Chapter 11

2.3K 95 22
                                    

Nakatingin ako sa may bintana habang pinagmamasdan ko ang pagbuhos ng ulan. Nakasakay ako sa bus ngayon halos 4 hours din kasi ang byahe ko. Napakalungkot naman ata ng araw na 'to. I suddenly miss someone it's been 2 years since the last time we talk. 2nd year college na nga ako eh. Ang bilis talaga ng panahon. Sa loob ng dalawang taon, sinubukan ko naman talagang mag-move on. Pero alam niyo yun? Sobrang hirap. May mga time kasi na makakapansin ka ng mga bagay na magpapaalala sa kanya.

Natanaw ko naman na malapit na ang babaan papunta sa school ko. Kaya sinakbit ko na ang bag ko at tumayo. "Para po." Sabay naming sabi ni Jax. Remember him? Best friend ko na nga pala siya ngayon at hindi ko rin alam kung paano nangyari yun. Hindi kami araw-araw magkasabay pumasok nagkataon lang na magkasabay kami ng sinakyang bus ngayon. Tumila na rin ang ulan, mabuti naman.

Naglakad na kami papuntang school. Tahimik naman akong naglalakad samantalang siya heto kwento ng kwento. "Hello..." Humarap pa siya sa akin kaya napatigil ako sa paglalakad. "Nakikinig ka ba?" I just nodded. "Okay... ano ba kasi talagang nangyari sayo? Hindi ka naman ganyan noong una tayong nagkakilala ah."

"Shh... wag kang maingay. Nagme-memorize kasi ako." May quiz kasi kami mamaya, kaya yun na lang ang ginawa kong palusot sa kanya.

"Nagme-memorize? Parang hindi naman." Ngumiti pa siya sa akin ng nakakaloko.

"Hindi ba pwedeng mag-memorize sa isipan lang?" I rolled my eyes. "Wag ka na lang kasing maingay. Please..." Sabi ko sa kanya.

"Why are you acting like that? Is it still because of him?" I remained silent. He knew everything about that guy. I told him everything. Wala kasi akong mapagsabihan that time and besides I trust this guy a lot kahit madaldal yan. Naalala ko same school nga pala kami ni MR. 10PM, I always wonder if we ever crossed our ways. Malaki kasi ang university namin that is why I'm not that sure kung nagkasalubong na ba kami kahit isang beses lang. Hindi ko nga alam kung ano bang course niya eh.

Nakarating na kami sa may lobby ng school. I scanned my ID. Nauna na akong maglakad kay Jax, paano ba naman inuna pang makipagdaldalan sa mga kaklase niya. Pagkapasok ko ng classroom nadatnan ko ang mga kaibigan kong walang ibang ginawa kundi mag-ingay. Hindi ko alam pero parang ang daming nagbago. Kahit ako nagbago.

"Hi Dana!" Sabay-sabay na bati ng mga kaibigan kong babae.

"Hello." Ngumiti na lamang ako sa kanila. "Bakit?" Bigla ba naman akong hilahin palabas ng classroom.

"Yung Cade mo nilalandi na naman." Napakunot naman ako ng noo at tiningnan ang tinuturo nila. They knew that Cade and I live in the same house. Kaya ayun ginawan na nila kami ng love team nila, mala-wattpad pa nga raw ang story namin kaya hindi raw malabong magkatuluyan kami and I don't like their ideas.

"How many times do I have to tell you that he's not my Cade and he'll never be my Cade." Nakakunot ang noo kong sabi sa kanila. Nanahimik naman sila. "Sorry... it's just that, imposible yang mga iniisip niyo. I love someone else." Okay. What was that? I saw how shocked my friends are and I even saw Cade with his expressionless face.

"You love someone else?" Sabay-sabay pa nilang sabi except Cade who went straight to our classroom.

"I knew it you still haven't moved on." Napatingin naman kami kay Jax. Jusko! I'm in trouble! "Akala ko ba---"

"Okay fine! Oo hindi pa ako nakaka-move on! Siya pa rin hanggang ngayon or who knows baka hanggang sa huling hininga ko siya pa rin. Alam niyo yung feeling na mas lalo kang napapamahal sa kanya sa tuwing kakalimutan niyo siya." I cried. "He's so unfair. Siya nakalimutan niya na ako pero ako heto pa rin nagmamahal sa kanya. Ang tanga lang diba." I can't take this anymore. Tumakbo ako papunta sa C.R.

Just Like a Puzzle [Completed: 2015]Where stories live. Discover now