"Halika, dun na tayo sa kwarto.." Yaya ni Josephine. Magmatigas ito pero napilit naman niya.

Pagkapasok nagback hug ito sa girlfriend sabay bumulong..

"Na-miss kita.. I love you Yoyon ko."

Tila wala pa rin sa mood si Patricia.

"YK, pansinin mo naman ako. Nagseselos ka ba kay Basti ?" Tanong ni Josephine sabay pinaharap.

"Bakit naman ako magseselos?" Nakasimangot na Tugon ni Patricia.

"Hindi? Sigurado ka? Bakit ganyan ang mukha mo ha?" Sabay hinalikhalikan ni Josephine ang pisngi.

Di naman nakatiis si Patricia at pinisil ng halik ang girlfriend na ikinagulat nito.

"I love you.. Ayoko sa Basti na yun. Ang saya2 mo pa nakipag-asaran!" Si Patricia.

"Ayun nagselos nga.. Wala kang dapat ipagselos. Alam mo naman matagal ng friend zone sakin si Basti at alam mo rin diba na hindi totoong naging kami? Ikaw lang ang mahal ko. Mahal na mahal kita. Magtiwala ka lang." Seryosong Tugon ni Josephine.

Napayakap nalang si Patricia. Ganun din naman siya. Mahal na mahal niya si Josephine kaya siya nagseselos.

Almost 11am ng makauwi si Patricia..

"Hi grandma.." Bati niya.

"Apo, tumawag na naman si daddy mo. Sige na tawagan mo na." Tugon nito.

"OK po grandma." Sumunod naman ito at nagdial.

"Hi dad! I miss you!" Bati niya pagkasagot ng ama.

"Open your email now!" Utos ng ama na galit ang boses.

"OK dad.." Kinabahan naman siya at dali2 umakyat sa room niya.

Open her laptop.

May message mula sa daddy niya. May naka-attached na mga photos.

Nagulat siya sa nakita. Halos lahat ng galaw niya.. Actually nila ni Josephine ay nakunan.

"Now Patricia anong ibig sabihin ng mga yan? Hindi kana nahiya?! Saan ba kami nagkulang sayo ng mommy mo para pumasok ka sa ganyang klaseng relasyon?! I want you to come back here in San Francisco! At ayokong sabihin mo sa Lola mo ang dahilan! Kung hindi ka babalik dito, wag na wag ka ng babalik! Understand?!" Habang nakikinig sa sinasabi ng ama, wala naman tigil sa pagtulo ang mga luha ni Patricia.

Ito na nga ang kinakatakutan niya.

Hindi niya kaya makipaghiwalay kay Josephine. Hindi niya ito kayang iwan. Pero.. Pero hindi rin niya kaya na hindi na makita ang pamilya niya dahil tuluyan na siyang ipinagtabuyan.

Ang sakit ng nararamdaman niya.

"Rhian Patricia! Are you still there?! I won't tolerate this!!! Binalikan ka ni George diyan at pinamukha mo sa kanya na may mahal ka ng iba tapos malalaman niyang babae ang ipinagpalit mo?! Hindi sa lahat ng decisions mo susuporta ako lalo na kapag alam kong mali! Listen to me.. I will give one day to talk with that girl and end whatever relationship you have! Or else! Alam mo ng mangyayari sayo! Pati sa grandma mo aq mismo magsasabi na paalisin ka diyan kaya mamili ka!" Wala pa rin tigil sa pagtulo ang luha ni Patricia. Pinipigilan niya itong marinig ng ama ang hikbi niya.

Di niya namalayang napindot na pala niya ang end button.

Hindi alam ni Patricia ang gagawin.. Nanginginig na siya sa kakaiyak.

Magkahalong kaba at sakit ang nararamdaman niya.

Halos mag-iisang oras na siyang umiiyak ng maisipan niyang tumahan na.

Music And UsWhere stories live. Discover now