Chapter 6

186 0 0
                                    

Another day, another tutoring session. Honestly at this point, I just wish bayad ako for this.

"You know, Evan," simula ko. "Hindi talaga ako masyadong magaling sa Math. Can we just skip Calculus instead? I can highly recommend my friends Anne and Paul for Calc, pwede bang mag-advanced Physics na lang ulit tayo?"

Hindi sumagot si Evan at patuloy lang niya akong tinignan. Anong problema nito?

Huminga siya ng malalim. Mukhang nag-iisip ng sasabihin, pero sino ba naman ako to assume.

"Our Principal said gusto mo na daw mag-quit as my tutor," mahina niyang sabi.

Totoo naman iyon, pero bakit ayaw ko aminin?

"Don't be too hurt," pabiro kong sabi. "Mostly feeling ko lang nags-suffer yung personal life ko."

He looked worried after I said that. "I'm sorry, burden ba ako sa iyo?"

Nag-panic ako sa tugon niya. "No!" I said, with matching hand gestures pa! "Not at all, pero nare-realize mo namang we spend 2 hours every other day para lang sa mga session, diba? Wala ka bang personal life na dapat maging worried ka?"

Ngumiti siya, pero yung ngiting nakakaloko. "Dalawang linggo nang ikaw ang personal life ko."

Akala niya ba mapapaikot niya ako sa mga paganyan niya? Two can play this game, Guerrero.

"Ah really?" sabi ko. "Alright then, session over na tayo dahil ayaw kong ikaw ang personal life ko."

Inayos ko na ang mga libro na gamit namin and binato ko sa kanya mga nakakalat niyang gamit sa kwarto ko.

"Touché, Alcantara."

Napatawa na lang ako. Hinatid ko siya hanggang pintuan namin.

"I'll be gone next week nga pala," simula niya. "For the next sessions, pwede bang paturo na lang ako ng mga kailangan kong i-catch up?"

Nagtaka naman ako doon, at dahil hindi ako papayag ng walang details, pinilit ko siya. "Bakit ka naman maga-absent?"

"Out-of-town commitments," maikli niyang sagot.

"What kind of commitments?"

"Nosy now, are we, Alcantara?"

Okay, he got me there.

"Oy, hindi no! You don't half to share if it's that private, mag-ingat ka na lang wherever you'll be. Pwede rin namang hindi, para wala na akong itu-tutor!"

Ginulo niya buhok ko. "You don't want that."

Hinintay ko nalang makasakay siya sa bike niya at makaalis bago ako pumasok ulit ng bahay.

Maybe he has a point.

Maybe I don't want this tutoring session to end.

TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon