Kakauwi lang namin sa bahay, mabuti na lamang at tulog na si Jordan. Kaya pinalitan na lang ni Kath ng damit. Naisipan naming manuod ng movie dahil hindi pa din naman kami inaantok.

"Grabe talagang kalokahan ni Vice! Hahaha." komento ni Kath sa movie ni Vice.

Hindi ko naman naiintindihan eh. Sa kanya lang ako nakatingin eh.

"May problema?" napa-kurap ako ng bigla akong tinanong ni Kath.

"Ha?" wala sa katinuan kong tanong.

"Wala. May problema ba? Sobrang tahimik mo. Hindi ka naman ganyan eh." nag-aalalang tanong niya.

Umayos ako ng upo paharap sa kanya. Kailangan ko na talagang sabihin ang tungkol sa pag-alis ko. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.

"May trabaho akong kailangang gawin sa ibang bansa. Nalulugi ang branch namin sa Italy at sa akin iniatang ni Papa ang trabahong iyon. This month na din ang alis ko." dire-diretsong sabi ko.

Lalo akong na-guilty dahil kita ko sa muka niya ang lungkot.

"Gaano katagal?" tanong niya.

"Hindi ko alam, Mahal. Baka mahigit sa tatlong taon." sagot ko. Agad ko siyang niyakap 'nung nakita kong naluluha siya. "Hindi ko naman gustong malayo sa inyo eh. Pero gagawin ko 'to para sa future natin. Para kay Jordan." sabi ko at hinalikan ang noo niya.

"Babalik ka naman diba?" tanong niya habang naiiyak.

"Oo naman! Aalis lang naman ako para sa trabaho. Babalik ako kasi may asawa akong babalikan! Saka promise mo Mahal, ako lang ha?" sabi ko sa kanya. Kumalas siya sa pagkaka-yapos ko at pinalo ang braso ko.

"Line ko 'yun eh. Dapat ako lang din. Akin ka lang Mahal." naka-ngiti ako niyakap siya ulit. Minsan lang niya akong tawaging 'Mahal'. Nakakakilig lang.

Hinalikan ko siya sa noo ng paulit-ulit.

"Pangako ko sa'yo! Ikaw lang." ngitinitan niya ako saka nilagay ang palad niya sa muka ko.

"I love you." sabi niya.

"I love you too."

"Ako lang talaga ha?"

"Ikaw lang talaga."

Hinapit ko siya ng mas malapit sa akin at niyakap ng mas mahigpit.

"Di ko maintindihan ang nilalamam ng puso. Tuwing magkahawak ang ating kamay. Pinapanalangin lagi tayong magkasama. Hinihiling bawat oras kapiling ka sa lahat ng aking ginagawa. Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta."

Tumigil ako saglit sa pagkanta dahil naiiyak na din ako. Nilagay ko ang ulo sa balikat niya.

"Sana'y hindi na tayo magkahiwalay kahit kailan pa man."

Narinig ko ang hikbi ni Kathryn nang sinabi ko ang line na 'yun.

"Ikaw lamang ang aking minamahal. Ikaw lamang ang tangi kong inaasam, makapiling ka habang buhay ikaw lamang sinata. Wala na akong hihingin pa. Wala~ na kong hihingin pa. Wala~ na."

Pinaharap ko siya sa akin para pinunasan ang luhang pumapatak sa mata niya.

Hindi ko naman talga gustong lumayo. Kung may choice lang ako na tanggihan si Papa.

"May oras pa naman tayo para mag-bonding eh. Makakasama niyo pa din ako. Shh. Love you." sabi ko.

Sumandal siya sa dibdib ko.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now