Chap. 32: The Venue

1.5K 44 2
                                    

Chap. 32: The Venue

*****************************************************************************

Bea's POV

Finally, narating na namin ang place..

"CanYouForgetThisGirL's Paradise"? ang weird naman ng pangalan ng place (=____=).. si author talaga..

(miLca♥: walang basagan ng trip Bea! XD)

Maganda naman yung place. Medyo magubat sya.. andaming matataas na puno. Pero ang ganda ng ambiance. Alam nyo yung sobrang nakaka-relax sya. Ganun.

May dalawang naglalakihang Mansion-type na gusali. Mukha syang mansion, seryoso. Pero animo eh, naglalabas ito ng cozy feeling? Parang mararamdaman mo na ansarap mag-stay dun?

Isa-isa na kaming bumaba ng bus.

"Hhhmm! The fresh air!! Iwas pollution tayo dito! Wag lang mag umutot! :D"-pagloloko ni Veyron

"Haha! Oo! Kaya wag ka'ng uutot! Mahiya ka sa mga puno!"-Skyler

"Ang ganda naman dito... ang ganda din nung tutuluyan natin oh?"-sabi ni Ahrre habang nakatingin sa malaking bahay sa harap namin.

"Tara na muna, pipila pa tayo di ba?"-sabi ni Elle samin. Kaya naman sumunod na kami sa iba.

Pinapila muna kami. BSIT, BSME, BSECE at BSBA yung mga nandito. First years lahat. sabi nung prof., yung dalawang malaking bahay daw tutuluyan namin. Hiwalay ang boys sa girls. Narinig ko din na sinabi nung prof. namin na bukas daw magaganap yung groupings at iba pa'ng activities.

BK. 2: Ang EPAL na MAHAL KO! ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon