Can you forgive me?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hm, wala na bang ibang babae na napipisil ang parents mo na ipakasal sayo?"

"Yun nga eh, wala. Magkaibigang matalik ang parents namin. Kaya botong boto sila sa babaeng yun."

"Naging magkaibigan ang parents niyo pero kayo hindi? Tsk."

"Hindi kami naging close. Nagkikita lang kami noon kapag may celebrations sa bahay o di kaya naman ay sa kanila."

"Ah.. di mo man lang siya kinaibigan?"

Tinitigan niya ang kaibigan na para bang nababaliw na ito. "You crazy? Unang lapit ko pa lang sa kanya noon, sinabuyan na niya ako ng juice. Tingin mo ba lalapit pa ako sa kanya pagkatapos nun?"

Humagalpak ng tawa si Mason sa sinabi niya. Umirap lang siya dito.

"Besides, mukha na siyang loner mula pa noon. Tsk, nerd na nga loner pa. Edi wow." Aniya saka inubos ang laman ng baso niya saka kumuha ulit ng panibago.

"Nerd?" Takang tanong ni Mason.

"Yeah, like she wears this big glasses that makes her look like a stupid bee.. And braces. I bet suot suot pa rin niya ang mga iyon hanggang ngayon." He shivered at the thought.

Mason frowned, "You sure, man? Glasses and braces?"

"Bakit hindi ka makapaniwala dyan?" Iritableng tanong niya dito.

"Wala naman, she must have changed a lot..."

"Ha?"

"Nothing, man.."

"Psh. Gulo mo pare eh." Iiling iling na wika niya habang tumutungga.

"May naisip ako." Out of the blue ay sabi ni Mason.

"Hm?" Sabi niya habang tumutungga pa din.

"Why don't you marry her."

Sukat sa sinabi nito ay agad siyang napa-ubo. God, that whisky definitely go down the wrong way! Patuloy siya sa pag-ubo habang si Mason naman ay dumukwang at pinaghahampas siya sa likod. Mas lalo siyang napaubo.

"Papatayin mo ba ako?!" Singhal niya dito pagkatapos. "What were you thinking suggesting such horrible ideas?!"

"Chill, man.." awat ni Mason sa kanya, "Naisip ko lang naman. E di ba? Sabi nga nila, keep your friends close, and your enemies closer."

"Well, hindi uubra yang motto mong yan sa akin. I can't even bear to see the bitch! Much more talk to her! Kasal pa kaya?"

"Tsk, grabe ka.. eh hindi ka nga sigurado kung gusto ka ding pakasalan ng fiancè mo eh."

"Dude, stop using that 'f' word. Gusto mo bang masuka ako? At tungkol naman dun sa tanong mo, sandaang porsyento na gusto akong matali ng babaeng yun sa kanya. Why? Eh hindi man lang daw pumalag nung ipagkasundo ako sa kanya eh. According to my parents, she agreed--- just like that." Puno ng sarcasmo ang boses niya ng sabihin iyon.

Nabuhay na naman ang inis niya dahil sa katotohanang iyon. Anong klaseng babae na nasa tamang katinuan ang basta na lang papayag na magpakasal sa isang lalaking ni hindi mo naman halos nakilala ng lubusan, kahit pa sabihin na kilala mo siya sa pangalan. She must be crazy or just plain stupid!

He chose the latter. Siguro ay sadyang tanga lang ang babaeng iyon.

"Hinding hindi ko siya papakasalan.."

Pinagtaasan siya ng kilay ni Mason, "Paano naman yun mangyayari, e hanggang ngayon nga wala ka pa ring naiisip na paraan kung paano ka makakatakas sa 'f'... mo."

"Kung apo at tagpagmana lang ang gusto nila, then that will never be a problem. I can always give them grandchildren as many as they want. But with a girl of my choice."

Comrades in Action Book 2: Aiden Montaniez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon