EPILOGUE

57.9K 1.2K 239
                                    

Hunter’s POV

Alam niyo 'yung nanalo sa lotto? Ako yon eh.. At sobra-sobra pa. I’m now marrying Sienna Cimeni, after loving her for more than a decade. Di niyo alam yon no? Di naman kasi ako binigyan ni author ng chance na I’kwento ang side ko sa estoryang to.

Oh well. Who cares diba? Ikakasal na kami ngayon, and I will try my best to make our marriage work.

“Pare…”

Nanigas ako nang marinig ang boses na yon. Nang lumingon nga ako’y nakita ko siya.

Ngumiti siya at inabot ang kamay niya. “Congrats…”

I looked at his hand and eventually took it. “Salamat.”

Masisisi niyo ba ako? Niloko niya si Sienna, pinagtangkaang gahasain… Kahit pinsan ko pa siya’y di ko maiwasan ang urge na patayin siya.

“Sorry sa lahat-lahat, Hunt… Di ko…” Bumuntong hininga siya. “Di ko talaga sinasadya.”

“Nagparaya ako sa’yo noon Gabe, dahil ikaw ang nauna. Akala ko mas mapapasaya mo siya kesa sa’kin, na di mo siya sasaktan, pero hindi lang iisang beses mo siya sinaktan, Gabe. Malapit mo pa siyang gahasain.”

“Nagsisisi na ako Hunt. Hindi ko na kayo guguluhin. Patawarin niyo ako. Wala lang siguro ako sa tamang pag-iisip.”

Tinignan ko siya sa mga mata. Ano pa ba magagawa ko? Hindi ako marunong magtanim ng galit atsaka pinsan ko pa tong gagong to. “Okay na yon… Wag na nating balikan. Ikaw? Kumusta ka na?”

Yumuko siya na parang nahihiya. “Ipapasok na ako nina mama sa rehab…”

Tinapik ko siya sa balikat. “Alam kong kaya mo yan, bro. Nandito lang kaming lahat para sa’yo…”

Hinawakan niya ako sa balikat. “Salamat bro… Maswerte sa’yo si Sienna.”

“Ako ang maswerte sa kanya bro…”

“Hunt… Tara na!” napalingon ako kay Daddy. Nakangiti siya at halatang excited. “Bilisan mo na! Mas babae ka pang kumilos kesa kay Sienna.”

Napatawa na lang ako at napabaling muli kay Gabe. “Sige na pre… Kita na lang tayo sa simbahan.” Tumango ako sa kanya at naglakad na nga siya palayo sa akin.

“Anak…”

 

“Dad…” Tinignan ko siya nang mataman. “Teka… Dad, umiiyak ka ba?” napatawa ako.

MY HOTSHOT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon