Lunar 14: Rebirth

Start from the beginning
                                    

Tumingala siya sa mataas na mga haligi. "Ganito rin kaya ang mundo sa itaas?"

"Sabi ni Zee, malaya ang mundo sa itaas," ani ko.

Sandali kaming natahimik.

"Flint, alam mo ba ang ibig sabihin ng pangalan ko?" bigla niyang tanong.

Umiling ako.

"Buwan," sagot niya.

"T-talaga?"

"Sabi ng matatanda, nakamamangha raw ang buwan... Gusto kong makita ang mundo sa itaas," aniya. "Gusto kong makita ang itsura ng buwan."

Sandaling nabalot ng katahimikan ang lahat.

"Ipakikita ko sa 'yo 'yon," sabi ko.

"Flint?"

Ngumisi ako. "Hindi ko pa alam kung papaano, pero, pangako... Ipakikita ko sa 'yo ang buwan!"

"Flint..."

Naramdaman ko na lamang ang malambot na kamay ni Lua sa aking kamay.

"Lua..."

Sandaling nagtama ang aming mga tingin sa isa't isa.

Si Lua... Napakaganda niya.

Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at dahan-dahang naglapit ang aming mga labi.

Sandali? Totoo ba ito? Ito na marahil ang pinakahihintay kong sandali...

Kami ni Lua ay...

"Oy, Flint! Lua!" biglang sigaw ni Axa.

Agad kaming napaayos ng upo ni Lua. Anak ng balyenang bading. Ganda ng timing.

Kumaway-kaway si Axa mula sa ibaba. "Nagawa ni Jeru!! Nagawa niya!"

***

Nagtungo kaming tatlo nina Lua at Axa sa isang silid kung saan nagtuon si Jeru ng ilang oras upang ayusin si Zee at ibalik sa dating diwa.

Nang mga sandaling iyon, naabutan namin si Jeru na isinasaayos ang ilang mga mekanismo sa dibdib ni Zee. Nakahiga lamang si Zee at walang malay.

"Jeru," bugad namin ni Lua.

"Flint, Lua."

Lumapit kami sa higaan kung saan naroroon si Zee.

"Kumusta siya?" pag-aalala ko.

"Isang chip ang nakuha ko sa main processor n'ya. 'Yon ang bagay na kumu-kontrol sa kaniya. Inayos ko na rin ang braso niya. Maya-maya lang magre-reboot na siya at babalik sa normal."

"Babalik ba siya sa dati?" tanong ni Lua.

"Oo."

"May impormasyon ka bang nakalap mula sa katawan niya?" pagtatanong ko.

Nagbuntunghininga siya. "Wala akong nakita. Nawawala ang data bank niya at nilagyan ng encryption ang bawat memory section."

"Ang kapitolyo," ani Lua. "Napakasama nila."

Hinawakan ko siya sa balikat. "Ang mahalaga, ligtas si Zee," sabi ko.

"May kailangan lang kayong malaman," muling usap ni Jeru. "Sinadyang ilagay sa kaniyang nervous core ang isang customized c5 explosive para sa isang suicide mision. Pinatay ko na ang bomba ngunit hindi ko iyon maaari tanggalin," paliwanag ni Jeru.

Napakunot ako ng noo. "Anong ibig mong sabihin?"

"Ikamamatay niya kung tatanggalin ko ang bomba."

"A-ano??" pagkabigla namin ni Lua.

"P-pero, huwag kayong mag-alala. Inalis ko na ang mga trigger para sa bomba."

"Salamat, Jeru," ani ko.

Inikutan niya si Zee sa likuran at hinawakan ang isang maliit na pihitan sa mekanismong nakakabit kay Zee. "Handa na ba kayo?"

Tumango kami ni Lua.

Itinaas ni Jeru ang pihitan--sa pamamagitan ang ilang mga mineral na gamit upang makalikha ng enerhiya, dumaloy sa malalaking kable ang malakas na boltahe ng kuryente, patungo sa katawan ni Zee. Nabalot ng malakas na liwanag ang buong paligid. Ilang sandali pa't dahan-dahan nang gumalaw ang mga bahagi ng katawan ni Zee.

Napabalikwas ng bangon si Zee. "Waah!"

"Z-Zee...?" malumanay at sabay naming sabi ni Lua.

Napapaling siya ng tingin sa amin. "Flint? Lua?"

"Zee!"

"Flint! Lua!" masaya niyang tugon. Napapaling siya ng tingin sa aking braso. "F-Flint, ang braso mo??" pagkabigla niya.

Isang malawak na ngiti lamang ang naitugon ko sa kaniya.

~•○●° ATLANTIKA °●○•~
Hi, guys. Thanks for reading. Please do vote and comment.

Atlantika (Completed)Where stories live. Discover now