“Oh… Bakit nakabusangot ka diyan?”

 

Naabutan ako ni Keira sa opisina na halos baliw na baliw na nakasubsob sa desk.

 

Ex-girlfriend ko si Keira. Actually, college sweethearts kami. On and off palagi ang relasyon namin until we both decided to really end any romantic relationship between us. Eventually, nakahanap siya ng lalaking totoong makapagpapasaya sa kanya. Nanatili naman kaming magkaibigan and we realized we’re really better off as bestfriends.

 

“Wala kang pakialam.”

 

“Walang pakialam? Ano ka ba Hunt… Bestfriends tayo… Nandito ako para makinig sa mga pa emo-emo mo dyan… Tungkol na naman ba to kay crush mo? HAHAHAHAHA. Ang torpe mo talaga!!!” at tumawa pa siya ng malakas. “Speaking of her… Where is she? Di pumasok sa trabaho?”

 

“I messed up, Keir.”

 

“Wtf. Ni-rape mo????”

 

Binato ko siya ng ballpen na nahagip ko sa desk ko. And I started confiding everything to my best friend.

 

“Di ko na talaga alam pa ang gagawin ko, Keir. Magiging ama na ako and I think she’s somehow falling for me. Pero takot na ako sumugal baka once na susugod na naman ako, aatras na naman siya muli.”

 

“I’ve got an idea, Hunt… And I think this… would be effective.” Sabi niyang nakangisi pa.

 

“Ano naman yon?”

 

“The act of jealousy. Bwahahahaha.”

-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

“Effective nga yon.”

“Just don’t mess up okay? Ang swerte niyo sa isa’t isa. Alagaan nyong mabuti si Baby Flynn, ang cute-cute ng anak mong iyon.”

Napangiti ako. “You know I won’t dare to mess up. Sa hirap ko ba naman na makuha ang babaeng yon.”

“Hunt… Positions na! The bride’s here!”

Kumabog ang puso ko nang marinig ang organizer na dumating na si Sienna. Pilit kong hinahagilap siya mula sa kinatatayuan ko. Just a glimpse. Please. Pero di ko talaga siya makita.

“Pare… Makikita mo din yan mamaya.” Sabay tapik sa akin ni Denmark, ang kaclose kong pinsan at ang best man ko. “Punta na tayo doon sa harap. Wag ka nga masyadong ma tense, pati ako nahahawa sa’yo eh.”

MY HOTSHOT BOSSWhere stories live. Discover now