"Pinagsasabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ko rito habang si Elle naman ay tila kinikilig pa Sipain ko kaya ito? Minsan wala rin sa lugar ito mang asar.


"Pagpasok niya palang tinignan mo na. Tapos tinititigan mo pa. Yieee. Si Ate nagdadalag---ARAY KO NAMAN ATE JOKE LANG! NAPAKA BRUTAL TALAGA NETO!" biglang bawi ni Elle nang malakas ko itong binatukan. Sa lakas ng bunganga nito ay nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin sa gawi namin yung lalaki na ngayon ay nakaupo isa sa mga upuan malayo sa amin at mukhang may inaantay ren.


Napatingin naman ako kay Elle na nakangisi sa akin. Tsk! Lakas ng bunganga! Nahawa na kela Kiray! "Isa pang banat mo tatamaan ka na sa akin" banta ko kaya agad na itong nanahimik. Umakto pa itong ziniper ang bunganga tsaka bumungisngis. Tsk. Pang asar. Hindi rin nagtagal ay tinawag na ako kaya tumayo na ako at lumapit sa harapan kasama si Elle na may ngiti paring nakakagago. Hindi ko nalang pinansin ang pang aasar niya, baka ano pa magawa ko dito. Tsk


"Ms. Bernardo"


Lumapit ako at pinakita na ang resibo. Nilabas naman nito ang tatlong case ng gitara.


"WOW ATE HINDI AKO INFORM NA BALAK MONG MANGOLEKTA NG MGA GITARA!" manghang sabat ni Elle habang nakatingin sa tatlong case. Binatukan ko naman ito at napadaing nalang siya sa sakit. Ingay nito.


Kinuwa ko ang isang case at iniabot sa kanya.


"Oh? Anong gagawin ko dito Ate?" takang tanong ni Elle habang hawak ang case. Napairap nalang ako sa tanong niya. Natatanga nanaman ang isang to.


"Kainin mo. Masarap yan" pamimilosopo ko.


"Weh Ate! WEEEEH" Tsk. Konti nalang talaga isasako ko na ulo nito. Ang lakas talaga ng boses!


"Just open the damn case. Buwisit" gigil ko saad na ikinatawa lang niya. Nabigla naman ako nang biglang tawagin ng isang staff dito yung lalaki kanina.


"Mr. Padilla"


Lumapit naman ito sa pwesto namin since nasa kaliwa si Elle tapos yung tumawag ay nasa gawing kanan ko. Lumapit yung lalaki sa staff at ang ending, naging magkatabi kami.


"OMAYGEEEE!! ATE!! IS THIS REAL?! IS THIS REAL!?" nabalik naman ang atensyon ko kay Elle na hindi makapaniwalang nakatingin sa laman ng case. Kumikinang ang mga mata ni Elle habang nakangangang nakatingin sa laman ng case na hawak niya. Napangiti nalang ako sa reaksyon niya. Ang ingay talaga. Konti nalang mapapakanta na ito ng nesfruita.


"Oo. Real na real. Kitang-kita" pagsasakay ko sa trip nito pero nanatiling walang emosyon ang boses at mukha ko na ikinatawa naman ng mga staff na nakakakita sa amin. Maski yung staff na tumawag sa lalaki ay napatingin sa amin at napatawa. Yung lalaki naman ay napatingin lang. Hindi ko masabi kung saan ba talaga siya nakatingin dahil sa shades niya. Tsk. MAARAW BA? Pero sure ako sa gawi namin ito nakatingin. Hindi ako assuming ah!


"A-Akin b-ba i-ito?" hindi makapaniwalang tanong ni Elle. Tsk. Nasan na ba utak nito?


"Ibibigay ko ba sayo yan kung akin yan? Tsk." sagot ko tsaka umiwas ng tingin sa kanya. In a split second ay nagmistulang nanalo sa lotto ang reaksyon nito.


"OMAYGEEEE! ATE!!! AYWABYU SOOOW MATS!!"akmang yayakapin sana ako nito pero agad kong tinulak yung ulo niya palayo.


"No skin-ship please" pakikiusap ko pero tinawanan lang ako nito. Ibinaling niya ulit ang atensyon sa gitara na pinangarap niya. An electric guitar na sobrang gustong-gusto niya makuwa lalo na identical copy ito sa pinapanood niya na anime. Minsan na ako napadaan sa kwarto niya noon at nakita ko itong nanonood ng anime habang amaze na amaze sa babaeng may hawak ng gitara. Narinig ko pa siyang sumigaw ng 'WHAAAA YUIIII KAWAII' at wala ako kaalam alam sa pinagsasabi niya noon. Nakita ko rin yung character na iyun sa poster sa kwarto niya habang hawak ang gitara na pinangarap ng isang to. Since na curious ako ay sinearch ko yung anime na iyon and I found out na K-ON pala ang title. Tungkol pala sa isang banda ng mga babae. And accidentally, nakita ko yung bass owned by the character named Mio. And yeah, it caught my attention.


Kaya napagdesisyunan ko gawin ito, ang mag papersonalized hindi lang para sa akin kundi para narin sa kay Elle. Since I owe this to her. Kung hindi ko siya nakita noon na nanood nito baka di ko to naiisipan gawin. And yeah, I have no regrets. Kaya in the end, it's all thanks to her otaku side. Credits nalang kung baga.


Binuksan ko naman ang dalawang case na natira at nakita ko ang ayos kong gitara. I feel happy and contented nang makita ko itong maayos na. Grabe. Iingatan ko na talaga ito para hindi na ulit mabasag! Tinignan ko naman ang isa pang case and it amazed me so much. Cool indeed.


Aksidente namang napagawi ang tingin ko sa katabi ko kaya nakita ang laman ng case nung lalaking. A bass also? Simple yet cool. Is he bassist? Ah. Ano ba tong pinag iisip ko. Wala akong pake sa kanya kaya iniwas ko nalang ang tingin ko. Sakto nakatanggap ako ng text mula kay Liza na hinahanap na nila kami.


"Elle let's go, hinahanap na nila tayo" tawag ko sa atensyon ng pinsan ko. Agad naman nito inayos ang panibago niyang laruan. At ganun rin ang ginawa ko sa dalawang case. Sinuot ko sa likod ko ang bass ko habang bitbit ko naman ang isa kong gitara tsaka kami umalis ng shop but before leaving, nahuli ko ang mata nung lalaki na nakatingin sa akin. Yeah. He removed his shades at ngayon kita ko na ang mga mata niya na ngayon ay nakatingin sa akin.


What the hell are those eyes?



---

Falling for the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon