MY HOTSHOT BOSS 4.0

56.1K 560 15
                                    

“Ano ang ginagawa ng babaeng 'yan dito?”

Tinignan ko siya. Di ko mabasa ang expresyon ng mukha niya.

“Kuya…”

“Hunt… Anak… B-buntis si Sienna…”

“Ngayon? Ano ang gagawin ko?” sabi niya habang nanlilisik ang mga mata na pinasadahan ako ng tingin.

Binalingan ako ni Tita Belle. “Siguro kelangan niyo munang mag-usap.” Nilapitan nito si Hunt. “Anak… Mag-usap kayo ni Sienna ha? Aalis muna kami ni Ryka.” At umalis na nga sila ni Ryka.

Nagpatuloy sa pagbaba sa hagdan si Hunt. Hindi ito ang inaasahan kong pagkikita namin. Nahihirapan ako.

“Hunt…” tawag ko sa kanya nang akmang lalagpasan niya ako.

Tumigil siya pero di man lang ako sinulyapan. “Hunt… Mag-usap tayo…”

“Noong umalis ka, sinabi ko sa’yo na mag-usap tayo… Pero ayaw mo. Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon. Ngayon... Ewan ko na lang kung mapapakinggan pa kita, Sienna. Pagod na ako kakahabol, kakaintindi sa’yo.”

Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Kasalanan ko din naman 'to lahat.

“Hunt… Sorry sa mga naga--”

“Nagmakaawa na ako’t lahat, Sienna. Tapos sorry lang? Pfft. I was fighting for you like you were the only girl on earth, pero ikaw… hindi ka pa rin makaget-over don sa pinsan ko!!! Akala mo ganon kadali lahat? Isang sorry okay na agad?”

“Pero…” Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin, ang dapat sabihin para bumalik yung lalaking nagmamahal sa akin. “Buntis ako, Hunt… Magkakaanak na tayo…” desperado na ang boses ko.

Sa wakas ay tinignan niya ako. Kung akala ko’y matutuwa siya, yayakapin ako at sasabihin na mahal niya pa rin ako at magiging isang pamilya na kami; nagkamali pala ako. “Okay.” Yon lang ang sabi niya at halos manlamig ako sa sobrang cold ng pagkakasabi niya. “Susustentuhan ko ang bata pero ayaw na kitang makita.”

MY HOTSHOT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon