"Kamusta na bulol? Na-miss mo 'ko? Five months din kaming hindi dumalaw ni Mommy rito," pangungulit ni Ayler sa kaniya ngunit bineletan lamang siya ni Cyan, saka siya tinulak.

"Hindi naman itaw ang pinuntahan ko tito!" pagsusungit niya kay Ayler. "Luke, tala na. Liligo ka raw ni Nanay."

Dinaluhan na ni Cyan si Luke at kinarga ito.

"Sigurado ka at kaya mo si Luke, Cyan?"

"Opo, Ma'am Ableyn," nakangiting saad nito.

Akmang aalis na sana sila nang dumating si Ate Klein—ang nanay ni Cyan.

Kinuha nito sa anak si Luke at ngumiti sa akin. "Sige po, Ma'am Avrein, paliguan ko lang po muna si Luke ibabalik ko na lang din po agad sa inyo," anito, saka inakay na rin paalis si Cyan.

Luke was my dog.

"How are you, tita?" nagulat ako nang biglang magsalita si Ayce na siyang pumukaw ng atensyon ko.

"What do you mean little boy?"

"The last time we came here, you were just staring blankly at the space. You just kept on crying and crying."

Am I really talking to a three-year-old boy?

"I'm fine, Ayce. I'm now perfectly fine."

"I hardly doubt it," aniya sa akin.

Nginitian ko lang siya at hindi sinagot dahil kahit ako ay duda kung okay na nga ba talaga ako. Kaya ko na ba ulit makita ang mundo at lumabas sa kuwebang pinagkukublian ko?

***

...two years ago...

Hirap na hirap kong idinilat ang mga mata ko. Wala na ang sakit ng katawan na naramdaman ko kahapon nang mabangga ako ng kotse na 'yon.

Hindi ko na rin maramdaman ang sari-saring aparato na inilagay nila sa akin noon bago ako tuluyang mawalan ng malay. Wala na ang sakit. Wala na ngunit . . .

"Anak ko!" Napabalikwas ako ng bangon at kitang-kita kong gulat ang bumalandra sa mukha ng lahat ng taong naroroon sa loob ng silid ko. Kumpleto silang lahat. Ang magulang ko, si Lola, ang mga tito at tita ko, maging ang mga pinsan ko. Ngunit wala siya . . . wala si Vience.

"Avrein." tawag sa akin nina Mommy at Daddy.

"May naaalala ka ba, anak? Naaalala mo ba kami?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mommy. Bakit pa nila itinatanong kung may naaalala ako? Sariwan-sariwa sa alaala ko lahat ng nangyari sa akin kahapon.

Napatingin ako kay Aeickel at nagulat ako sa klase ng tingin na ibinigay niya sa akin. Tingin iyon na tila may nais ipahiwatig—tingin na tila gusto niyang magpanggap ako?

Pero saan ako magpapanggap?

"May naaalala ka hindi ba, Avrein?" may diin na tanong sa akin ni Lola.

Muli akong tumingin kay Aeickel at nakita ko siyang umiling. Nakuha ko na. Gusto niyang magpanggap ako na wala akong alam. Pero bakit? Para saan?

"Opo," sagot ko, saka ko tiningnan ang reaksyon ni Aeickel at nagulat ako nang maging blangko ito na tila may mali akong sinabi. "Opo. Naaalala ko po na kasal kahapon nila ate Aiyell at kuya Claw."

Nadinig ko ang sabay-sabay na pagsinghap ng mga tao sa paligid ko ngunit hindi si Aeickel, Lola at Tita Yna. Tila ako iniinspeksyon ni Lola at tita Yna sa klase ng tingin nila sa akin. Samantalang si Aeickel naman ay nakamasid lang sa akin na tila sinasabi niyang tama ang ginawa ko.

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon