"Ohh? Ba't mag-isa kalang?"Takang tanong ko.

"Susunod nalang daw sya dun sa bar kaya tara na baka mamaya mauna pa yun!"at nag-drive na nga sya papunta sa bar na sinasabi nya








"2 pineapple juice, neat."Sabi ni Cleashey sa waiter nitong bar.

Andito na kami ngayon. Maingay yung bar at sobrang daming tao. Lalo na dun sa dance floor andaming mga nagpapaka-wild. Natatawa pa ko dun sa isang matabang babae na sumayaw sa gitna. Pagkekembot sya hindi pwedeng walang matatamaan ng kanyang balakang hahahaha.

"Mukhang nag-eenjoy ka ah?"Nakangiting sabi sakin ni Cleashey at inabutan nya ako ng juice.

"Ang saya kasi ng mga tao dito. Parang walang mga problema sa buhay samantalang ako parang pasan ko na ang lahat ng planeta ng solar system."Pagbibiro ko pero mukhang hindi sya natawa.

"Pwede naman mawala yung mga problema mo kung sinusinod mo yung sinasabi ko."Hinawakan nya ko sa kamay na kapatong sa lamesa. Walang malisya samin to ah!

Hindi ko mapigilan na maiyak. Ang swerte ko kasi nagkaroon ako ng isang kaibigan na kagaya nya.

"Wag ka ng umiyak! Magsaya dapat tayo ngayon eh!"Ginawa nya ulit light yung atmosphere dahil Hindi magandang mag-senti dito sa bar hahaa.

"Cleashey!!"Napatingin kami dun sa lalaking tumawag kay Cleashey.

"Zam!!"Niyakap ni Cleashey yung Zam at umupo na sila katabi ko parin si Cleashey at katabi nya naman ni Zam. Pabilog kasi yung upuan eh.

"Yell, ito ng pala si Sulpicio Poe!"Pagpakilala ni Cleashey kay Zam. Natawa ako pero pinigilan ko. Hahaha. Hindi naman ako mapanlait na tao pero ang pangit talaga ng pangalan nya.

"Insan naman eh! Hindi Sulpicio ang pangalan ko! Zam!"At napakamot sya sa batok nya.

"Yun naman talaga ang pangalan mo! Pinapasosyal mo pa!"Pang-aasar naman ni Cleashey.

Binalingan naman ako ni Zam ng tingin at ngumiti sya. Gwapo si Zam, macho halata kasi eh, mukha naman syang mabait, pero kay Yohan lang ako. Crush ko si Zam kasi nakaka-attract talaga si Zam pero mahal ko naman Yohan.

"Ako nga pala si Zam Poe"At inabot nya yung kamay nya sakin na inabot ko naman at sinabing..

"Yell"Nginitian ko sya.

"Kilala na kita! Lagi kang kinikwento ng pinsan ko at pati na din yung about sa Homophobic mong asawa"Natahimik ako dahil sa sinabi nya at tinignan ko ng masama si Cleashey.

"Uhmm.. May kukunin lang ako kotse!"At kumaripas na sya ng takbo. Humanda talaga sakin yung babaeng yun.

"Ahhh sorry. Di ko alam nama-offend ka."Nahihiyang sabi ni Zam.

"Okay lang, totoo naman eh.. Na homophobic yung asaw ko at diring diri sya sakin"Mahinang sabi ko.

Nagulat ako ng bigla nyang hawakan yung kamay at pinisil pisil ito.

"Yung kamay ko"Sabi ko. Medyo naiilang kasi ako eh..

Nginitian nya ako at sabay sabing "Sayaw tayo"

Nung una ayaw ko dahil parehas kaming lalaki at may asawa akk pero mapilit sya kaya napapayag nya ako.

Pumwesto kami sa gitna at nilagay nya yung kamay nya sa bewang ko kaya nilagay ko nalang yung mga kamay ko sa balikat nya.

Tinititigan nya lang ako. Kaya tumingin lang ako sa ibaba.

Pag-angat ko ng mukha ko nakita ko syang nakatingin parin sakin.

My Homophobic Husband (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon