“You’re too formal dear… call me Tita Belle na lang. Tama nga ang anak ko, ang ganda-ganda mo…”

 

“Kuya… My bestfriend’s here… Say hello naman oh. Forget that motorcycle, may mamaya pa naman eh…”

 

“Oo nga anak… Diba excite--”

 

Pinutol ko ang pagsasalita ni Mommy. Binubuking ako eh.

 

“Stop Mom.” Nagpunas na ako ng kamay. Just say ‘Hello, the weather’s good today.’ Yon lang Hunt. Ang simple-simple. Humarap ako sa kanila at muntikan na akong mapanganga.

 

Ang ganda niya. Ang ganda niya talaga. Nasabi ko na ba na ang ganda niya?

 

Pinilit kong magsalita habang palapit sa kanila. Ano naman ang sasabihin ko?

 

“Hello.” Sabi niya na alanganin pang nakangiti.

 

Fck. Lalo akong na speechless.

 

Nilampasan ko na sila. Shet. Ang torpe ko. -_-

 

Nagkulong ako noon sa kwarto ko. Napahiya ako sa harap ng crush ko. Kung pwede lang sana bugbugin ang sarili ko eh.

 

Kinuha ko ang wallet ko. Nandoon ang picture niya na nakuha ko sa facebook. Oo. Ako na ang stalker. Kung maganda siya sa litrato, mas pa sa personal. Para siyang modelo, fallen angel ata siya…

-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

Pumasok na kami ni Dad sa simbahan. May ilang mga bisita na bumabati sa akin. Humahalik sa pisngi. Sa totoo lang, naiinis na ako, bakit antagal-tagal ni Sienna, kung pwede ko lang sana yon kaladkarin patungo sa pari at magsabi agad ng ‘I Do’ eh…

“Excited much?”

Nakita ko si Keira na ngiting-ngiti sa kilid kasama ang asawa nito. Kinamayan ako at tinapik sa balikat ng asawa niya. “Congrats pare…” nakangiti nitong sabi.

Lumapit sa akin si Keira at niyakap ako. “I’m glad that you finally found you’re the one, Hunt…”

“Di naman siya magiging akin kung hindi dahil sa tulong mo. Thanks for everything, Keir.”

 

“It was nothing… A little jealousy won’t hurt naman. Hahaha”

-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

MY HOTSHOT BOSSWhere stories live. Discover now