapansin-pansin para sa'kin ang kaniyang panga na nagmumura. Masyadong matalas ang mga 'yun at talaga naming hindi makakaligtas sa paningin ng kahit sinumang makakita sa'kanya.

Nanglaki ang mata ko nang bigla siyang lumingon sa'kin.

"What?" masungit na sabi niya.

Umirap ako at pasimpleng nag-iba ng tingin. He's really one hell of a grumpy man.

"Wala."

"You stare too much. I can't concentrate." Hasik niya.

Damang-dama ko ang pamumula ng mukha ko. Mukha siguro kong kamatis sa sobrang pagkapula dahil sa sinabi niya. God, I hate him!

Substitute Bride (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon