Chapter 2

14.9K 102 0
                                    

Pagdating namin sa bahay, andun si Mama tapos si Jack, kapatid ko.

"Ma?" tawag ko.

"Jennie anak, andito ka na pala. Ano gusto mo anak?" nakangiting tanong ni Mama.

"Ayos lang ako Ma. Nga po pala, may school mate po akong itu-tutor ngayon. Okay lang po ba?"

Nakita ko namang ngumiti ng malawak si Mama. At nagsparkle pa ang mga mata! Eh?!

Ah, nasa likod ko na pala si Evan. Or Guerrero. Pero pwede ko naman siya tawaging Evan diba?

"Siya ba yung tinutukoy mo, anak?" tanong ni Mama sabay turo sa likod ko.

Lumingon ako at tumango ako.

"Osiya, doon na kayo sa kwarto mo!" kinikilig na sabi ni Mama.

Ah shiz. Knowing my mom, nag-iisip na yan ng pangalan ng mga magiging apo niya. Binaling ko muna ang tingin ko sa kanya. "Ma, 16 pa lang ako!" I mouthed at tinawanan lang niya ako. 

Bago umakyat, binati ko muna kapatid ko ng Hi. At ang sagot niya ay thumbs up.

"Ang linis naman ng kwarto mo," sabi ni Evan while looking around my room.

"Mas madali kasi mag-aral pag malinis ang paligid. Bakit? Makalat ba kwarto mo?" tanong ko.

"Medyo," sagot lang nya.

"Ahh. Teka kukunin ko lang Physics at Calculus books ko." Habang hinahanap ko yung dalawang libro, napansin kong natuod lang si Evan sa mga picture frame sa bedside table ko.

"Bakit?" bigla kong tanong.

"Asan na ang Papa mo?"

"Wala na," sagot ko lang sabay shrug. Hindi pa naman patay si Papa...basta. Mahabang istorya.

---

"Naiintindihan mo ba sinasabi ko, Guerrero? Gets mo na ba yung projectile motion?" pagte-test ko sakanya.

Nagkamot lang siya ng ulo. "Medyo."

Napasapo ako ng noo. "Dios mi,o Evan! Isang oras na nakalipas iisa palang topic natin at di na tayo nakamove on!"

"Mahirap kaya!"

"Madali lang kung iintindihin mo!"

"Para sayo! Kasi matalino ka!"

"Walang taong matalino! May nag-aaral!"

Pati life motto ko nasabi ko na sa kanya! Well, sa akin lang naman yun. Wala naman talagang taong ipinanganak ng may alam agad. Lahat ng alam natin ay dahil sa experience, sa pag-aaral.

"Ituro mo nalang ulit, pwede?" mahinahon niyang sabi.

"Osige. Pero please, subukan mong i-absorb lahat ng sinasabi ko, okay?"

Tumango lang siya.

Sa totoo lang, mabilis naman niya magets. Kaya lang mabilis din siya malito or madistract.

"Wala ka bang time mag-aral?" out of the blue naitanong ko.

"Wala,"

"Bakit naman?"

"Busy ako humanap ng pera. Para sa amin ni Lola."

Para sakanila ng lola niya? Humanap ng pera? Nagtatrabaho siya?

Gusto ko pa makakuha ng information mula sa kanya pero I dared not. Saka pumasok si Jack sa kwarto ko.

"Ate, kain na daw sabi ni Mama. Dito na rin daw kumain yung kaibigan mo." sabi nito ng nakangiti.

"Osige Jack. Sunod na kami."

Tumingin ako kay Evan. "Tara, kain na tayo. Umuwi ka na rin after. Tuloy nalang natin to bukas."

"Mmm."

*

Habang kumakain, napansin kong di mapakali si Evan.

"May problema ba, iho? Hindi pa masarap ang luto ko?" Tanong ni Mama sakanya.

"Nako, ma'am. Masarap po siya." Sagot ni Evan saka sumubo.

"Anong problema mo, then? At please, wag ma'am ang itawag mo sakin."

Nilunok muna ni Evan ang kinakain niya saka sumagot "Di pa po kasi nakakain si Lola sa bahay."

Dali-daling tumayo si Mama at naghanap ng tupperware. Nilagyan niya ito ng ulam at binigay kay Evan. "Eto anak oh, iuwi mo na."

Tinignan lang ni Evan ng matagal yung lalagyan.

"Ah sige po. Salamat po." Psh. Kukunin din pala.

Mas lalo tuloy akong nacucurious sa kanya.

Isang bad boy gaya niya ay di ko inakalang may soft side din pala. Para sa lola niya.

"Aalis na po ako, salamat po dito," paalam niya kay Mama.

"Osige nak." Napansin kong bahagya siyang pumikit ng marinig niya yun. "Ingat ka."

"Opo." Tumingin siya sakin.

"Jennie anak, ihatid mo naman si..."

"Evan po." sabat niya.

"Oh, Evan, sa pinto." pagtuloy ni Mama sa sinasabi niya kanina.

"Uhm, bukas ulit?" tanong ko.

"Oo. Wag ka mag-alala, susubukan ko mag-aral kung kakayanin. Una na 'ko." sabi niya sabay harurot ng motor.

"Ingat!" pahabol ko.

Pagbalik ko ng bahay nakita kong nakatingin sakin si Mama at si Jack.

"Gusto ko siya, anak."

"Astig siya ate!"

Natawa ako sakanila.

"Tutee ko lang siya. Ni hindi kami magkaibigan," ngumiti ako sakanila saka pumanhik.

Nag-aaral ako ng Advanced Chemistry ng may nag-replay sa utak ko.

"Busy ako humanap ng pera. Para sa amin ni Lola"

Wala ba siyang mga magulang?

Nagtatrabaho ba siya? Saan?

Bakit all of a sudden, nacurious ako sa buhay niya?

TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon