Chapter Four: A Fan's Nightmare

Magsimula sa umpisa
                                    

Medyo maraming customer nang pumasok siya kaya agad rin siyang nagpalit ng damit at nagsimula na sa trabaho.

10 pm na nang makapag break si Summer. Ibinaba niya ang notepad at tray sa counter bago silipin ang kanyang phone. May text doon si Lake telling her na naroon lang sila naka tambay sa bahay ng pinsan nilang si Ryla dahil nag pa-plano ito para sa debut sa September 7. Kilala niya si Ryla dahil doon ito nag aral sa Constantine noong Senior Year.

Nireplyan niya si Lake na baka abutin siya dito hanggang mag close. Sasagarin na niya ang shift niya kasama ng kay Cindy. Kaya naman talaga niyang umuwi mag isa. Masyadong paranoid lang si Autumn minsan. Pwede naman siyang mag jeep o kaya mag taxi pauwi.

Dumadalang na ang pasok ng mga customer dahil anong oras na rin kaya nakatambay lang si Summer sa counter. Kanina nga ay nagawa na niya ang reflection paper na kailangan sa kanilang english class. Ngayon ay pinagmamasdan nalang niya ang mga sasakyan sa labas.

Naalala niya na may gagawin pa sila bukas para sa Biology. Buong weekend ay puno ang schedule nila kaya mabuti na ring nag overtime siya ngayon dahil hindi siya makakapasok ng linggo. Gagawa pa naman sila ng Skeletonize Leaves, sabay silang gagawa ni Autumn. Nahirapan pa nga sila maghanap ng dahon pero natapos rin nila ang pag da-dahon hunting.

Inalala rin niya ang mga susunod pa nilang gagawin.

Mukhang mapapalaban talaga ang pasensya niya sa Biology. Mahaba pa yung kanya samantalang kay Autumn ay ubos na. Unang buwan palang nila sa klase ubos na agad.

Sinamahan pa iyon ng isa pang terror Prof nila sa Math. Feeling ni Summer ay doon mauubos ang pasenya niya. Hindi pa naman siya magaling sa math. Hindi rin niya gusto ang way of teaching ng professor nila. Namimilit kasi ito. Kapag hindi mo alam ang sagot, tatayo ka hanggang sa matapos ang klase hangga't di mo masagot ang tanong. Madalas itong mag random name calling at sunod sunod na bigay ng example para i-solve. Sunod sunod rin silang sasagot dahil by last name ang ayos ng kanilang upuan. Isang upuan lang ang pagitan nila ni Autumn.

Kung bakit kasi may classmate pa kaming Bernabe at Benedicto!

Magkalapit nalang sana ang Aguirre at Cahello ngunit naharangan pa. Si Autumn pa naman ang tagapag ligtas niya sa Math dahil Math Wizard ito. Ayaw ni Autumn sa Math kahit na magaling siya. Kakaiba talaga ang trip nito sa buhay.

Hindi naman niya maka usap si Autumn tuwing Math dahil natatakot siya mag salita. Baka bigla siyang matawag ng kanilang Prof at mapatayo ng di oras.

Nanghinayang siya bigla nang maisip niya ang isinakripisyo ng kanyang best friend para sa kanya. Nakapasa si Autumn sa SAU sa course Civil Engineer ngunit mas pinili nitong mag Psychology sa DMU para magkasama silang dalawa.

Multimedia Arts sana ang kukuni ni Summer. Matagal niya rin itong pinag isipan, in the end she chose to take Psychology nalang dahil ayaw niyang ma stress o mawala ang kanyang interest sa sa kanyang hobby. Hindi naman niya talaga ganon sineseryoso ang drawing. Naisip palang niya ang paggawa ng plates ay tinatamad na siya.

"Mukhang malalim iniisip natin, ah?"

Napatalong naman si Summer sa boses ni Sir Phen.

"Sir! Akala ko po uuwi na kayo?" Silang mga naiwan na kasi ang inutusang mag close ngayon.

"Eto na nga, pauwi palang" Naka ayos na ito at dala na ang susi ng sasakyan.

"Sigw po Sir Phen, good night!"

"Good night din, ingat kayo sa pag uwi!"

Kinawayan ni Summer ang kanilang manager at sinundan ito ng tingin hanggang sa makapasok ito ng sasakyan. When the car drove away, mabilis na napalitan ng puting Fortuner ang parking space.

A Fan's FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon