Chapter 11: Easier Done Than Said

8.3K 152 6
                                    

Rated SPG
--
Chapter 11: Easier Done Than Said


SHERYL REALIZED THAT she missed Chester much more than she thought. Matapos ng naging pagkakaayos nila ay halos ayaw na niya itong bitawan.

Sa biyahe nila pabalik sa hotel, walang nagsasalita sa kanila. Magkatabi sila sa backseat pero hindi gaya kanina ay magkadikit na sila ngayon, with Sheryl hugging Chester's arm and holding his hand. Maya't maya rin silang nagtitinginan para lang magngitian. May isang beses pa nga na hinalikan siya nito sa noo.

Sheryl was very tired--happily tired--and she looked forward to sleeping right away kapag makarating na sila sa kanilang tutuluyang hotel room. Sleeping next to Chester--she also missed that. Kaya lang, pagdating nila sa hotel, may dalawang staff ang agad-agad lumapit sa kanila at kinausap nang pribado si Chester.

Mukhang may problema, naisip iyon ni Sheryl habang pinanonood ang pakikipag-usap ni Chester sa dalawang staff, who she guessed were managers. Halata kasi sa itsura nung dalawa ang panic, habang si Chester ay nanatiling kalmado.

"Sheryl," tawag ni Chester pagkabalik nito sa kanya. "Mauna ka na sa kuwarto natin. Got to do something first here."

Halos mapasimangot si Sheryl. Anong oras na kaya. 10pm na. Pero may kailangan pa itong gawin na may kinalaman sa trabaho?

"Gaano katagal 'yang gagawin mo?" She tried her best not to sound naggy. It was not a good time to be or sound like one. Kakaayos lang nilang dalawa at ayaw niyang gumawa ng kahit anong maaaring magkalamat agad sa relasyong sinusubukan nilang buuin at ayusin.

"Not sure..." Sagot ni Chester. "Most probably, more than an hour."

Ang tagal naman...

"Sorry about it," hinawakan siya nito sa isang pisngi. "Later, I'll be all yours, I swear." At hinalikan siya nito ulit sa noo.

Chester's forehead kisses? Napaka-imposibleng hindi siya mapangiti sa mga iyon. So she smiled now, nodding.

"Okay." Sagot niya rito.

Napangiti rin si Chester at hinatid pa siya sa elevator.

"Later." Paalam ni Sheryl pagkapasok niya sa loob.

"Hm, later." Tugon naman ni Chester.

Matapos no'n ay nagtitigan sila--nang ilang saglit hanggang sa sabay silang napangiti.

Nung pasara na ang pinto, pinigilan iyon ni Chester at humakbang papasok ng elevator--para lang bigyan siya ng isang mabilis na halik sa mga labi.

"More later, yeah?"

Pinigilan ni Sheryl ang matawa sa binulong ng binata.

"If I'm still awake when you get up there, then yeah. There's gonna be much more later. Now, if you excuse me." Marahan niya itong tinulak palabas ng elevator at nginisian.

Nakita naman niya na ngumisi rin si Chester--aliw na ngumisi--bago tuluyang nagsara ang elevator. Nung umandar na iyon paitaas, napasandal siya sa gilid nang dampi-dampi ng isa niyang kamay ang kanyang mga labi.

God. She also missed those lips of his--so damn much.

***

HINDI AKALAIN NI Sheryl na mawawala ang antok niya pagkaakyat niya sa kanilang kuwarto. She was tired, but no, she wouldn't be able to sleep as long as Chester was not yet beside her.

Nakaligo na siya at nakabihis pang-tulog. Pajamas and a loose shirt.

Tsk. Kung alam lang niya na magkakaayos sila ni Chester sa pananatili nila roon, nakapagdala sana siya ng mas appropriate na pangtulog. The kind of sleepwear Chester would love to rip off of her.

Dirty Games (SEXY BLACK Duology Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon