MHH 2

3K 121 16
                                    

Yell

Nagising ako kinabukasan na nakahiga parin ako dito sa lapag. Inangat ko yung ulo ko at nilibot ko sa paligid. Oo nga pala hindi na ako naka-akyat sa taas dahil sobrang sakit ng katawan ko kagabi.

"Jusmiyo!! Anong ginagawa mo dyan?!"Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Manang Lucy na may bitbit na mga plastik.

Sya yung nag-aalaga kay Yohan simula bata palang kaya sya ang pinasama samin dito sa bahay ni Tita Euly at Tito Yubert (Magulang ni Yohan).

Tumayo ako ng dahan dahan. At nagtaka ako kasi wala na yung sakit sa tiyan ko. Paano nangyari yun?

"Gawa na naman ba ito ni Yohan?"Tanong ni Manang Lucy na nag-aalala.

Inalalayan nya ako papuntang kusina.

"Hayaan nyo nalang po sya"Binigyan ko lang sya ng maliit na ngiti at umupo na kami.

"Hindi naman sa ayaw kita kay Yohan. Bakit ayaw mong makipaghiwalay sa kanya? Paano mo to natitiis? Hindi ka ba nagsasawa iho na lagi ka nalang maaagrabyado at masasaktan?"

Bakit nga ba?? Basta ang alam ko mahal na mahal na mahal na mahal ko si Yohan at hindi ako susuko hanggang sa may maramdaman din sya sakin

"Mahal ko po manang eh"Yaan nalang ang nasabi ko.

"Nako pag-isipan mo..."At kumuha sya ng plato at nilagyan nya yun ng pagkaen tas ibinigay nya sakin. Kung wala siguro dito si manang mababaliw na ko dahil wala akong makakausap.

"Salamat po.." at nagsimula na kaming kumain dalawa habang nagke-kwentuhan.










"Sinaktan ka na naman? Kailan ka ba madadala? Ayaw mo pang hiwalayan yang asawa mong tarantado!"Sigaw ni Cleashey sa kabilang linya. Kaibigan ko na sya since birth. Sa kanya din ako naglalabas ng sama ng loob dahil sya lang naman ang kaibigan ko.

Ngayon nga ay tinawagan nya ko.

"Ayaw kung makipaghiwalay. Mahal ko sya at alam na alam mo naman yan diba?"

"Ewan ko sayo! Syaka sinabi ko naman na tutulongan kitang maglayas ayaw mo pang pumayag. Tanga ka talaga!"

"Ayaw ko nga kasi. Lahat nalang kayo ayan ang sinasabi. Mamahalin nya din ako pagdating ng panahon"

"Ewan ko sayo! Mahigit sampong taon mo ng sinasabi yan pero nangyari ba?"

Natahimik ako bigla. Wala na ba talagang pag-asa? Susuko na ba ko? Ayaw ko, ayaw ko.

"Wala kang masabi? Hayyyy. At kaya pala ako napatawag kasi gusto kita yayain mag bar mamaya. May isasama din akong isang kaibigan ko."

"May asawa na ko kaya wala na kung oras sa mga ganyan-ganyan. Pagsisilbihan ko nalang si Yohan"

"Hindi naman nya malalaman yan. Diba nga sabi mo madaling araw syang madalas kung umuwi? Syaka hindi ka naman hahanapin nun no!"

"Aray naman! Osya sige na. Magpapa-alam lang kay manang Lucy"

"Osya! Pupunta na ko dyan! Bye!"

"Bye"

Dumiretso ako sa kusina at nagpaalam na ko kay manang. Nagbihis ako, nag-ayos nangsarili. Tumingin ako sa salamin at may nakita akong pasa sa pisngi ko. Hinawakan ko yan at wrong move! Ang sakit!

Kumuha ako ng foundation at pinahindan ko ng unti at dahan dahan. Nang pumantay na sa kulay ng mukha ko yung pasa ay bigla kung narinig may nag-doorbell. Mukhang si Cleashey na yan. Kaya tumakbo ako pababa dala dala ang wallet ko at cellphone. Pagbukas ko mag-isa lang sya. Akala ko ba may isasama sya?

My Homophobic Husband (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon