V. Fate

132 8 0
                                        

"You can't do this to me Jessa..." Mahina kong sabi habang pinanlalakihan ako ng mata sa sinabi niya. Habang kampante namang nakahiga sa kandungan ko ang sobra sa kalasingang si Sup.
"Hindi puwedeng di ako umuwi. Alam mo namang maghi-hintay ang Mama ko." Sumimangot si Jessa at alam ko na pag nag-seryoso na siya, wala na kong magagawa para baliin pa desisyon niya.
"Paano to?" Inginuso ko si Sup na ang sarap ng tulog sa kandungan ko.
I had to literally force myself to look elsewhere because each time I look at him, I feel mesmerized. Mahirap na baka mapuna pa Ko ni
Jessa. Ang lakas pa naman niyang manukso.
"Dalin natin sa police station."
"Huwag. Kawawa naman siya." Tanggi ko.
"Paano kasi, lalasing lasing di naman pala kaya." Umirap si Jessa.
Kanina, nang nasa Elite pa kami, I noticed him talking to Ms. Stacy. Silang dalawa lang don sa table. Parang may seryoso silang bagay na pinag-uusapan. From the way I see it, parang nagagalit si Sup samantalang balewala naman kay Ms. Stacy. Paminsan-minsan nga nakikipagbiruan pa ito sa ilang kaibigang dumadaan.
Several friends of his also sat down for awhile and drank with him. But none of them stayed longer than him. hanggang sa napag-iwanan na siya mag-isa.
One of them was Boss Vlad, yung boyfriend ni Boss Kat.
"Hay! Dianne ano ba gagawin natin diyan? Tapos ngayon tayong dalawa namomroblema sa kanya. Uuwi na ko!"
"Please dalhin na lang natin siya sa bahay niya..." Pakiusap ko.
"Paano mo nga dadalhin yan? Wala namang address o ID man lang."
"Tawagan natin si Boss Kat..." Suggestion ko.
"Gabi na. Tulog na yon. Gusto mo bang ma-irate sa tin yon?"
Tumiklop ako.
Oo nga pala nakakatakot magalit yon. Mainitin pa naman ang ulo non.
"Dalin na lang natin yan sa presinto. Tapos ang problema."
"Mahirap nga mag-tiwala sa pulis. Baka nakawan pa siya."
"Ay! Sobra concern mo sa kanya ha? Nakakahalata na ko." Tiningnan ako ni Jessa ng makahulugan.
Buti na lang at medyo madilim kaya hindi niya nakita pamumula ng mukha ko.
"Eh kung sa yo kaya mangyari ganyan? At walang mag-magandang loob sa yo. Isa pa kahit paano kilala naman natin siya. Kasamahan natin siya sa GT. Kaya alam natin na di siya masamang tao." Nag-galit-galitan ako.
Nakita kong umismid siya sa akin at ngumiti ng bahagya, tanda na di siya talagang naniniwala sa sinabi ko.
'Besides how can someone so good-looking like him be so bad?' Naisip ko.
"Saan po tayo Ma'am?" Tanong sa min ni Manong Driver.
Si Jessa sumagot.
"Diyan sa Antipolo Kuya. Alam ninyo ba yung Sangang Daan?" Binigay ni Jessa ang direksiyon sa Driver.
Nakahinga ako ng maluwag. Hay salamat at Kina Jessa pala kami tutuloy.
Tinext ko kuya ko. Sinabi kong di ako uuwi. Siya na Bahala mag-paliwanag kay Nanay at kina Jessa ko matutulog.
Nag-text din siya. Wala din pala siya sa bahay at magkasama sila ng boyfriend niya.
Bakla kasi Kuya. Problema lang di pa alam ito ni Nanay. Lagot na kapag nalaman niya ito. Tiyak na sasama talaga loob non at perpekto pa naman tingin niya kay kuya Aries.
"Jess thank you ha... OK lang ba sa Mama mo?"
"Di tayo sa amin tutuloy noh. Doon tayo sa bahay ng Tita ko. Nasa Hongkong kasi sila ngayon. Pinagkatiwala lang sa amin ang bahay niya kaya may susi ako doon. Iiwanan ko lang kayo ni Sup doon tapos uuwi din ako."
Gusto ko sana mag-reklamo na huwag niya kami iwanan kaya lang baka tuluyan ng magalit si Jessa kapag ginawa ko yon.
Ilang minuto lang ang lumipas at voila! Nakarating din kami sa bahay ng Tita niya na malapit lang din pala sa bahay nila. Ilang blocks lang ang layo.
Pinag-tulungan naming biyabitin si Sup papasok ng Sala. Buti na lang at tinulungan kami ni Manong Driver.
Gusto ko sanang mag-reklamo ng kumuha na nga ng pambayad sa wallet ni Sup si Jessa, kumuha pa ng pang tip but I got scared of Jessa's expression na para bang sinasabing 'Don't you dare...'
"Grabe pala bigat nitong kapreng to... He better be good to us when he wakes up because we went through a lot of trouble just because of him. "
Pawis na pawis kami pareho ni Jessa nang maupo kami sa malambot na couch ng Sala ng Tita niya.
Parang lahat yata ng kalasingan ko nawala. Buti na lang at rest day namin tomorrow kaya OK lang kahit tanghaliin kami ng gising.
"Gusto mo ba dun na lang sa bedroom... " She said it without asking as if she's testing me.
"Stop saying that. You make me feel so dirty." I answered without meeting her gaze.
"Just making sure you're comfortable. You are my Guests right?" she made it sound with a hint of sarcasm.
Ganito ba siya talaga kapag nalalasing? Parang gusto palaging makipag-away. She's the total opposite of herself when she's sane.
"OK na ko dito." I closed my eyes and rested my tired, poor back on the sofa and pretended I want to sleep.
"Well... I better go now since everything's settled... Ayokong pag-hintayin pa si Mama no... Kung may kailangan ka or magutom kayo, the kitchen's just at the back of that divider ha Di..."
Hanggang maisarado niya na ang main door, nakapikit pa rin ako. I tried my best to sleep but my mind is still awake.
I opened my eyes and scanned the place.
Maliit lang ang bahay ng Tita ni Jessa pero makikita mong maykaya ito sa mga kasangkapan na lahat ay primera klase.
Fully carpeted ang Sala na air-conditioned. Pati mga small piece Decors may halaga.
Mag-isa lang daw sa buhay ang Tita niya. Madalas mga pamangkin lang ang kasama nito. And maybe because masyadong naging busy sa pag-aabroad nakalimutan na nito pati pag-gawa ng sariling pamilya.
I'm really envious of people like her. They're not afraid to be alone. Ako kasi I can't live alone. Kahit nga sa trabaho o kahit na nung nag-aaral pa ko, palagi akong may kasama. Gusto ko kasi palaging may kausap. I want to be assured that there's someone there for me.
"Stacy..." Si Sup. Nagsa-salita ng tulog.
Kinabahan ako. Paano kung magising na siya? Paano ko ba sa kanya ipapaliwanag kung paano siya napunta dito?
Pagod na rin ako at gusto ko na rin matulog. OK lang sa akin mag-explain basta makapahinga muna ko kahit kaunti.
"Sup... Este Sir... Sir..."
Walang sagot. Nakatulog ulit. Nakahinga ako ng maluwag.
Hay salamat. Makakapahinga ko kahit ilang oras.
Sumandig ulit ako sa malambot na couch at pumikit. I won't forget today. Probably for the rest of my life. Kakaiba. And out of the ordinary.
It is not one of those boring routines that I have to attend daily.
Umubo si Sup. Napadilat na naman ako.
Alanganin akong lumapit sa kanya at patingkayad na sinilip ang mukha niya.
Shit! Umupo siya at dumilat din ang mga mata.
Napa-atras tuloy ako. Pakiramdam ko para kong makahiya na biglang tumiklop.
"Where am I?" Napahagod siya sa buhok niya habang nagpapa-linga-lingang tinitingnan ang paligid.
Muntik na kong mapatili nang tumigil sa akin ang mga mata niya.
"You... You are..."
"D..." Naumid yata dila ko. Napipi ako.
"Dianne..." Sagot ko sa nangingimig na tinig.
"Nag-collapse po kayo kanina. At nadaganan ninyo ko nung nasa Elite pa tayo..." Paliwanag ko.
Tumango-tango siya na para bang nakikisang-ayon sa lahat ng sinabi ko.
"I need a glass of cold water..." Aniya sabay upo ng maayos at sandal sa mahabang sofa. Pumikit ulit siya.
Nawala ang antok ko sa magka-halong nerbiyos at kabang nararamdaman ko. First time ko lang siya nakausap ng ganito and I don't like to make a bad impression. Nagmamadali akong pumunta sa kusina at kumuha ng isang pitsel ng malamig na tubig sa ref at baso.
Pag-balik ko, nakapikit pa rin siya at nakasandal pa rin sa couch.
"Sir..."
Pag-dilat. Kinuha niya agad sa akin ang baso at pitsel ng tubig. Uhaw na uhaw na sunod-sunod ang salin niya ng tubig sa baso at inom. Hanggang sa halos nasaid niya na ang laman ng pitsel. Nakatayo lang ako at nakatingin sa kanya nang bigla siyang tumayo at humahangos na tinungo ang CR. Antimanong sumunod ako sa kanya.
Mayamaya pa panay na ang suka niya sa may kasilyas. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na panay ang hagod sa likod niya kagaya ng madalas kong ginagawa kapag sinusumpong ng asthma niya si Tatay.
Nang humupa na pagsusuka niya, inalalayan ko siya pabalik ng Sala.
Second time na to ha? Na maakbayan ko si Sup. Well... Kasalanan ko ba kung sinusuwerte ako?
Kumuha ko ng towel sa isa sa mga drawers sa kusina at binasa iyon. Nagpakulo din ako ng tubig para igawa ng kape si Sup. Pag-balik ko sa Sala, pinunasan ko ang mukha ni Sup na nakatulog yata sa pagod.
Ah!!! He really looks so vulnerable when he's like this. He looks like a helpless child. He is so dashingly handsome. I can't really take my eyes off him.
Never in my life have I ever imagined that I would have this chance of being so close to him.
Wala talagang nakatulog na si Sup. Tatayo na ko para bumalik sa kusina nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
Nang lingunin ko siya ulit, nakatitig siya sa akin. Oh my!!!
"Thanks..."
"Gusto mo ng black coffee?" I didn't intend that to sound so husky. It took all my self-control not to scream in excitement.
"Please... " He said it with his soulful eyes.
Pag-dating ko sa kusina doon ko lang pinabayaang manginig ang tuhod ko sa Kilig.
"Ayoko na. Uuwi na ko..." Bulong ko habang panay ang kumbinsi ko sa sarili ko na hindi ako nananaginip. Na totoong lahat ang nangyayaring ito sa akin.
"Coffee..." abot ko sa kanya ng isang tasa ng mainit na kape pag- balik ko sa Sala.
Lumayo ako agad sa kanya at naupo sa couch na pinuwestuhan ko kanina.
He drank his coffee without looking at me. Nang maubos, pumikit ulit siya and in just a few minutes I heard his soft snoring.
I took his cup and saucer and went back to the kitchen. Pagkatapos, nilinis ko ang CR at inayos ang mga gamit na nagalaw namin ni Sup.
Pag-balik ko sa Sala, tulog na talaga siya and for that I was so grateful.
Finally, I can sleep in peace.

The Sup Next BayWhere stories live. Discover now