MY HOTSHOT BOSS 3.0

51.7K 515 18
                                    

 “What's going on? Kuya? Best?”

Hindi ko alam ang isasagot ko. Natatakot ako sa magiging reaksyon ni Ryka towards sa amin ng Kuya niya.

Before ko ibuka ang mga bibig ko para sana'y sagutin na ang bestfriend ko... “It's nothing, Ryka. Go out.”

“Go out? Kuya! You cried in front of my bestfriend and confessed your hidden desire or love or whatever you call it. Ipaliwanag mo sa’kin ang lahat, Kuya…”

“JUST GO OUT RYKA!!!!”

Pareho kaming nagulat ni Ry sa lakas ng boses ni Hunt. “Please Ry… Kelangan ko lang talaga makausap si Sienna.”

Mukhang naawa si Ryka sa Kuya niya. Tinignan niya muna ako bago tuluyang lumabas.

“Si…Sienna..”

Napatingin ako muli kay Hunt na nakaluhod pa rin sa harapan ko. Kumikislap ang mga mata niya. Di ko akalain na iiyak siya sa harapan ko, magmamakaawa na mahalin ko siya.

“Mahal kita… Sana bigyan mo ako ng pagkakataon para patunayan sa’yo kung gaano ako ka sinsero sa mga sinasabi ko.”

“Hunt…” Hindi ko alam paano sabihin sa kanya ang mga nararamdaman ko. Ang mga iniisip ko. “Hunt… Alam mo naman ang nakaraan namin ng pinsan mo…”

 

“Iba ako sa kanya!!”

Napatawa ako ng kaunti. Kelangan talaga isigaw yon? “Alam kong iba ka sa kanya. Pero Hunt… Ayoko makipag-commit. Ayokong masaktan muli. Ayoko na iibig na naman ako ng todo tapos, iiwanan din pala sa huli, gagawing tanga.”

 

“Naririnig mo ba ako, Si? Iba nga ako sa kanya!!! Hindi kita kayang saktan, lokohin. Matagal na ang kabaliwan kong 'to sa’yo, Si… Please… All I’m asking is one chance.”

MY HOTSHOT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon