MY HOTSHOT BOSS 2.0

64.7K 530 17
                                    

"Best.. Si Gabriel pala. Gabriel Javelosa. Cousin ko. Siya muna magda-drive sa atin paapuntang mall. Wala kasi si Manong Driver ngayon e. Nagkasakit."

Pagpapakilala ni Ryka sa pinsan niya nang dumating na ako sa bahay nila.

"Ah ok." At nginitian ko ang pinsan niya.

Ngumiti din ito. Flashing his perfect white teeth. "You can call me Gabe..." sabay abot nito sa right hand para makipagkamay.

Inabot ko naman ito. "Sienna."

"Nice meeting you, Sienna..." pinisil pa niya ang kamay ko bago ito pakawalan.

Nang dumating na kami sa mall, panay ang sunod ni Gabe kahit nasa women's section kami ng department store.

"Ry.. Hindi ba yan napapagod ang pinsan mo?"

Lumingon saglit si Ryka sa pinsan bago sumagot. "Di no. Sanay na yan sa akin. Minsan nga tinutulungan niya pa ako sa pagshoshopping. Hindi siya bakla ha! Tinitignan niya lang kung ano yung bagay sa akin. Yung mga damit na makakaattract ng maraming boys. hihihi"

Ang landi talaga nito. haha

"Eh bakit ngayon?"

"Nahihiya siguro sa'yo. Teka. Tawagin ko." Lumingon ito muli kay Gabe. "Cuz.. Lika dito. Para kang goon diyan sa tabi. hahaha"

Lumapit ito. Nagtama ang mga mata namin. Nginitian niya ako ulit.

"Teka lang... May napapansin ako eh. Hoy Gabriel! Crush mo ba tong bestfriend ko???"

Nakakahiya. Leshe ka Ryka.

"RYKA!!!"

"Bakit ba best? Tinatanong ko lang naman eh. Panay kasi titig sa'yo. Titig malaswa. ahahaha"

At iyon nga nagpatuloy kami sa pag-sha-shopping, na technically si Ryka lang naman ang bumibili. Buntot lang kami ng buntot ni Gabe sa kanya at tagapakinig ng mga latest chika daw na nasagap niya sa school.

"Ang daldal talaga ng pinsan ko no?"

Nagulat ako sa baritonong boses na yon.

"Aaahh.. Hehe. Oo nga eh."

"Matagal na kayong magkaibigan?"

"Kakakilala lang namin last year. Classmates kasi kami sa mga minors."

"Kaya pala.."

MY HOTSHOT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon