From: Man-of-my-dreams ♥

Can't wait to see you. I love you :* and please be quick :)

Isa pa 'tong taong 'to. Ang aga aga,pinapakilig ako! . Simpleng text pero para akong dinaluyan ng kung anong kuryente sa katawan ko. Ganyan siya,hindi siya nagsasawang iparamdam sa akin araw araw kung gaano niya ako kamahal. At kung gaano siya ka 'thankful' na dumating daw ako sa buhay niya.

Ibinalik ko nalang agad yung phone ko sa pouch ko at baka matunaw na yun kakaulit kong basahin ang text niya sa akin. Magkikita na din naman kami maya maya lang.

Habang nakatingin ako sa labas,di ko maiwasang mapangiti. Ang sarap lang kasi isipin na, totoo pala talagang kahit anong mangyari sa dalawang taong nagmamahalan, basta sila talaga ang nakatadhana sa isa't isa, gagawa at gagawa ng paraan ang panahon para magkasama sila.

Na kahit sobrang nasaktan man noon, na kahit sobrang dami ng hirap na yung pinagdaanan, nandoon pa din palagi yung 'pagmamahal' . Sabihin man natin na, nabawasan kahit papaano sa paglipas ng panahon,pero kapag kasi makita mo ulit yung taong talagang mahal mo, halos lahat ng sakit at saka hirap,unti unting maalis yun. 

"Baby?we're here" bigla nalang akong nabalik sa huwisyo ng hawakan ni Dad ang kamay ko. Nandito na pala kami sa harap ng simbahan.

Naunang bumaba si Daddy at pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng pintuan. Inalalayan niya akong makababa ng sasakyan.

"Muff/Kapatid/Fudge!!" nagulat ako nung sabay sabay na sabi nung tatlo kong bestfriend. See?masyado silang excited.

"Maka sigaw nanaman kayo ah?Okay lang ba suot ko?Sabi kasi ni Ate Harm--

"Ano ba! Maganda ka no! Nahiya nga kami sa mga itsura namin eh" Kairie

"Oo nga,parang hindi naman tayo pare parehong---

"Ep! Tama na yan nag away pa. Basta maganda tayong lahat. Hala dali guys,papasok na tayo sa loob.Andiyan na daw yung pari" pag aaya saamin ni Yannie.

Yung labas palang ng simbahan sobrang ganda na. Kita mo na din agad yung mga tao sa loob,pati yung mga rose petals na nakakalat dun sa isle ng simbahan.

Maya maya,nagsimula na ang wedding ceremony. Isa isa na kaming pinalakad sa isle. At aminado ako,ramdam ko yung kaba ko. Yun bang pakiramdam na sa bawat hakbang mo,lahat ng tao sa loob,nakatingin sa'yo. Buong atensyon nila, sa'yo lang. At sa dulo ng lalakaran mo,matatanaw mo pa yung taong gusto mong makita . :)

Yun ang pinakamasarap sa pakiramdam,yung habang naglalakad ka sa gitna ng madaming tao,makikita mo siyang nandoon at nakatingin ng diretso sa mga mata mo.

Mommy,sana talaga nandito ka ngayon.

Nagsimulang magsalita ang pari ng makarating na ang lahat sa unahan. Naging tahimik at payapang nakikinig ang lahat habang sinasabi isa isa ng pari ang mga dapat gawin ng mag asawa. Kung ano ano ang mga gampanin at responsibilidad sa isat isa. Lalo na kung gaanong pagmamahal ang dapat iukol sa magiging kabiyak mo.

I Hate You, Sir! (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now