11

18 0 0
                                    

"Good morning Ms. Perez daan ka daw sa Registrar's office ngayong umaga." bungad sakin ni Mang Domeng (school guard) ng dumating kami sa school.

Tumango ako at sinabihan ang mga kasama ko na mauuna na sa homeroom.

Registrar's office means two things:

1. nagpadala na naman ang alin man sa parents ko ng package at tulad ng dati sa school na naman pinadala at hindi sa bahay tulad ng mga normal na magulang.

2. may bagong student ang school. 3rd year din kaya ako ang pinatawag.

Pagpasok ko sa office, ulo na may Brown na buhok agad ang nakita ko. Ang isip ko agad exchange ata, kahit di naman ginagawa yun ng school namin.

"Good morning Ms. Pas, pinatawag nyo raw po ako." tanong sa registrar

Naramdaman ko rin na nakakatitig ang bagong student sakin.

"Ah Ms. Perez, good morning dear. we have a new 3rd year student. Can you take him to his locker? And Mr. Villa bumalik ka dito after mong pumunta sa locker mo." sabi ni Ms. Pas with a smile.

Tumango lang ako narinig ko syang sumagot ng yes mam. Magkasunod kaming lumabas ng office, agad syang nagpakilala sa labas.

"hi, im Reny Villa. Dad's British, Mom's Pinay. Pinatapon ako dito." sabi nya sabay tawa

"ok. im Zaniya Mei Perez. 3rd year batch president." sagot ko na medyo naiirita dahil sa yabang na lumalabas sa kaharap ko.

"Well Zaniya, nice meeting you. So tell me hindi ba magagalit ang boyfriend mo na kasama mo ako ngayon?" panguusisa nya habang nakangisi sakin.

Woah! Too personal mate. Its official I don't like him.

"Nope. Ginagawa ko lang naman ang tungkulin ko eh. I know he wouldn't mind." sagot ko naman.

"Ooohhh, akala ko wala. I wouldn't mind treating you lunch later." sabay kindat.

Nope! Not in a million years will i have lunch with him.

"Uhm. its ok. I ALWAYS have lunch with my BOYFRIEND. Here's your locker. Homeroom is the last room when you turn right. Ok. See you." then i turned and walked away.

"See yah Zanbam."

Hate nicknames from strangers. I need to see Ezie. I don't know why but im in a panic mode. I NEED TO SEE EZ.

Nagjo-jogging na ko para makarating agad, natigilan ako malapit sa pinto.

Nakatayo si pintuan si Ezie naka-ekis ang kamay sa dibdib at naka-ngisi pero hindi sya nakatingin sakin. Nakaharap sya kay KRYSTAL! Nakangiti si Krystal na natawa-tawa pa habang hinahampas ng mahina sa braso si Ezie. Naka ngisi parin si Ezie na mukhang natutuwa rin sa sinabi ng bruha.

May kung anong kumurot sa dibdib ko. Ang sakit. Yung tormentor ko at ang bestfriend/boyfriend ko magkausap at mukhang masaya. Naiiyak ako pero di ko papakita.

Dahan-dahan akong lumakad palapit.

"Excuse me. Nakaharang kayo sa daan." binangga ko sila at pumasok. Nakatingin sakin si Gener at iba.

"Ouch! Zaniya! You don't have to be rude!" sigaw ni Krystal, si Ezie naman ay nakatingin sakin na nagtataka at nagugulat.

"You don't have to flirt with my BOYFRIEND! Sa pintuan pa ha. Wala ka na talagang hiya dyan sa katawan mo. Anyways, di ako magsosorry, you were always rude to me but you never apologize. Now we're even!" pabulyaw kong sagot

Di ko alam kung san galing ang confidence ko. Ito ata ang selos. Hindi man totoong kami ni Ezie pero the fact na pede syang maging masaya kasama si Krystal ignited some feelings in me.

Lahat sila nakatingin samin. Nagaantay ata ng away. Nakanganga naman si Krystal. Si Ezie naman ay nakatingin sakin ng nakangiti. Hindi ako ngumiti, galit ako sa kanya dahil hinahayaan nyang landiin sya ng bruha.

Lumapit na ko sa upuan ko pero inabot ni Gener ang kamay ko.

"Let's talk later." bulong nya.

Tumango lang ako at naupo sa upuan ko. Sumunod din si Ezie at naupo sa tabi ko. Di ko sya kayang tignan. Galit pa din ako. Si Krystal naman ay tumabi sa mga kaibigan nya na nagkukunwaring naiyak.

Wala akong pakialam. Ang sarap nyang sampalin. Nilalandi nya si Ezie and well it gave me feelings i don't want to feel.

Naramdaman kong hinawakan ni Ezie ang nagkukuyom kong kamay sa ibabaw ng lamesa.

"Hey Zami. Im sorry. Di ko alam kung anong nakita mo pero di ako nakikipag-landian sakanya."

"Yah right! Kitang - kita ko nga eh. You were smirking at whatever that girl was saying! You were interested to whatever that freaking girl was saying!" bulong ko skanya na may kasamang diin. Hindi ko parin tinataas ang mata ko skanya. Naiiyak na kasi ako.

"Zami, she told me na lumipat na dito yung common friend namin from England na nakilala namin nung grade 6. Yun nga ata ang dahilan kung bakit ka pinatawag sa office. Inaantay kita sa pintuan ng lumapit sya sakin." paliwanag nya.

Itinaas nya ang mukha ko para tignan sya at nagulat sya na makita ang mga luha sa mga mata ko.

"Zami, bakit? Bakit ka naiyak? Dahil ba to sa nakita mo? Di ko sya nilandi sya ang lumapit sakin. I don't understand why you're acting like this." pabulong nyang tanong sakin.

Inalis ko ang kamay nya sa mukha ko at tumingin sa mata nya.

"Dahil im supposed to be your freaking girlfriend! I can't even flirt with you kasi hindi naman talaga tayo."

Yumuko na lang ako at umiyak ng mahina. Sinusubukan nya akong paamuhin pero di ko mapigilan ang luha ko. Tumayo ako at pumunta sa upuan ni Gener at Kim ata to.

"Kuy, pede bang tabi na lang muna tayo." naluluha kong sabi. Nakita ni Gener ang luha ko.

"Kim go." mariin nyang sabi.

Agad na umalis at tumabi sya sa nakasimangot na Ezie. Umupo agad ako at sinubsob ang mukha ko sa balikat ni Gener habang pinatatahan nya ko. Sigurado ako na lahat sila nakatingin samin.

Nag-away ang power couple dahil sa lider ng Cheeries. Yup! Parang pelikula.

i got 10 minutes to calm down. So i did. Sinubukan ng mga kaibigan naming pagbatiin kami. Kahit si Ezie naupo na sa harap ko, pero tinaboy sila ni Gener.

Dumating ang teacher namin na makapal ang tension sa room. Napansin nyang sa iba ako nakaupo pero wala syang sinabi. He trust me to know what's right.

"Ok class. We have a new student. Please introduce yourself." sabi ng guro

Saka ko lang nakita ang kasama nya.

SI RENY VILLA! Ang mayabang na nakapag-bigay sakin ng panic attack. Of course andito sya.

"Hi im Reny Villa. Im from England." meron syang slight English accent. "Pinadala ako ng mama ko dito para dito makatapos ng highschool. I met some of you before and one i met earlier. I hope na maging friends tayo lahat." nakangiti nyang sabi.

Did he meant me? Ako yung nakilala nya kanina. Sinabihan sya ni Sir na maupo sa dulo sa likod. Sa tabi ko sya pumiling dumaan.

"Well hi babe." sabi nya sakin.

"im not you're babe!! Andito din boyfriend ko so you wouldn't want to mess with me." may diin kong sabi.

Tumawa lang sya at naupo sa upuan nya.

Unang subject pa lang sira na araw ko.

SUCKS TO BE ME TODAY!

With You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon