Lunar 14: Rebirth

272 19 0
                                    

Nag ikot-ikot muna ako sa bayan. Sa isang bahagi ng liwasan, namatahan ko si Axa--ang matikas na babaeng Zargon na bumihag sa amin noon ni Lua.

"Kumusta ang mga pinsala?" pag-aalala ko.

Naghalukipkip siya at matikas na nagpaling ng tingin sa kabuohan ng bayan. "Hindi naman gano'n kalaki ang mga naging pinsala. Pero muntik na tayo sa bomba na 'yon."

Sandali akong natahimik.

"O? Bakit natahimik ka?" tanong niya.

"Ang sabi sa mga anunsyo sa telebisyon, ang mga Zargon raw ang mga masasama. Pero, unti-unti ko ng napagtatanto ang lahat... ang kapitolyo ang tunay na masama."

Ngumisi siya. "Wala bang nagsabi sa 'yo na huwag paniwalaan ang lahat ng napapanuod mo sa telibisyon? Kung anu-ano ang ipapasok nila sa utak mo, at bago mo pa 'yon malaman, huli na ang lahat... Bihag ka na ng sistema."

Huminga ako ng malalim. "Alam ko..."

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nagtaas siya ng isang kilay at ngumisi. Nakita ko ang simpleng pamumuhay ng mga tooth decay sa kaniyang gilagid. Wow. Saan siya humuhugot ng lakas ng loob para ngumiti.

Tinanguan ko siya. "Nice teeth."

Umakbay siya sa akin. Nalungkot ang ilong ko sa amoy niya. Amoy sumambulat na pwet. Naagaw pa ang atensyon ko ng isang dosenang tagyawat na malapit nang grumaduate sa ilong niya. Tinignan niya ako ng malagkit---mas malagkit pa sa mutang nagtatalumpati sa mga mata niya.

Napalunok na lang ako. "B-b-bakit gan'yan ka makatingin??"

"Alam mo, pogi ka. May Jowa ka na ba?"

Patay tayo d'yan.

"May eleksyon din ba dito sa bayan nyo?" tanong ko.

"Bakit?"

"Gusto ko na kasing tumakbo," sabi ko bago kumaripas ng takbo.

***

Kasalukuyan akong naghahabol ng hininga sa harap ng isang poste nang makarinig ako ng isang tinig.

"Anong ginagawa mo?"

Si Lua pala. Nakaupo siya sa itaas ng mataas na posteng iyon.

Napatindig ko't napakamot ng ulo. "L-Lua? Anong ginagawa mo d'yan?"

"Wala lang. Nag-iisip," sagot niya. "Sa'n ka galing?"

"Ah?" Napangisi ako. "Pinagtataguan ko si Axa."

"Nakita ko nga kayong naghahabulan." Dumampot siya ng maliit na piraso ng kahoy mula sa itaas ng poste at pabirong ibinato sa akin. Agad ko naman iyong naiwasan. "Do'n ka na sa Axa mo," pagsusungit niya.

Nagpamewang ako't nagtaas ng isang kilay. "Aha, ngseselos ka 'no?"

"Luh. 'Di 'no!" Muli siyang dumampot ng piraso ng kahoy at ibinato sa akin. Tinamaan ako sa ulo.

"Aray!" Himas ko sa bunbunan ko.

Huminga ako ng malalim at nag-umpisang akyatin ang mataas na poste. Nahirapan ako sa mga madudulas at malilit na hawakan. Si Lua naman ay panay lamang ang tawa.

Agad akong naghabol ng hininga nang marating ko ang itaas. Ngumisi ako't agad na naupo sa tabi niya.

Namangha ako sa tanawin. Kitang-kita mula roon ang halos kabuuhan ng maliit na bayan. Noon ko lamang naramdaman ang simple ngunit malayang pakiramdam... Ang payak na pamumuhay na sinira ng karahasan ng kapitolyo.

"Nararamdaman mo rin ba, Flint?" turo ni Lua sa mga kabahayan. "Ang ginawa ng kapitolyo. Nangangahulugang, hindi talaga tayo tunay na malaya."

Huminga ako ng malalim. "Oo."

Atlantika (Completed)Where stories live. Discover now