26

279 10 2
                                    

Halos isang linggo na rin ang nakalipas simula noong umamin ako sa kan'ya. Ang unang linggo ng umpisa namin ay nakaraan na. Masaya ang naging bawat araw. Oo nga't umamin kami sa isa't isa ngunit mananatili kaming tago.

Ngayon, nasa dorm kami at kasama ang iba naming kaibigan. "Wahahaha! Ang sarap dun sa reception. Bakit ngayon lang kayo dumating?!" Tanong ni Chen sa aming dalawa at piningot kami. "Aww!" Sigaw namin ni Baekhyun.

"Kayo ah! Baka nagdedate na kayo o kaya naghahoneymoon tuwing gabi kahit 'di kasal." Nguso naman ni Chen.

"Aba! Hoy walking nightmare. Malabong mangyari 'yan. Naglalaro lang naman kami tuwing gabi." Depensa naman ni Baek. Napatawa naman ako. Alam ko ang iniisip ni Chen. "Naglalaro sa kama." Ngisi ni Chen. Sabi na eh. Agad namang tinakpan ni Baekhyun ang bibig ni Chen.

"Bakit ba nandito ka? 'Diba dapat nagtuturo ka ngayon sa mga bata at matandang gustong matutong kumanta?" Nangitim naman ang aura ni Baekhyun. Tiningnan ko naman yung dalawa at isang pilit na ngiti ang nakaporma sa labi ko. Hindi ko mapipigilan 'tong isang 'to. Agad namang umiwas si Chen at nagtago sa likod ni Umin hyung.

"Nako Chen." Sabi naman ni Umin hyung sa kan'ya at pumunta na ng kusina. "Pfft. Natakot." Sabi ko naman at umupo na si Baek sa tabi ko.

"Baekhyun appa! Halos mapatalon kami sa gulat ng biglang narinig namin ang boses ni-- "Euhan?" Sabay naming tanong ni Baekhyun.

"Eomma. Si eomma." Sabi ng bata at iniaabot ang isang sulat. "Baekhyun at Chanyeol, pinagkakatiwalaan ko kayong dalawa. Alagaan n'yo sana si Euhan. Ipinagkakatiwala ko sa inyo ang baby ko. 'Wag n'yo s'yang papabayaan ah? Sasakalin ko kayong dalawa 'pag pinabayaan n'yo si Baby Euhan ko. Kung naguguluhan kayo kung bakit ako nagbigay ng ganitong sulat ay siguro ay aalis muna ako ng bansa. Yep. Nabasa n'yo ng tama. Aalis muna ako dahil ni gusto ni mama na mag-ibang bansa kami at hindi n'ya alam na may anak akong si Euhan. Hindi n'ya alam na nag-ampon ako at kung sakali man, lagot na. Kaya please alagaan n'yo s'ya para sa akin. Baekhyun, ikaw muna ang maging nanay n'ya ah? At Chanyeol, ikaw ang tatay. Yun lang~! Ciao! Nagmamahal, Taeyeonnie~ ♡" napanganga na lamang kami ni Baekhyun sa sulat ni Taeyeon. Aalis s'ya?

"Aalis s'ya?!" Sigaw namin na nakabulabog sa buong dorm. At si Euhan naman ay napatakip na lamang ng tenga dahil sa lakas ng sigaw namin. "Sino? Sino ang aalis?" Tanong ni Lay hyung.

"Si Taeyeon." Sabi ko naman at iniabot sa kan'ya ni Baekhyun ang sulat. Kinuha naman ito ni Suho hyung at binasa nila. Isang malakas na tawanan ang dumagundong sa buong dorm. "May isang happy family pala tayo dito eh." Tawa nila.

"Hi nanay Baekhyun! Hahahaha!" Tawa ni Chen at kumaway kaway pa kay Baek. "Shut up." At nagtago ulit si Chen sa likod ni Umin hyung.

"Hello eomma." Bati ni Euhan kay Baekhyun na may malokong ngiti. "T-teka, bakit maalam ka n'yan?" Tanong ni Baekhyun sa bata.

"Wala lang po." Sagot naman ni Euhan. "Minsan talaga, naiisip ko na lang na kasing tanda na natin 'tong si Euhan eh, nastuck lang sa katawan ng bata." Sabi ko naman. Nagtawanan na lang kami.

--xx--

Baekhyun

"[Hay, bakit kasi kailangan ko pang umalis? Si mama kasi eh! Kainis.]" Reklamo ni Taeyeon mula sa kabilang linya at nakita ko s'yang bumuntong hininga. We're video calling each other. Buti na lang 'di nagseseloa yung isa.

"'Wag kang mag-alala Taeyeon." Sabi ko naman at tumawa. "Aalagaan ko si Euhan. Promise." Sabi ko naman. "And what the heck was that. I'm going to be Euhan's mother? You crazy, Taeyeon?" Tuloy ko. Ako? Nanay? Oh sige, mukha na akong babae, para akong babae kung gumalaw pero HINDI AKO BABAE.

"[About that? Well, trip ko. 'Wag ka nang umangal. Cute n'yo kaya. Naalala mo ba kung bakit ako nagalit sa'yo nung ayaw mong sumama para bumili ng ice cream?]" Binuksan nanaman n'ya 'yung topic na 'yun. Tsk.

"Oo. Bakit?"

"[Nagalit ako kasi gusto ko kayong makitang magkasama. Minsan nga eh, halos ipagdasal ko na babae ka na lang sana. Hindi mo kasi ako pinatapos noon, I like Chanyeol to always be with you. Kasi, the both of you looks so perfect~!]" Tapos may medyo kinikilig pang epekto s'yang ginawa. Napangiwi na lamang ako. "[What's with the face mongmong-ie?]"

Umiling ako. "Ngayon lang ako nakakilala ng babaeng ipinapares ang lalaki sa isa pang lalaki." Sabi ko naman at nagbigay ng sarkastikong ngiti.

"['Wag ka nga. Ang sweet n'yo nga tingnan eh.]" Sabi pa n'ya. "[Ayaw mong maniwala? Tawagin mo nga si Euhan.]" Buti na lamang at nasa tabi ko lang si Euhan.

"Hi Eomma~!" Bati ng bata at kumaway. "[Baby Euhan, Baekhyun eomma and Chanyeol appa looks good together, right?]" At agad na tumango ang bata. Napapalakpak naman s'ya at tumuro sa akin. "[Sabi ko sa'yo eh!]"

"Oo na, oo na. Sheesh. I'm not gay." Sabi ko naman. Naalala ko yung nangyari last week.
Mahal kita, Baekhyun.

Hindi ko alam na namula na pala ako ng sobra kung hindi pa sinabi sa akin ni Euhan at Taeyeon na mukha akong sasabog. "Baekhyun eomma, sasabog ka na!" Sabi ni Euhan at sinundot ang pisngi ko.

"[Kita mo, namula ka na. Kinikilig ka na 'no?]" Ngisi naman ni Taeyeon. Naparolyo na lamang ako ng mata. "Wala ka bang gagawin?" Tanong ko sa kan'ya.

"[Actually, meron.]"

"Okay, gawin mo na. Bye."

"[Teka--]" Napakasama ko talaga. Pinutol ko yung tawag. HAHAHAHA! Ano kayang balak nitong si Taeyeon? Alam kong may binabalak 'to eh.

To be continued...

ChanBaek : ConfusedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon