September Night [7]

2.3K 35 7
                                    

Nilapitan ulit siya nito at hinawakan sa may balikat. "Pia... makinig kang mabuti sa akin. Makinig ka lang muna please..."

Magkaharap sila pero hindi ito sa kanya nakatingin.

“Pia, mas mabuti pa kung umalis ka ba lang dito sa bayan na ‘to. Kesa naman na makuha ka niya! gusto niya tayong isa-isahin..."

 Napatingin  siya kay Josh.

"Isa-isahin?! Anong ibig mong sabihin Josh?!" 

Hindi na niya maintindihan si Josh. Mas lalo pa siyang natatakot sa mga pinagsasasabi nito. Iisa-isahin? Hindi kaya dahil ito sa nangyari noong nakaraang tatlong taon?

"Ano? Inaway ka nung Alisa?" mataas ang boses ni Sophia. Alam niyang galit na galit na ito. Naikuwento niya kasi yung nangyaring pang-aaway sa kanya ni Alisa, classmate nila. ‘Pag dating pa naman sa mga gano’ng bagay ay si Sophia ang nangunguna sa pagganti kapag may naapi sa isa sa kanila.

"Aabangan daw niya ako. Ewan ko kung bakit. Wala naman akong ginagawa sa kanya eh..." patuloy niyang pagsumbong dito.

"Baka nagselos nung tiningnan ka ng boyfriend nya." Sabat naman ni Josh.

Bakit naman siya magseselos? Porket napatingin lang naman eh.. Masama ba ‘yon?”

"Pia..." Tumingin sa kanya si Sophia at ngumuso sa ibaba ng parola. Nakita nila si Alisa na naglalakad sa dalampasigan.

"Oy Alisa'ng PANGET!" Malakas na tawag ni Sophia. Napatingin agad si Alisa sa itaas at saka umirap. 

"Umkyat ka nga dito!" Utos pa nito.

Dahil sa hindi rin naman nagpapatalo si Alisa ay umangat na siya ng Parola. Nang makarating na si Alisa sa itaas ay agad itong hinarap ni Sophia. humalukipkip siya at sinabing...

"Bakit mo inaaway ang kaibigan ko, Aber?" tanong niya habang nakataas ang kilay.

"Bakit?! May problema ka ba? Siya ang inaaway ko, hindi IKAW kaya ‘wag kang makisali!" Mataray na sagot naman ni Alisa.

"Oh teka, teka.. ‘wag kayong mag-away dito. Baka mapahamak kayo.." Sabi ni Josh. Alam nitong baka kahit anong oras ay mag rambulan sa itaas. Delikado pa at baka may mahulog sa isa sa kanila.

Tinulak ni Alisa si Sophia. "Ano bang pakialam mo kung awayin ko yang Pia na yan?!" 

"Aba'y ang angas mo pala eh!" Naasar si Sophia sa ginawa ni Alisa kaya tinulak din niya ito.

“Waaaaagggg!" agad na sumigaw si Pia. Ito na nga ba ang sinasabi ni Josh.

Nakatalikod si Alisa sa may harang ng Parola at na out of balance ito kaya...

Kitang-kita nilang tatlo kung paano nawalan ng balanse si Alisa at kung paano ito nahulog mula sa itaas. Gulat na gulat sila. Lalo pa silang nagitla nung pagkakita nilang tatlo na pumutok ang ulo ni Alisa at naliligo na ito sa sariling dugo.

"A-anong gagawin natin?" nangangatog na tanong ni Pia. "Patay na ba siya? Kailangan natin siyang tulungan!" Bababa na sana siya para tulungan si Alisa nang bigla siyang ginila ni Sophia.

"Aalis tayo dito at parang walang nangyari. Tara na..."

Nagkatinginan silang dalawa ni Josh. Kung gano’n ay tatakasan nila ang krimen na nangyari? Pinagmasdan na lamang nila si Sophia na bumaba ng parola upang takasan ang nagawa nilang kasalanan. 

Kumaripas sila ng takbo nang hindi namamalayan na nakita sila ni Mang Tony na kumakaripas at nagmamadaling umalis ng Parola. 

Tumingin siya ng mabuti kay Josh. "Siya ba?! Si Alisa ba ang nagmumulto?! Josh please... sabihin mo! Gusto kong malaman ang katotohanan!”

September Night [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora