Nagpunta siya ng bathroom.

"I love you so much CK.. I do loved George but this feeling I have for you is so different. I don't know but I found it like a magic." Tugon niya sa reflection ng sarili niya sa salamin at tumulo na naman ang luha niya.

Pumasok siya sa shower room at nilunod ang sarili sa malamig na tubig.

Inabot siya ng 30mins na nakababad..

Pagkatapos inayos ang sarili.

Humarap sa salamin at ngumiti.

"See you later Cha ko.." At ngumiti ulit.

Pagkababa niya wala si grandma.

Magpapaalam sana siya na lalabas. Sinilip niya sa kwarto pero tulog.

Tumuloy na siya. Palabas na siya ng gate ng magkasalubong sila ng pinsan niya.

"Hey cous! Where you going?" Tanong ni Desiree. Pareho silang nasa driver's seat.

"May pupuntahan lang ako cous.. Ikaw na bahala magsabi kay grandma. Natutulog kasi siya." Paalam niya.

"OK.. Ingat." Tugon ni Desiree.

Nagtuloy2 na sa pagdrive si Patricia.

Calling CK....

2 rings bago sumagot si Josephine.

"Hi cha ko.. Daanan kita ngayon ha. Let's have lunch outside." Tugon niya.

"Ha? Sigurado ka YK? Dba lumabas kana kanina? Baka hanapin ka ni grandma mo." Nagtatakang si Josephine.

"Don't worry it's fine.. I just want to be with you. I love you. I'm on my way. See you. Bye." Sabay end call. Wala naman choice si Josephine. Naghanda na ito dahil maya2 lang baka dumating na ang girlfriend niya.

Ilang minuto lang nakarating na si Patricia sa tapat ng bahay nina Josephine. Hindi na siya bumaba. Kumaway lang ito sa nanay ni Josephine na nagbabantay ng mga panindang ulam.

"Kung ano man nakain mo sana araw-arawin mo na." Biro ni Josephine.

"Gusto mo rin naman pala eh.." Natawang tugon ni Patricia.

"Syempre.. Sino naman may ayaw na makasama ka lagi?" Sabay malambing na pinagmasdan ang nagda-drive na girlfriend.

Saglit naman siyang nilingon nito at nagnguso. Nagtawanan naman sila.

Huminto sila sa isang sea food restaurant.

Masayang silang sabay na naglakad papasok.

All are served.

"Ano ba kasi meron? Hindi mo naman birthday." Tanong ni Josephine bago sila magsisimulang kumain.

Nalungkot saglit si Patricia habang nagkatingin sa mga mata ng mahal niya at agad naman binawi ng ngiti.

"Kapag nagyayang maglunch may okasyon agad? Hindi ba pwedeng gusto ko lang makasama ang mahal ko?" Malambing na Tugon ni Patricia na may kasama pang matamis na ngiti.

"OK po.. Thank you. Alam mo namang gustong gusto ko rin 'to na magkasama tayong kumakain." Tugon naman ni Josephine at ngumiti rin ito.

Masaya silang kumain. Nagkwentuhan.

Pagkatapos kumain pumasok sila sa isang private videoke room ng isang mall.

Habang kumakanta si Josephine.. Di mapigilang mamuo ang luha sa mga mata ni Patricia.

Di naman siya nagpahalatang nagpunas ng tumulo ito.

Nakayakap siya sa beywang ng girlfriend habang kumakanta ito.

Music And UsWhere stories live. Discover now