"Oo nga! AHAHAHA! Ganun mo ba kamiss ang tumugtog?" dagdag pa ni Julia. Kupal. Gumatong pa.


"Mga walangya kayo, mamaya kayo sakin.!" inis ko banta sabay hatak sa kamay ni Elle bago pa ulit sila magsalita. Napaka daldal talaga ng mga babaeng iyon! May kukunin lang pero kung anu-ano na mga pinagsasabi.


"A-Ate teka" nahihirapang saad ni Elle at hinihingal hingal pa. Ay. Nakakaladkad ko na pala siya kaya binagalan ko nalang ang paglalakad para makasabay siya sa akin.


"Ate ganun ka ba ka atat makahawak ng gitara?" inosenteng tanong ni Elle. Tsk. Di mo alam kung nang aasar ba ito o ano. Hindi nalang ako umimik at nagpatuloy sa paglalakad. Alam ko naman na nakasunod lang si Elle sa akin.


Uh. Tatlong buwan narin ako hindi nakakahawak ng gitara. Did I mention na bukod sa title namin na pagiging bad girls ay kilala rin kami bilang isang banda? Hindi kami ganun kakilala in public pero sa SAA (St. Agatha Academy) ay kilala kami. Kami ang isa sa mga sinasabi nilang Campus Band. Si Kiray bilang ang Drummer namen. Si Liza sa Keyboard. Habang sa Rhythm Guitarist naman si Juls. Samantalang ako ang vocals at Bassist at si Elle naman sa Lead Guitar. But the thing is, wala talaga ako bass guitar kaya napagdesisyunan kong magpagawa without them knowing. Marunong ako maggitara pero pang acoustic iyon at kaisa-isa lang iyon at sa kasawimpalad ay nasira ko pa. Kaiyak. Simple lang naman yun pero mahalaga sa akin yun. Iyon yung huling regalo sa akin ni Papa bago siya kunin ni Lord. Ah. Napathrowback pa tuloy ako. Pero ayun nga. Nasira ko pa, to be especific ay nabasag ko since napagsakan ng mabigat na bagay nung time na nag aayos ako ng kwarto ko. Kaya ito ako ngayon, bukod sa icl-claim ang bago kong bass at kukunin ko ren ang pinaayos ko gitara. At isa pa, mag supresa ako sa pinsan kong 'to.


Hindi nagtagal ay nakarating kami sa isang music shop. Pumasok kami ni Elle at agad ako dumiretso sa counter para sana kunin pero ang sa huli ay pinaghintay parin kami. Sayang pagmamadali ko. Nilingon ko naman si Elle na manghang mangha habang nililibot ang paningin niya sa paligid na shop. Kahit sino naman mapapahanga dito. Isang shop puno ng ibat ibang klase ng mga instrumento idagdag pa ang vintage theme nito na mas lalong nagpaakit. Hinatak ko naman si Elle paupo sa isang upuan.


"Grabe Ate! Ang ganda dito!" amaze na amaze na saad ni Elle habang nagmimistulang bituin ang mga mata nito sa pagkislap. Lihim nalang ako natawa sa reaksyon niya. Lumalabas ang pagiging cute niya.


"You like it here?" nakangiti kong tanong.


"I love it!" sagot niya.


Nag hantay pa kami ng ilang sandali nang biglang may pumasok na isang lalaki dito. He's wearing a black leader jacket habang nakapaloob naman ang isang white t-shirt and then jeans with matching sneakers. Angas, idagdag pa na nakashade ang isang to kaya lalo pang nakadagdag sa karisma niya.


"Ate" nilingon ko naman si Elle na tumawag saken. Seryoso siya at mukhang may gustong sabihin. Sumenyas ito na lumapit ako kaya sinunod ka nalang siya hanggang sa maabot niya na ang tenga ko.


"Crush mo?" tanong nito na nagpabigla sa akin kaya agad ako napalayo sa kanya. Napangiwi ako. Pinagloloko ba ako nito? Akala ko kung ano sasabihin niya yun pala kalokohan lang!

Falling for the Bad GirlWhere stories live. Discover now