Chapter 9

2K 91 24
                                    

Today's the last day of my summer job. At bukas ang farewell party para sa amin ni Dice. Hindi ako masyadong makapag-concentrate sa pagtra-trabaho ko. Medyo mabigat pa ang pakiramdam ko.

"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Dice. "Mukhang masama pa rin ang pakiramdam mo dapat kasi hindi ka na lang pumasok at nagpahinga ka na lang sana."

"Okay lang ako." Okay lang naman talaga ako. Okay lang talaga. Napatungo ako. Bakit pati sa sarili ko kailangan kong magsinungalin? How can I be okay when someone just left you without giving a reasonable reason why he had to leave you? Napabuntong-hininga ako.

"I know you're not." He whispered. "Farewell party na natin bukas. I'm going to miss you." Napangiti naman ako.

"Sus! Parang hindi naman kita schoolmate eh pareho naman tayo ng university." Ngumiti naman siya sa akin.

"I'm glad you smiled again." Napakunot ako ng noo.

"Parang hindi naman ako ngumingiti." Natatawa kong sabi sa kanya.

"I just miss you, I guess. Busy ka kasi lagi sa pakikipag-chat." Hindi ko alam pero feeling ko nagtatampo siya sa akin.

"Hindi na ngayon." Malungkot akong ngumiti sa kanya.

"Ayan ka na naman." Ginulo niya ang buhok. "Okay na eh."

"Sorry." And all of sudden, I started crying again. It hurts! A lot...

***

Kinuha ko na yung mga gamit ko sa locker. Last day ko na talaga ngayon sa summer job ko. Mami-miss ko 'to... sobra. Isama na natin yung katotohanan na mami-miss ko rin 'to dahil kay MR. 10PM. Kamusta na kaya siya?

Napailing ako. Heto ako iniisip siya samantalang siya mukhang walang pakialam sa akin. Hindi ko man magawang aminin pero sa tingin ko in love na ako sa kanya. Nakakatawa, I fall for someone I don't know, a stranger to be exact. But for me he's not just a stranger, alam niyo yung feeling na kapag nakaka-chat ko siya, it feels like I've known him for a long time. I erased that thought.

"Ang tagal mo naman." I was so shocked when I heard his voice. Yung tipong ramdam na ramdam ko yung hininga niya sa may bandang leeg ko. I turn around to face him. Napatitig ako sa kanya. "Matunaw ako niyan." He laughed.

"Tsk. Ewan ko sayo."

"Uwi na tayo Elline." Ayan na naman siya. Nasasanay na rin ako sa kakatawag niya sa aking Elline.

"Anong ginagawa mo dito?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Nakalimutan mo na bang anak ako ng may-ari ng restaurant na 'to?" Pagmamayabang niya. Woah! Ang hangin!

"Oo na po Sir Cade. Hinding-hindi ko po makakalimutan." I emphasized the last word.

"Halika na nga." Hinila niya na ako palabas ng staff's room at inakbayan ako. Aba! Tatanggalin ko na sana ang braso niya sa balikat ko pero hinawakan niya bigla ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko, not because he held my hand but because of the feeling after he held my hand. Parang may kuryente. What was that? At parang may kung ano sa tiyan ko? Eh? Baka gutom lang 'to. "What's with that face again?"

"What?!" At sa wakas natanggal ko na ang braso niya sa balikat ko. Jusko! Parang nahihirapan akong huminga kanina.

"Nothing. I just love it when you blushed." And he left me there. Habang nakakanganga at nakatulala. How dare you Cade! How dare you makes may heart beats so fast? Wait? What did I just think?

***

Habang nakahiga sa kama. Nakapikit nga ako pero gising na gising naman ang diwa ko. How can he do that? Yung iparamdam sa akin ang ganitong feeling? Na parang ewan ako ngayon kakaisip sa sinabi niya. I don't get it?!

Napabalikwas ako ng higa...

*Boogsh!!!

"Anak? Anong nangyari sayo?" Sh*t! Kasalanan mo 'to Cade! Kasalanan mo talaga! Nahulog pa ako sa kama ng dahil sa kakaisip sa bwisit na 'I just love it when you blushed' mo na yan.

"Po? Haha. Nagpa-practice lang po ako. Kung ano yung feeling na mahulog sa kama. Ahahaha!" Hindi ko alam pero para talaga akong tanga at baliw sa naging dahilan ko.

"Ikaw talagang bata ka. Ano ba kasing iniisip mo at hindi ka makatulog?" O-oh... I knew it. She knew I can't sleep.

Napahawak ako sa may dibdib. I feel the fast beating of my heart and then suddenly I felt my face turned red, jusko! I'm blushing in front of my mother.

"In love na ata ang anak ko." Sumenyas siya sa akin na tumabi ako sa kanya, so I did. "Sino ang maswerteng lalaking 'yan?"

"Hindi po ako in love kay Cade." Oh shocks! Napatakip ako ng bibig. Lumawak ang ngiti ni mama. Huhuhu! "Ma, hindi po talaga ako in love kay Cade... it's just that... okay... hmm... I think I'm in love with someone else."

"Oh... pero confused ka." I'm confused, yes it's true. I'm confused about the feeling I'm feeling for Cade right now. Kaso.... Alam ko sa sarili ko na in love na nga talaga ako kay MR. 10PM. Jusko? In love ako sa dalawang tao? It can't be. 

---

(10/12/15)


Just Like a Puzzle [Completed: 2015]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu