"Oh, Anton! Good morning! You're coming with us?" Nagbeso sila ni Mommy.

"Opo... Kailangan daw po ni Olivia ng body guard eh." Inismiran ko lang siya at pumanhik na sa taas para magpalit.

Nagsuot ako ng loose top, tube to cover my cleavage kahit wala naman, black ripped pants at doll shoes. Sinuot ko na din 'yung kwintas na heart shaped na binigay sa akin ni Anton.

"Oh Maria Anna? Bakit nagpalit ka ng damit?" Tanong ni Mommy.

"Ah kasi medyo hindi po ako naging comfortable." I excused.

"Sabagay that's too revealing. O tara na."

May personal driver kami, si Mommy sa front seat at kaming dalawa ni Anton sa likuran. Nakasandal ang ulo niya sa balikat 'ko and our hands are interwined. Wala ng paki si Mommy sa mga kilos namin ni Anton. Remember, she asked me kung may nangyari na sa amin? Alam kong nakakahalata na siya. Anytime soon, she'll talk to me regarding this.

And hindi ko alam ang isasagot sakanya.

Nakadalawang stop over kami bago makadating sa Cabanatuan. Napasarap ang tulog ko sa kanlungan ni Anton habang siya ay nakasandal sa salamin. Cute naman ng boyfriend ko!

"Ang ganda ganda mo, hija!" Sinalubong ako ni Lola at hinagkan ako. I hugged her back. Namiss ko si Lola! "At sino naman ire?" Tinignan niya si Anton na naglalakad patungo sa amin.

"Kaibigan—" Naputol agad ang sasabihin 'ko dahil sa pagsabat ni Mommy.

"Boyfriend ni Olivia, Ma." Ani Mommy.

"Ay naku! Ang gwapo gwapo naman ng nobyo mo, Olivia! Parehas kayong marunong mamili ng lalaki ng Ate Olive mo." Nag-mano si Anton kay Lola. "Anong pangalan mo, hijo?"

"Anton po. Anton Blackwell."

Sobrang natutuwa si Lola kay Anton. Paulit-ulit niyang pinupuri ang kagwapuhan at kakisigan nito. Malaki ang ngiti ng beastfriend ko.. Lalaki na naman ulo niyan. Hay nako! Aling ulo Olivia? Joke.

"Lola, asan po pala si Ate Olive?"

"Sinundo ang Kuya Oliver mo."

Napatili ako pati si Mommy. Oh my god! Si Kuya Oliver! Huhuhuhu! Miss na miss ko na si Kuya!

"Nagkita na ba kayo ni Kuya Oliver?" Tanong 'ko kay Anton.

Tumango siya, "Ex siya ni Ate diba?"

"Ay oonga pala... Naka-move on na ba si Ate Roanna sakanya?"

He shrugged, "'Di ko alam. But... It's been a year."

Nang dahil sa amin ni Anton ay nagkaroon ng relasyon ang Ate niya at Kuya 'ko. Naalala ko pa na 'non nung 3rd year kami ni Anton.... Nakita namin silang nagaano... Uhm.... Basta.

"Naalala mo ba yung nakita natin?" Bulong niya na pahalakhak.

Pilit 'kong pinigilan ang tawa 'ko, "Tangina oo. Manahimik ka d'yan baka humalakhak ako dito.." I bit my lip hard para pigilan ang sarili 'ko.

"'Uhh. Kasya ba 'yan? Parang hindi?' 'Oo ano pasok ko na ah wag ka maingay'" Ginaya niya pa yung boses ng Ate niya at ni Kuya kaya hindi ko na napigilan tumawa. Shet! Natatawa ako! Ang lintik na Anton na ito! Hahahaha!

But.. 'Di alam nila alam na nakita namin sila 'non. Kaya nga pagtapos non ay pag nakikita namin silang magkasama, nagtatawanan nalang kami ni Anton. Bruhhhhh.

Lumabas kami sa bahay namin at dumiretso sa treehouse sa likod ng bahay namin at 'don binuhos ang halakhak namin.

"Putek ka Anton! A-ang sakit ng tiyan ko!" Napahawak ako sa tiyan ko at naluluha na ako sa sobrang tawa. Nakakatawa kasi yung tawa ni Anton.

"Bakit nung tayo—"

"Sige! Ipagsigawan mo! Ano, gusto mo bigyan pa kita megaphone?" Sinamaan ko siya ng tingin. Nag peace lang siya at hinapit ang bewang ko palapit sakanya.

"Cute mo! Dito ka nga kiss kita," niyakap niya ako ng mahigpit at pinaghahalikan sa buong mukha 'ko. "Tangina ang cute mo Via. Di kita kaya tiisin." Siniil niya ng malalim na halik ang labi 'ko at mas nilapit ang katawan ko sakanya.

Lumayo lang siya nang may marinig na busina mula sa ibaba. Parang nabitin ako? Ang walang hiyang Anton na ito! Uggghh.

"Baba na tayo. Baka bumaha dito—"

"Kingina mo!" Tinulak ko siya pero humalakhak lang siya at inakbayan ako.

Sana hindi niyo nagets yung sinabi niya. UGH. Walangya!

____________________________________

Please kung may feedbacks kayo lagyan niyo ng hashtag na #AGKB para makita ko. Huhubells.

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon