Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap. “Di lang ako makapaniwala na ikakasal ka na talaga, 'nak…” Inilayo niya ako sa kanya ng kaunti. “Alagaan mong mabuti si Sienna at Flynn ha… Wag kang gumawa ng mga kalokohan… Di kita pinalaki ng ganoon. Dapat tularan mo si Daddy, faithful na nga, gwapo pa.”

Natawa kami ni Dad.

“Alam mo naman na halos mabaliw na ako sa babaeng yon Dad eh, ngayong magiging akin na nga siya legally, magloloko pa ba ako? Eh nasa kamay ko na ang pangarap ko.” And I grinned at him.

One last hug at umalis na kami ni Dad. Habang lulan ng sasakyan ay halos maihi ako sa sobrang excited. Kahapon lang ay parang mga aso’t pusa kami sa opisina, ngayon halos ayaw na namin magkahiwalay.

-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

“Anak… Balita ko’y dadalhin daw ni Ryka ang bestfriend niya dito mamaya.”

 

Napatingin ako kay Mommy at tinaas ang kilay ko.

 

“Ano ngayon 'my? Pagsisilbihan ko siya?”

 

Napatawa ang Mommy ko. “Asus. Denial ang anak ko… Alam ko naman na crush mo yon eh. Nahuli kaya kita na chinicheck profile niya sa facebook.”

 

Tumalikod ako sa kanya at nagsimulang kalikutin ang motor ko, at para maitago na rin ang nag-iinit kong pisngi. “Masama bang alamin kung anong klaseng tao ang binabarkada ng kapatid ko?”

 

“Alamin daw… Simula noong nag email si Ry tungkol sa bestfriend niya at nagpadala pa ng litrato ay parang di ka na mapakali dyan.”

 

Tama nga si Mommy. Noong una ko pang kita sa litratong iyon ni Ryka at ng bestfriend niya’y nagkaroon ng kakaibang pakiramdam sa babaeng iyon. Ewan ko kung anong espiritu ang sumapi sa akin at hinanap ko siya sa facebook. Halatang di siya masyadong nagpe-facebook. Walang kalaman-laman eh. Ang napokus lang sa tingin ko ay ang status niya: SINGLE. Napangiti na lang ako doon.

 

Ano kaya ang itsura niya sa personal? Kagaya ba talaga noong sa mga litrato?

 

“MOMMY!!!”

 

Pinagpawisan ako ng malapot nang marinig ang boses ni Ryka.

 

“Anak…”

 

“Mom, this is Sienna Cimeni… My super duper fabulous pretty bestfriend.”

 

“Hi po, Mrs. Javelosa.”

 

Shit! Pang anghel ang boses niya. I’m really doomed.

MY HOTSHOT BOSSWhere stories live. Discover now