Hold Me Tight by BTS

Start from the beginning
                                    

Muli kong dinukot sa bulsa yung picture ni V. Mukhang tangang kinausap ko uli.

"Grabe love, muntik pang madamay sa holdap tong picture mo."

"Pero dahil nga may love for you is powerful than those freak, wala silang nagawa hahahaha"

"Ineng" hinalikan ko pa yung picture mo.

"Ineng" ayy nalagyan ng lipstick. Maingat na pinunasan ko yung bandang pisngi nya na namantsahan.

"Ineng!!!" Napatalon ako ng may sumigaw sa gilid ko. Paglingon ko ay iaang weird na matanda sa tabi ko. Napangiwi ako kasi may nakasabit pang feather sa may tenga nya. Parang tanga si manang.

"Ooppss. Bago mo ko laitin, uunahan na kita. Hindi ako tanga. Mas mukha ka ngang tanga jan na kumakausap sa picture. Pangalawa, di ako baliw. Dahil lang sa feather, baliw agad" hala. Nabasa ba ni manang nasa utak ko?

"Di ko nabasa" hala talaga.

"Pwede ba ineng. Di ako marunung bumasa ng utak. Malakas ka lang talaga magsalita"

Ay sori naman.

"Manang pasensya na. Wala po kasi akong pera dito. Sakto lang pamasahe"

"Di naman ako nanghihingi"

"Eh bakit nyu po ako tinawag" a creepy smile formed in the old lady's lips. Napaatras ako ng konti kasi bigla syang nagmukhang mangkukulam sa paningin ko.

"Hija kanina ka pa ha" nakasimangot na ito ngayon.

"Ha?" Maang kong sagot.

"Kanina baliw ngayon naman mangkukulam. Naku"

"Eh kasi naman po ano po ba ang kailangan nyu? Nagugutom po ba kayo?" Inilabas ko yung baon kong sandwich kanina na hindi ko nakain dahil sa sobrang pagkabusy.

"Hindi ko kailangan yan. Ikaw ang may kailangan sa akin"

"Po? Eh ano naman po ang kailangan ko sa inyu?" Ngumisi uli ang matanda sabay tingin sa hawak kong picture ni V.

"Gusto mo bang mapansin ka nya" tanong nya habang nakatitig sa hawak ko.

Iniangat ko yung picture at ngumiti.

"Oo naman po. Sya yung pangarap kong Mr. Right." Salita ko habang parang nagdedaydream. Pero nung sumagi sa isip ko kung gaano sya kasikat at kung gaano karami ang may gusto sa kanya matamlay na isinauli ko iyong picture sa wallet. I am just a regular girl. Hindi masyadong kagandahan. Hindi rin sikat. Ang katulad ko ay di bagay sa kanya. Ang bagay sa kanya ay yung kaloveteam nya.

Ramdam ko ang pag iinit ng gilid ng mata ko. Nyemas naiiyak ako. Thinking na hinding hindi kahit sa bangungut na magiging kami ni V.

"Tutulungan kita" napatingin ako sa matanda.

"Po?"

"Tutulungan kita na makuha sya" alanganing tinitigan ko sya. Gusto kong maawa kasi parang nasobrahan na ng gutom si manang kaya kung ano ano na ang sinasabi nya.

"Isa pang lait mo ineng, iiwan talaga kita dito" natauhan naman. Malay mo nga naman matulungan nya talaga ako.

"Eh panu nyu po ba ako tutulungan?" May dinukot sya sa bulsa nya at inabot sa akin. Kumunot ang noo ko.

"Tsaa? Aanhin ko po ito? Panu naman ako matutulungan nito?"

"Isa isa lang ineng. Pakinggan mong mabuti ang iuutos ko sa iyo" tumango ako kahit parang nawiwirduhan ako kung paano mapapasaakin si V gamit ang tsaa na ito.
.
.
.
.
.
.
.
Una. Kailangan mong makakuha ng isang hibla ng buhok nya.

Music & Hearts|| ViceRylleWhere stories live. Discover now